IKA-LABING ANIM NA KABANATA

5000 Words
           NAKATATAMA pa ako sa katawan n’ya n’ong una ngunit ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pagsalungat na ilaban ako sa babaeng ito.            “Nagkamali ka yata ng kinalaban, ‘binibini’, hindi ako katulad ng ibang kayang manipulahin ng kung sino man kahit ikaw pa ang babae ng Panginoong Uno.”            Napa-iling na lamang ako dahil muli n’ya akong sinipa sa aking tagiliran at sunod na ibinalibag na nagpatumba sa akin sa sahig. Mahabaging Diyos. Parang gusto ko na lamang bawiin ang sinabi ko kanina.            Malakas kong iwinaski ang aking ulirat at matapang na tumayo’t hinanda ang aking dalawang kamao. Susuntuk na sana ako n’ong mas mabilis siyang nakagalaw at sinampal ako gamit ang likod ng kan’yang kamay, pakiramdam ko ay mabubungi ako sa tindi ng kan’yang puwersa.            “Pilipina! / Binibini!” dinig kong hiyaw ni Uno at Virginia.            Halos pumikit na ang aking dalawang mata sa nararamdaman kong sakit sa katawan. Malabo man ngunit naaaninag ko pa rin ang nakatawang mukha ni Ginang Melchor.            Gamit ang dalawa kong mga kamay ay humingi ako ng puwersa sa sahig upang sana ay muling makatayo nang sininyasan ni Ginang Melchor ang Estomatang ito na paulanan ako ng atake.            “ANO PANG HINIHINTAY MO, ESTOMATA!” hiyaw ni Ginang Melchor na nasisiyahan sa nakikita.            Hindi kita pagbibigyan sa nais mo, kung ikinasasaya mong mapahamak ako, hinding-hindi kita pagbibigyan.            Kagat-labi akong tatayo sana ng muling sinipa ni Estomata ang aking tiyan at sinunod na tadyakan ang aking likod.            “Ang tibay mo, Pilipina! Mamatay kana! Mamatay kana!”            Pilipina! Mamatay kana! Mamatay kana! Pilipina! Mamatay kana! Mamatay kana! Pilipina! Mamatay kana! Mamatay kana! Pilipina! Mamatay kana! Mamatay kana!            Paulit-ulit na naglalaro ang mga katagang sinabi ni Estomata sa kin. Kaparehong-kapareho sa mga katagang nakasulat sa liham ng pagbabanta ng pinapadala ng bampira na mukhang kilala ko na ngunit parang hindi, nagdedeliryo man ang aking tingin at ang aking buong katawan ay nararamdaman ko pa rin ang muling pagtama ng mga paa ni Estomata sa aking pisngi.            Unti-unting tumulo ang pulang likido mula sa aking mga ilong at nag-uunahan nang tumakbo si Uno at Virginia sa aking gawi.            “TANGINA, INA! / BINIBINI!” animo’y boses paniki na ang naririnig ko sa paligid, pinaghalong kantiyaw, panggagalaiti at pag-aalala.            “ITIGIL MO NA ‘YAN! / GINANG MELCHOR! NAPAKASAMA MO KAY BINIBINING INA! / WALANG MGA PUSO!” sigaw ng madla.            Ngunit n’ong itaas ko ang aking mga mata sa Estomata ay namumula na ito sa galit habang walang tigil na ako ay pinapaulanan ng tadyak, sampal, suntok at kung ano-ano pa sa katawan.            “ESTOMATA! PUTANGINA! TUMIGIL KANA!” galit na galit na ani ni Uno ng mahila n’ya ang buhok ni Estomata at ibalig ito palayo sa kin.            “PUTANGINA MO! KAPAG MAY NANGYARI KAY INA HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW! PUTANGINA MO!”            “Binibini? Binibini? Naririnig n’yo po ba ako? Binibini?” umiiyak na tawag ni Virginia habang hawak-hawak na ang aking mukha.            Hindi ko na sila maaninag ng maayos na animo’y lahat ng mga nandito ay anino na lamang sa aking paningin.            “Binibini? Binibini? Naririnig n’yo po ba ako? Binibini? Hindi! Panginoong Uno! Panginoong Uno!” panghihingi nito ng tulong.            “Binibini, sumagot po kayo, naririnig n’yo pa po ba ako? Binibini!” mas lalong umagos ang mga luha ni Virginia habang sinusubukang tapikin ang aking mga pisngi ngunit unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata.            “Vi-vir-gi-nia,” hinang-hina kong turan.            “Binibini! Binibini, huwag po kayong pumikit! PANGINOONG UNO! PANGINOONG UNO, TULONG SI BINIBINING INA!”            “Ina! Putangina, Pilipina!” boses ni Uno at sunod ko ng naramdaman ang pagbuhat sa kin ni Uno mula sa malalamig na sahig ng bulwagan, pataas.            “MAGBABAYAD KAYONG LAHAT SA KIN! PUTANGINA NINYO, MELCHOR AT ESTOMATA! HUMANDA KAYONG MANGHIRAM NG MUKHA SA HAYOP! PUTANGINA NINYO!”            Huling mga katagang binitawan ni Uno na narinig ko pa bago ako tuluyang nawalan ng malay.   Virginia’s POV               “Virginia! Anong nangyari? Kamusta si Binibining Ina? Anong ginawa mo? / Virginia, bakit ka pumayag sa gusto ni Ginang Melchor? / Inilagay mo sa bingit ng kamatayan si Binibining Ina! / Virginia, nasaan na si Binibining Ina?” sunod-sunod na banggit nina Sanura, Minerva, Karmila at Natalia n’ong sabay-sabay silang dumating sa paggamutan ng unibersidad.             Napahilamos ako sa aking mga palad habang aligagang nakatingin sa mga manggamot na nilalagyan ngayon ng lunas ang mga sugat na natamo ni Binibining Ina mula sa walang kuwentang duwelo.             “Virginia! Kinakausap ka namin!” singhal sa kin ni Sanura bago n’ya ako hilahin papaharap sa kanilang apat. Muling umagos ang mga luha ko sa kaba, awa at takot.             “HINDI KO ALAM! HINDI KO ALAM, SANURA! Na-nasa loob pa si Binibining Ina, hindi pa siya nagkakamalay, paumanhin, patawarin n’yo ako! Patawarin n’yo ku-kung napabayaan ko si Binibining Ina! Patawad!” ani ko na lamang hanggang sa napayakap na lamang ako kay Minerva.             Natatakot ako sa maaring mangyari, alam kong importante si Binibining Ina para sa aming lahat, hindi kayang dalhin ng konsensiya ko kung mawala siya ng dahil sa kapabayaan ko.              Hindi pwedeng masira ang mga plano namin.            “Patawad! Patawad!” paulit-ulit kong turan.            “Tahan na, tahan na, Virginia, hindi mo naman ginusto ang nangyari, alam naming gumawa ka ng paraan upang mailayo ang Binibining Ina sa kapahamakan,” aniya ni Karmila.            “Patawad, patawad,” muli kong usal.            Hindi na sila muling nagsalita pa sa halip ay masuyo nilang hinahagod ang aking likran.             “Sanura, paano? Paano kung—“            “Walang mangyayaring masama, wala! Hindi pwede! Kailangan pa natin siya.”   Dos’ POV               “Dos, tangina!” bungad ni Tres buhat ng umalis siya upang sundan si Uno matapos naming mapag-usapan na tatlo ang patungkol sa nais na ipabalita ni lolo at lola sa buong unibersidad.             Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa balitang iyon o hindi.             “Hoy, Dos! Tangina talaga!” ulit na turan ni Tres at pabayang umupo sa silyang para naman talaga sa kan’ya.            “Gago! Sumagot ka naman, tangina mo!” Kita mo talaga ang bobong nilalang na ‘to. Ako? Ako na si Joaquin Gervacio, ginagago at tinatangina lang ng mukhang unggoy na ‘to?!            “Putangina mo rin, gagong animal! Anong problema mo, Tres, at ako na naman ang pinagbuntungan mo ng galit mo? Kung hindi ka na naman pinansin ng bebot mo, aba’y hindi ko na kasalanan kung hindi kita kasing guwapo ngunit magdahan-dahan ka naman sa pagtawag sa kin ng kung ano-anong mga kataga, guwapo lang ako pero hindi naman ako gago at mas lalong hindi naman ako tangina.”            “Ang dami mong sinabi! Si Uno nagwawala sa harap ng silid pahingahan nila Estomata! Hindi ko mapigilan! Halos wasakin na ang buong kuwarto, takot na takot na si Estomata!” Anak ng palaka!            “Gagong tangina! Bakit?! Anong nangyari?” napatayo kong saad.            “Gagong tangina talaga, mapapatangina talaga tayo kapag nalaman ‘to ng mga kataas-taasan at hindi natin na pigiln ang pinsan mo! Tayo na naman ang mananagot!”            “Gago ka ba, Tres? Ba---“             “Hindi. Mas gago ka,” seryoso n’yang patutsada.             “Gago! Hindi! Ang ibig kong sabihin bakit ngayon mo lang sa kin sinabi!?”            “Ang dami mo pa kasing daldal, hindi mo na lang ako patapusin sa sabihin ko kanina, daig mo pa ang babae kung makadaldal,” anito.            “Ang putangina! Kasalanan ko pa! Ano pang ginagawa mo riyan? Tumayo kana at halikana pigilan natin si Uno!”            Isa sa responsibilidad namin ni Tres ang protektahan at pigilan si Uno sa mga padalos-dalos n’yang desisyon lalo na at pagdating kay Ina. Kabilin-bilinan ni lolo at lola na alagaan namin ang pinsan ko dahil kung wala siya, mauuwi ang lahat ng pinaghirapan, pinagtrabahuhan at hinintay namin ng ilang dekada sa wala.            “PINSAN! TAMA NA!”   Minerva’s POV               “Kumukulot na ang buhok ko sa pag-aalala rito! Bakit ba ang tagal magising ni Binibining Ina? Ano bang ginamit na gamot n’ong guwapong manggamot?” matinis na reklamo ko sa apat na kasama kong naka-upo at nakahalungbaba ngayon habang nakatingin kay Binibining Ina na nakaratay na naman sa kama ng paggamutan.             “Unang araw n’ya rito nandito na siya sa paggamutan, tapos ngayon na naman? Nandito na naman tayo dahil dinala na naman si Binibining Ina sa lugar na ‘to! Napakamalinsangan ng amoy buti na lang talaga at maraming guwapo sa lugar na ito,” aniya ko at muling sinuklay ang aking kulot na mga buhok.             “Hoy! Ano ba! Kinakausap ko kayo, hindi n’yo ba ako naririnig?” tili ko para pansinin ako nitong mga kasama ko. Ayaw ko namang magmukhang hibang, salita nang salita. Wala namang kausap.            “Minerva, wala naman kasing nag-utos sa ’yong magsalita ka nang magsalita diyan!” napaka-panira talaga ng kapaligiran itong si Virginia. Suwerte siya at kaya n’yang makabasa ng mga iniisip ng sino man.            Mabuti na lang ako, maganda lang palagi.            “Ang tahimik kaya kaysa naman mabagot ako rito at magmukhang lantay na bulaklak, magsasalita na lang---Binibining Ina!” bulalas ko ng makita kong gumalaw ang daliri ng kan’yang kamay at unti-unting bumukas ang talukap n’yang may mahahabang pilikmata. Na-iinggit talaga ako sa pilikmata ni Binibining Ina, ang hahaba tapos ang kakapal pa, ang ganda.            “Binibining Ina! Anong masakit? Anong nararamdam ninyo? Anong gusto n’yo?” sunod-sunod na tanong ni Virginia ng makalapit ito sa higaan ni Binibining Ina.            “Virginia, hayaan mo muna si Binibining Ina na makapagpahinga. Ang mabuti pa Karmila ay hanapin mo na lamang ang Panginoong Uno at ipaalam sa kan’ya na nagising na ang binibini,” utos ni Sanura kay Karmila na agad naman n’yang sinunod. Sa aming lima mas mabilis talaga si Karmila, mainam lamang na siya ang maghanap sa Uno nabiyayaan din si Karmila ng galing na kaya n’yang maamoy ang halimuyak ng isang nilalang at gamit ang amoy na iyon ay maari n’ya iyong gamitin upang gawing mapa at matungo ang kinaroroonan ng nilalang na dapat n’yang hanapin.            Mabuti na lamang ako, ito lang. Laging nadidiligan ay este laging sariwa ang mukha.   Pilipina’s POV               “Panginoong Uno, hindi pa po ba kayo kakain?” dinig kong boses ng isang babae.            “Mamaya na, hihintayin ko na lamang magising si Ina,” boses ni Uno.            “Ngunit mukhang mahimbing ang tulog ng binibini, baka magutom po kayo? Mas mabuti po sigurong dalhin ko na lamang ang pagkain dito sa inyong kuwarto? Magagalit po ang inyong lola kapag nalaman na kayo ay nagpapalipas ng gutom,” mahabang saad ng babae.            “Anggusta, narinig mo ako hindi ba? Mamaya na ako kakain kapag nagising ang binibini, tapos ang usapan,” nagtitimping saad ni Uno.            “Ngunit, Uno—“            “Manang Anggusta, maari po bang iwanan n’yo muna ako? Gusto ko pong mapag-isa.”            Hindi na nakasagot pa ang babaeng nagngangalang si Anggusta sa halip ay tahimik itong umalis na hindi nagagawa ang rason ng kan’yang pagpunta rito. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ng sinubukan kong magsalita.            “Kalmahan mo ang banggang mo, Uno,” natatawa kong saad bago ko unti-unting minulat ang aking mga mata at tinulungan ang aking sarili upang makabangon.            “A-aray,” ngiwi ko ng maramdaman ko ang kunting mga kirot sa aking tagiliran.            “Ina!” aligaga itong tumayo mula sa pagkaka-upo at tinulungan akong makasandal ng maayos sa ulanan ng kan’yang kama. Hawak ang aking likod at kamay ay ma-ingat n’ya akong binangon.            “Ayos na,” hudyat ko n’ong naging komportable na ako sa aking naging posisyon.            “Nais mo bang kumain? Ano?” guhit sa kan’yang mga mata ang pag-aalala sa kin habang dahan-dahan nitong tinatanggal ang mga maliliit na buhok na nagkalat sa aking mukha.            “Maya-maya na, huwag ka ng mag-alala ayos lamang ako, kunti lang ito, malayo sa bituka,” nakangiti kong saad.            “Tsk, ang tigas kasi ng ulo mo,” daing naman n’ya. Lumapit siya sa kin at umupo sa paanan ng kan’yang kama na siyang malapit din sa kinauupuan ko.            “Kanina nasa paggamutan ako, ah? Bakit ngayon ay parang nasa hindi na ako pamilyar na lugar?” lito kong tanong. Palaisipan sa kin lalo na at napakatahimik ng paligid na aakalain mong nasa isa akong bahay at nasa loob kami ng isang kuwartong panglalaki ngayon.            “Dinala ka nga namin sa paggamutan ngunit n’ong inakala naming nagkamalay ka na ay pinagpasiyahan ko na lamang na dalhin ka rito upang paghipahingahin, huwag kang mag-alala nagamot ka na ni Dos kung kaya’t kunting sakit na lamang sa katawan ang iyong mararamdaman,” aniya.            “Nasaan ba tayo?” nagugulumihanan kong wika.            “Nasa aking silid, nasa bahay kita,” tama nga ang aking nakikita, nasa isa nga akong kuwartong panglalaki, kuwarto ni Uno.            Natahimik kami pareho kaya napayuko na lamang ako at sunod na tinignan ang kabuoan ng aking katawan.            “Pero seryoso, Ina. Pinakaba mo ako sa nangyari kanina, alam ng Bathala kung paano nanikip ang aking puso ng tuluyan kang mawalan ng malay,” seryosong wika ni Uno.            “Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kapag nawala ka ng tuluyan sa akin at hindi man lang ako nakakapag-umpisang ibigay sa ‘yo ang mundong nararapat naman talaga para sa isang katulad mo,” naging mapanglaw ang kan’yang mukha kaya gamit ang aking kanang kamay ay hinawakan ko ang kan’yang pisngi at hinagod ito ng dahan-dahan at punong-puno ng kadalisayan.            “Uno,” umiling ako.            “Hindi mo na kailangang mangamba pa, ayos na ako, nandito ako, nasa harapan mo,” tinignan ko ang kabuoan ng kan’yang mga mukha hanggang sa inalapit ko ang aking noo sa kan’yang noo at tuluyan na siyang yakapin.            “Salamat, salamat kasi nand’yan ka na,” aniya ko. Gumilid siya mula sa pagkakayakap sa kin at hinalikan ang aking mga tenga.            “Salamat din kasi nagsilbi kang sagot sa lahat ng aking panalangin, salamat kasi hindi ka nawala.”            Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan’ya na siya naman n’yang ibinalik. Nang magbitaw kaming dalawa ay gumalaw ako upang makatayo, n’ong una ay nakakaramdam pa ako ng kirot sa king balakang ngunit n’ong nagtagal ay nawala na rin hanggang sa mapansin ko ang napakalaking ipinintang larawan ng tatlong bampira.            “Mga magulang mo?” tanong ko habang tinuturo ang larawan na nakasabit sa dingding ng kan’yang kuwarto.            “Hmm, sila nga,” malumbay n’yang sagot habang nakatingin na rin sa larawan at kapuwa nakakubili ang mga kamay sa kan’yang bulsa.            “Ang ganda pala ng inyong inay,” puri ko na lamang.            “Hindi lang basta maganda, ubod pa ng bait.”            “Ayan! Gan’yan nga, nakikita ko na ang kislap sa iyong mga mata,” masaya kong saad.            “Maganda ang panahon sa labas nais mo bang magpahangin?” yaya n’ya.            “Mabuti na lang talaga at pinagaling ako ni Dos, dapat lamang ay makapagpasalamat ako sa kan’ya. Ngunit bago iyon, nais kong magpahangin mo na at makapagpahinga,” masaya kong saad.            Nabigla na lamang ako n’ong yakapin ako ni Uno ng mahigpit.            “A-anong ginagawa mo?” protesta ko ngunit ngumisi lamang ito bago kami sabay na mawala sa hangin.            Lumitaw kaming dalawa sa bubong ng kanilang bahay at bigla pa akong nalula sa taas.            “Uy! Ang taas,” natatakot kong daing habang unti-unting umuupo sa bubong.            “Hindi ka naman mahuhulog kung mahuhulog ka man ay siguradong may sasalo sa ‘yo, ako,” nagawa pang magbiro.            “Tse!”            “Hindi, seryoso, atsaka mas maganda rito tuwing makulilim ang panahon, subukan mong imulat ang iyong mga mata at makikita mo ang aking tinutukoy,” utos n’ya sa kin. Napapikit kasi ako lalo na n’ong sinubukan kong umupo sa lapag.            “Si-sigurado ka bang hindi ako mahuhulog dito? Bakit ba kasi tayo nandito!” daing ko na, sa natatakot ako, eh!            “Hindi nga, anong akala mo pababayaan kitang mahulog?” aniya habang nilalapit n’ya ako sa kan’ya at hawakan ako sa bewang.            “Tsk! Oo na lang,” napilitan kong saad bago ko binuksan ang aking mga mata at tumambad sa kin ang kabuoan ng unibersidad at ang karatig na ilog nito.            “May ilog pala malapit dito?”            “Hmmm, kung hindi ka sanay ay maaring imbes na makalabas ka ng unibersidad ay mapadpad ka sa ilog na ‘yan, may malapit din namang bahay ampunan d’yan,” kuwento n’ya.            “Bahay ampunan?” ulit ko na siyang tinanguan naman n’ya.            “Paraiso de Sonata, hindi mo ba narinig ang lugar na iyon?”            “Ngayon lang, sa’yo,” kapuwa namin inaliw ang aming mga sarili sa parang na aming natatanaw hanggang sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay maririnig ko pala ang kuwento ng buhay n’ya.            “Ang saya naming tatlo ng araw na iyon. Nangako pa nga sa kin ang aking amang si Napthali na ipapasyal n’ya kami ng aking inay na si Elizabeth sa bagong tayong kainan sa labas ng unibersidad. Putangina, ang saya-saya pa naming tatlo na nagkukulitan noon sa likod lulan ng isang kalesa ng bigla-bigla na lamang tumigil ang kutsero na sinundan agad ng putok ng baril. Hindi pa nga kami nakakagalaw upang sana ay bigyan ng lunas ang kaawa-awang kutsero ng pati ang kabayo ay kanilang pinuntirya hanggang sa naging mailap ito at nagtatakbo na lamang sa kung saan-saan, hindi naman magawang makalipat ni ama mula sa likod patungo sa harap dahil lalong naging mailap ang kabayo at halos paulanan na kami ng mga demonyong ‘yon ng bala. Hindi ko akalain na hanggang doon na lang pala ang aking mga magulang, hindi ko akalain na huling pagkakataon ko na pala iyon upang makasamang tumawa ang aking inay, hindi ko akalaing iiwan nila akong dalawa.”            Nanatiling blangko ang kan’yang ekspresiyon ngunit alam mong ang bigat na ng kan’yang dinadala sa kan’yang puso. Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang ipatong ang aking ulo sa kan’yang balikat.            Tinignan n’ya ako ng gawin ko iyon ngunit hinawakan ko ang kan’yang libreng kamay na nakapatong sa kan’yang binti bago magsatinig ng aking nais sabihin.            “Ituloy mo lang, nakikinig ako, hindi ka nag-iisa,” seryoso kong saad. Humalik ito sa aking noo bago tumango at ipagpatuloy ang kan’yang pagkukuwento.            “Sinukan naman ni amang iligtas kaming mag-ina n’ya, ramdam ko kung paano halos na makisayaw si ama sa bala ng mga walang hiyang iyon upang sana kami ay iligtas ngunit huli na ang lahat. Sa sobrang pagwawala ng aming kabayong sinasakyan ay naputol na ang lubid ng kalesa na siyang nagpatilapon sa min ngunit hindi ako binitawan ng aking inay. Yinakap nila akong dalawa hanggang sa kahuli-hulihang mga minuto ng kanilang mga oras. Sabay-sabay kaming tatlong nagpagulong-gulong at pinaulanan ng mga bala. Wala silang puso, mga tangina nila! Walang habas nilang pinaputukan ang katawan ni ama at inay hanggang sa makarating si Tiyo Estanislao at mawalan na lamang ako ng malay. Nagising akong mag-isa, nagising akong wala ng ama at inay,” may diin sa bawat kataga n’ya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kan’yang mga kamay.            “Kung may nagawa lang sana ako noong mga oras na iyon, kung hindi lang sana ako musmos na walang kamuwang-muwang, sana, baka nailigtas ko pa ang aking mga magulang. Wala silang ibang ginawa kundi ang alagaan ako at mahalin, hindi nararapat na sapitin nila ang karumaldumal na pangyayaring iyon. Marami pa sana silang magagawa, marami pa.”            Sa kauna-unahang pagkakataon nakita kong lumuha ang isa sa mga taong alam kong matapang at walang kinakatakutan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko si Unong punong-puno ng paghihinagpis.            “Alam mo iniisip ko, kung hindi iyon nangyari sa mga magulang ko, sana kilala mo na sila. Siguro si Inay Elizabeth na ang iyong kasama ngayon kaysa sa akin, siguro, makikita kong nakangiti si Ama Napthali kasi sa wakas matutupad na ang pangarap nilang magkaroon ng supling na babae, sana,” pananangis nito.            “Sana, pero hanggang doon na lamang sila. Hindi natin hawak ang ating mga buhay, hindi natin alam kung kailan at saan tayo malalagukan ng hininga ngunit alam mo ba kung anong kagandahan sa likod ng kanilng pagkamatay?” ani ko sa kan’ya habang pinupunasan at tinitignan siya sa kan’yang mga mata, nilingon n’ya ako at tinapunan din ng tingin.            “Ang malaman na hindi na-uwi sa wala ang pagsasakripisyo nila. Ang malaman na nabuhay sila ng may dangal at papuri. Ang malaman na nagampanan nila ang pagiging magulang nila sa ‘yo ng sobra-sobrang maayos. Tignan mo naman ang sarili mo ngayon, alam kong hihilingin at gugustuhin din ng mga magulang mo na maabot mo lahat ng naabot mo ngayon, alam kong masaya na sila ngayon kung nasaan man sila habang tinatanaw nilang masaya ka. Kaya tahan na, hindi masisiyahan ang iyong mga magulang na malungkot ka, na nanangis ka. Mula ngayon. Hanggang dulo, mamanatili ako sa tabi mo.”            “Mananatili ka pa rin ba kahit sabihin kong isa akong mamatay tao? Na meron na akong pinatay na kalahi mo?” nanindig ang aking mga balahibo ngunit pinatili kong mahinahon ang aking mukha.            “Bakit? Bakit mo sila pinatay?”            “Pft! Hindi ako magtataka kung pati ikaw ay matatakot sa isang tulad kong mamatay tao. Pero hindi ko sila pinatay dahil gusto ko, pinatay ko sila dahil ganoon-ganoon na lang nila binaboy ang mga magulang ko,” tumigil siya sa pagsasalita kaya nanatili akong nakatingin sa kan’ya. Tahimik.            “Matapos kong magising at malaman na wala na ang aking mga magulang iisa lang ang laman ng aking utak, ang makaganti. Ang iganti ang pagkamatay ng aking mga magulang, na hindi ako matatahimik hanggang sa nabubuhay ang pumatay sa kanila, ang nagbanta sa buhay ko. Hinding-hindi ko sila hahayaang magtagumpay sa nais nila,” nanggagalaiti n’yang saad.            “Na-nahanap mo na ba ang lahat ng mga taong may kagagawan ng nangyari sa inyo?”            “Isa na lang, Ina. Isa na lang ang natitirang buhay ngayon. Huwag sanang maging rason ‘to para katakutan mo ako pero lahat ng lahi ng mga taong pumatay sa mga magulang ko ay nakabaon na ngayon sa lupa,” anito.            “Bakit mo inilagay ang batas sa iyong mga kamay? Bakit hindi mo na lamang hinayaang ang batas ng tao ang manghusga sa kanila? Ang magparusa? Bakit kailangan ikaw pa mismo?” umiwas siya ng tingin sa kin at pinaglaruan na lamang ang kan’yang mga daliri.            “Kasi ako ang namatayan. Dahil anak nila ako, Pilipina,” natigilan ako sa naging sagot n’ya.            “Katulad po ba ng iba ay matatakot ka na rin sa kin?” tanong n’ya. Ngunit umiling ako.            “Bakit ako matatakot sa ‘yo?”            “Kasi kaya kong kumitil ng buhay. Maaring kitilin ko rin ang buhay mo ngayon,” aniya kaya napatawa ako.            “Alam mo, Ina, huwag ka ngang masyadong maglalapit kay Dos, nahahawa ka sa kahibangan n’ya,” seryoso siya habang ako mas lalong lumakas ang tawa.            “Hoy! Sira! Hindi ako nahihibang! Natawa ako kasi sa sinabi mong matatakot ako sa ‘yo kasi baka pati ako ay patayin mo rin. Kung gusto mong kitilin ang buhay ko, eh, ‘di sana noong wala akong malay ginawa mo na atsaka isa pa ay naniniwala akong hindi ka masama tulad ng iniisip mo sa sarili mo. Mali nga na pumatay ka at inilagay mo ang batas sa mga kamay mo ngunit tulad ng sabi mo bilang anak, bilang namatayan, hindi ko maia-alis sa ‘yong magawa mo ‘yon, kung doon ka mas mapapanatag, hindi ‘yon kasalanan. Ang importante alam mo sa sarili mong ang dugo ng mga taong dumanak sa kamay mo ay hindi inosente,” pagpapaliwanag ko.            “Alam mo, hindi ka naman nagpakita sa kin ng kasamaan, eh, kaya anong karapatan kong husgahan at matakot sa isang bampira na wala namang ibang ginawa kundi ang protektahan ako, kaya salamat, salamat sa lahat.”            “Hindi ka na dapat magpasalamat sa akin, hindi mo naman obligasyon na magpasalamat sa isang bagay na taos pusong ibinigay sa ‘yo. Masaya akong ginagawa ‘yon para sa ‘yo, ngiti mo lang ay higit pa sa pasasalamat na maaring hanapin ng puso ko,” anas ni Uno.            Lahat talaga ng tao o kahit bampira ay malawak ang katauhan. Hindi porket matapang siya. Hindi porket makapangyarihan siya ay wala na siyang pinagdaanan. Wala na siyang karapatang maging malungkot, minsan kasi ang mga taong matatapang o ‘di naman kaya masasaya na inaakala mong walang problema sa buhay ay ang mga tao o mga nilalang pa pala na mas nangangailangan ng mag-iintindi, ng makikinig.            “Mabuti na lamang pala at nand’yan ang lolo, lola at si Dos para samahan ka sa araw-araw,” pag-iiba ko ng usapan.            “Sila na lamang ang natitira sa kin, kaya hindi ko hahayaang pati sila, ikaw, mawala na naman sa kin.”            “Malapit ba kayo sa isa’t isa ni Dos?” sinusubukan ko talaga ilihis ang usapan lalo at lagi siyang nakakahanap ng paraan para gamitin ang dulas ng dila n’ya, hindi ko kasi maiwasan makaramdam ng mga paru-paro sa aking sikmura.            “Masasabi kong oo ngunit may mga bagay talagang nagbibigay ng pagitan sa aming dalawa, ayaw ko man ngunit nangyari na,” makahulugan n’yang saad habang nakatingin sa malawak na lupain sa harapan namin.            “Anong ibig mong sabihin?”            “Simula kasi pagkabata kinintal na ni Dos sa utak n’ya, hindi, ikinintal na ng aming lolo at lola sa utak n’ya na dapat n’ya akong protektahan hanggang kamatayan. Minsan kasi pinsan ko siya, pero mas madalas na siya ‘yong Dos na nabuhay kasi kailangan akong protektahan.”            “Ayaw mo ba n’on? May pinsan ka na, may tagaprotekta ka pa!”            “Kaya ko ang sarili ko atsaka ayaw ko lang na isipin n’yang nabubuhay lang siya para maging anino ko. Ayaw kong dumating ang panahon na magsisisi siyang ganito ang buhay na pinili n’ya. Ganoon man si Dos ngunit gusto ko rin namang maging masaya siya, magkaroon siya ng kan’yang buhay.”            “Kahit ganoon si Dos, mahalaga siya sa ‘yo,” pagtatama ko ng kan’yang pangungusap.            “Ganoon na nga,” natatawa n’yang saad.            Mga lalaki talaga, hirap na hirap sabihin na mahalaga rin naman sa kanila ang mga tao o nilalang na nakapalibot sa kanila.            “Para sa kin, hindi ‘yon ganoon, may buhay pa rin naman si Dos maliban sa protektahan ka, eh. Sa personalidad ni Dos, hindi naman siya ‘yong tipo na hahayaang maging malungkot siya, isipin mo na lang din na tulad mo ay mahalaga ka rin sa kan’ya kaya ganoon na lamang siya sa ‘yo. Ang suwerte nga n’ya, eh!” pagbibida ko.            “Suwerte siya kasi may pinsan siyang prinoprotektahan? Anong suwerte roon?” nagtataka n’yang tanong.            “Suwerte siya kasi may pinsan siyang katulad mo kung magmahal,” aniya ko.            “Salamat, salamat, Ina. Sa matagal na panahon naramdaman kong mag-isa lang ako. Matagal na simula n’ong maramdaman kong may kasama ako, may kasangga ako, higit sa lahat ng meron ako ngayon. Isa lang ang hinihingi ko, masasandalan.”            “Sa lahat ng pinagkaiba nating dalawa, may isa tayong pagkakapareho ngayon, kapuwa natin kailangan ng masasandalan. Sana nawa’y sapat na ang isa’t isa,” sagot ko naman sa kan’ya.            Muli naming pinagsaluhan ang isang maalab na yakap na siyang kapuwa nais aluin ang mga pusong nangungulila sa aruga ng mga magulang.            “Hindi man nasabi ng iyong mga magulang ang mga katagang ito ngunit sana hayaan mo akong sabihin ito sa ‘yo. Suwerte sila kasi may anak silang napalaki tulad mo, Uno. Sigurado akong kung buhay pa sila ngayon, ipagmamalaki ka nila. Ginawa mo ang tama, kaya sana hayaan mo na rin na maging mapayapa ang iyong puso buhat ng nakaraan.”            Nanatili kaming magkayakap sa sandaling panahon kong hindi lang unti-unting pumatak ang butil ng ulan sa aming mga balat.            “Pati yata ang langit nakikisumamo sa ‘yo,” biro ko.            Biglang lumakas ang pagbagsak ng ulan kaya padalus-dalos akong tumayo na siyang maling-mali. Hatid ng ulan ay naging madulas ang bubong na siyang dahilan kung bakit ako muntik na madulas mabuti na lamang at nakabig ni Uno ang aking baywang.            Ngunit kami naman ngayon ang nagkalapit sa isa’t isa.   Third Person’s POV               Hindi nakakibo ang dalawa at nanatiling nagpapakiramdaman. Si Uno ay parang namamalikmata sa distansiya na meron sila ng babaeng iniibig. Hindi n’ya maikakailang nadadarang siya sa nakakalunod na alindog ng mga nangungusap na mata ni Pilipina na siyang malinaw na kan’yang nasisilayan sa mga oras na ito.             Humakbang si Uno na siyang mas nagpalapit sa kanilang mga katawan. Habang bumubuhos ang ulan ay nanatiling matalim ang pangamoy ni Uno sa kabanguhan na nasasamyo mula sa dalaga. Maingat nitong isinayad ang palad sa leeg ng dalaga na siyang nagladlad ng kalambutan ng kutis na meron si Pilipina.            “Pilipina…” tawag ni Uno kay Pilipina na siyang nagpalakas ng tahip ng dibdib ng babae.            Lumapat ang labi ni Uno sa noo n’ya. Marahang halik ang ibinigay ng binata. Isinunod ang tungki ng kan’yang ilong na siyang nagpauwang sa mga labi ni Pilipina sa labis na pangangapos ng hininga dulot ng malakas na kaba at sensasyon na nararamdaman gawa ng mga kilos ng kan’yang kaharap.            “Pilipina, mahal na mahal talaga kita, tangina lang…”            Sa kauna-unahang pagkakataon hiniyaan ni Pilipinang magkatagpo ang kanilng mga labi, bahagyang naliyo si Pilipina sa bagong emosyon na kan’yang naramdaman dala ng halik na punong-puno ng pag-aalay, ng pag-ibig. Dalisay na halik, udyok ng tunay na pag-ibig at respeto.            Ilang saglit pa at natagpuan na rin ni Pilipina na siya ay nadadala na ng halik at gumaganati na rin ito sa bawat galaw ng binata. Hindi alintana ang pagbagsak ng butil ng tubig at pinagpatuloy ang pagsasanib ng kanilang mga labi.            Ilang minuto ang lumipas at unti-unting bumitaw si Pilipina sa halik at inilagay ang kan’yang hinlalaki sa labi ng binata.            Nakangiti itong nagsalita. “Hindi natin kailangang magmadali,” aniya at muling humalik sa binata ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD