Filipinas
Mayo 31, 1900
KINABUKASAN, abala kami ni inay na nagliligpit ng aming mga pinagkainan, alas-sais na kasi ng umaga kung kaya’y kailangan na naming mag-umpisang maglakad, si inay patungo sa hacienda ng mga Montemayor habang ako ay patungo naman sa loob ng Intramuros upang dumalo sa aking klase.
Paalis na sana kaming mag-ina nang nakita naming humahangos na tumatakbo si Esmeralda patungo sa aming bahay, si Esmeralda ay ang panganay na anak ni Tiya Esmel.
“Tiya Pilar!” sigaw nito habang halos maglumpasay pa sa harapan ng inay.
“Esmeralda! Anong problema? Napano ka?” nag-aalalang banggit ni inay.
“Tiya, sinugod namin si Inang Esmel sa paggamutan, nanikip ang kan’yang dibdib sa sobrang sama ng loob. Si Hulyo kasi tiya ay naglayas.”
Ayan kilala niyo pala kami kung may kailangan kayo!
“Oh? Eh, anong maitutulong namin, Esmeralda?” anas naman ni inay habang inaalalayan pa si Esme na makaupo sa maliit na silya sa aming labas.
“Tiya si ama po kasi ay kailangang pumasok sa kan’yang trabaho habang ako naman ang magbabantay kay inang, ngunit may mga papeles na kailangan lakarin. Nais po sanang ipahintulot ni ama na kung maari raw po ay kayo na lamang ang gumawa?”
D’yan naman kayo magaling hindi ba? Pamilya niyo kami kung oras ng kagipitan ninyo pero hindi n’yo kami kaano–ano kapag oras na kami naman ang nangangailangan.
“Esme, may pasok din naman si inay sa haciena ng mga Montemayor, alam niyo naman iyon hindi ba?” alanganin ko namang sagot.
“At isa pa ay maari mo naman munang iwanan si tiya, may mga manggamot naman doon upang siya ay tignan–tignan,” pagpapatuloy ko.
Isa pa kasi ay kailangan naming kumita ni inay upang mapunan ang kulang naming salapi pangbayad kay Ginang Enrile.
“Hindi ko maaring iwanan si inang, Ina! Kung ayaw n’yo maari naman kayong humindi! Minsan nga lang kaming humingi sa inyo ng tulong, ano ba naman ang simple tulong na ‘yan ikompara sa binibigay namin tulong sa inyo?” Napalunok ako sa mga sinabi ni Esme, hindi ko lubos akalain na pati pala ang pagbibigay nila ng kakarampot na ulam sa amin ay kailangan pa naming ibalik?
Bilangan pala ng tulong ang ninanais nila?
“Oh siya, Esme, ako na lamang ang gagawa. Halikana sa paggamutan upang malaman ko ang mga kailangan kong ayusin,” pagsasang-ayon na lang ni inay. Hindi na ako makapagsalita pa.
Gano’n na ba sila kasama? Alam naman na bawat sentimo ng aming kinikita ay importante sa aming mag-ina. Nga naman, ano nga naman ang pakialam nila sa piso-piso naming kinikita kung si Tiyo Florencio na asawa ni Tiya Esmel ay kumikita ng libo-libo.
“Mauuna na kami. Ina, ano sasabay ka na lang ba sa amin ni Esme?” anang ng inay.
“Mauna na lamang kayo, inay. Aayusin ko pa kasi ang aking takdang-aralin. Ingat kayo inay! Esme!” Nakangiti kong sambit bago tumalikod sa kanila at pumasok sa aking mumunting k’warto.
Ang totoo niyan ay kanina pa ako nagpipigil ng aking mga luha, bakit parang kong sino lang kami sa kanila, bakit parang gusto nila kaming makabayad pero mga simple mga pangyayari tulad niyan ay kailangan pa kaming maperwisyo.
Sila nga ba ang totoong napeperwisyo o kami?
Tahimik akong humahagulhul bago ako lumuhod sa harap ng aming altar at bigkasin sa mahinang boses ang katagang.
“Lukas kabanata labing walo talata isa.”
Panginoon ako ay patuloy na magdarasal at kahit mahirap hindi ako susuko sa buhay.
Noong mahimas-masan ako ay agad kong inayos ang aking sarili bago isinara ang pintuan ng aking kwarto. Sinigurado ko munang maayos na naisara ni inay ang kan’yang kuwarto at ang pinto namin sa likod bahay bago ako lumabas, wala naman nang nakasinding gasera kaya ay maari na akong umalis nang matiwasay. Dala-dala ko ang mga papel na aking ipapasa mamaya sa maestro nang may limang babae na tumambad sa aking harapan.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo?” sunod-sunod kong tanong.
Hindi ko alam kung paano ngunit napakabibilis nila na sa isang iglap ay napapalibutan na nila ako.
“Ikaw si Binibining Pilipina Amador, hindi ba?” banggit ng isang maputlang babaeng may mahabang buhok, matangos na ilong at singkit na mga mata.
“A-ako nga, bakit?” nauutal kong banggit.
“Ako si Virginia, ito naman si Sanura, ang nasa kaliwa ni Sanura ay si Minerva habang ang kasunod naman niya ay si Karmila at ang nasa hulian naman ay si Natalia, kami ay inatasan ng kataas-taasan upang basahin ang mensaheng pinadala para sa’yo mula sa aming Panginoong Uno.” Uno? Sino naman ‘yon?
“Mga binibini, hindi ba kayo nagkakamali? Hindi ko mawari ngunit wala akong kakilalang Uno ang ngalan,” paninigurado ko.
“Malamang ay hindi mo nga siya kilala, binibini. Ngunit siya ay kilalang-kilala ka niya,” sagot n’ong Karmila, mabuti na lang talaga at madali akong makatanda ng mga bagay-bagay.
“Hayaan mo munang basahin ni Natalia ang mensahe ni Uno para sa iyo,” sambit naman ni Minerva.
“Tama nang pasakalye Karmila at Minerva, hinihintay na tayo ni Uno. Natalia, maari mo nang basahin ang mensahe.” Mataray ‘yong Sanura.
Tumikham muna ang binibining nagngangalang Natalia bago binuksan ang dala-dala nitong sulat na nakapaikot pa sa dalawang kahoy. Nakikita ko lamang ang gan’yang uri ng sulat sa tuwing may mga mensaheng natatanggap mula sa nakatataas na ranko sa lipunan ang maestro.
“Sulat mula sa kataas-taasang tanggapan ng Unibersidad ng Maynila.” U-unibersidad ng Maynila?!
Ang unibersidad na iyon ay ang pinakaprestihiyosong paaralan dito sa aming lugar ngunit.
“Binibining Amador, ikinagagalak kang imbetahan ng Unibersidad ng Maynila bilang isa sa magiging ganap nitong mag-aaral. Ito ay pinagkaloob sa iyo ng Uno bilang pasasalamat sa iyong kabutihang puso. Nais ka niyang sumama sa kaniyang mga pinadalang sugo upang tuluyang maging kasamahan ng unibersidad tungo sa mas magandang mga opportunidad.”
Ngunit kilala ang unibersidad na ito sa taglay na kababalaghan, ayon sa mga sabi-sabi karamihan daw sa mga mag-aaral doon ay mga bampira.
“Hindi karamihan, binibini, dahil halos siyam na pung porsyento na ng populasyon sa unibersidad ay ang mga kauri namin, ipagpatuloy ang pagbabasa, Binibining Natalia,” muling pagsasalita ni Sanura, paano niya nalaman ang iniisip ko?!
Hindi kaya?!
“Sa ayaw mo man at sa gusto ay kailangan kang sumama sa limang aking pinadala, ako ay maghihintay aking mahal. Sulat mula kay Uno.”
Aking mahal?!
Diyos kong mahabagin, anong pinagsasabi ng mga ‘to?!
“Anong ginagawa mo, binibini!?” asik ko n’ong hawakan nila ako sa magkabilaan ng aking mga balikat.
“Hindi mo ba narinig ang nakasaad sa sulat, Binibining Amador? Kailangan mong sumama sa amin sa ayaw mo man o sa gusto. Kaya hali na kayo.” Blangko akong nakatingin sa kanilang lima.
“Saan tayo sasakay?” pahabol ko pang tanong.
Ngunit ngumisi silang lahat bilang tugon.
“Binibini, hindi ka nagkakamali sa iyong iniisip lalo sa aming pagkatao dahil kami nga ay totoong mga bampira kung kaya’y hindi na natin kailangan pa ng sasakyan.”
Ba-bampira?
Iyon ang huli kong naisip bago ako mawalan ng malay at bumagsak sa kawalan.