IKA-DALAWAMPU’T ANIM NA KABANATA

4877 Words
           "TEKA! Teka! Nabingi ba ako o hindi kaya ay nagbibiro ka lang? Paki ulit nga ang sinabi mo, Uno. Saan tayo po pupunta?" ani ko sa kan'ya bago ko rin siya hilahin pabalik. Bigla yatang may kung anong kaba ang sumupok sa katawan ko. Kasi kung tama nga ang aking narinig pupunta raw kami sa palasyo kung nasaan namamalagi ang lolo at lola n'ya at doon kami kakain ng hapunan.             Nagsimulang manginig ang buo kong katawan at ang mga mata ko ay nangungusap na sa kan'ya. Huwag naman sana n'yang sabihin na hindi ako na mali nang nadinig at mas lalong hindi siya nagbibiro n'ong sinabi n'ya ang mga 'yon. Kaya ba n'ya ako sinundo at agad na dinala  rito sa kan'yang bahay upang pagbihisin ng maganda.             "Mas lalo po kayong gumanda sa inyong kasuotan, binibini," puri agad ni Anggusta ng siya ay makalapit sa min.             Ngumiti naman ako sa kan'ya saglit at muling binalingan ng tingin si Uno. Patanong pa rin ang aking ekspresiyon at ang mga mata ko ay kinukuwestiyon pa rin siya. Ang tanging nasa isip ko na lang talaga ngayon ay ang mga katagang sana hindi totoong pupunta kami sa palasyo.             Ayon sa pangkat nila Virginia ang palasyo raw ang tawag sa tanggapan ng mga kataas-taasan. Isa itong malaking bahay kung saan nakatira ang mga namumuno sa unibersidad. Sabi rin nila roon daw nakatira si Dos kasama ang kan'yang ama at ang lolo at lola nila ni Uno. Hindi ko pa man din nasisilayan ang lugar na iyon ay alam kong magara na iyon dahil sa mga antas na meron ang mga bampirang naninirahan doon. Nagtaka nga ako kung bakit hindi roon nakatira si Uno. Maganda at mamumukod tangi rin naman ang kan'yang tahanan ngunit alam kung mas malaki ang palasyo at mas nababagay siya roon. Sa kabilang banda mas pinagpapasalamat ko nga na hindi siya roon nakatira dahil kung sakali agad kong makakadaupang palad ang kan'yang lolo at lola.             "Saan ba kayo tutungo at mukhang magagara ang inyong mga kasuotan?" tanong ni Anggusta sa ming dalawa. Nagkatitigan na naman kami ni Uno at kahit din naman ako ay tinatanong kung saan nga ba talaga kami patungo.             "Sa palasyo hindi mo ba natatandaan na pumunta rito kagabi si lolo at lola, Anggusta?" tanong ni Uno sa kan'yang kasama sa bahay. Pumunta sila rito kagabi? Bakit naman kaya? Mas lalo pa akong naging kuryos sa mga nangyayari ngayon.            "Malinaw na ba sa 'yo kung saan tayo tutungo, aking binibini? Mas mabuti pa ay kung ayaw mong mapagalitan pa tayong dalawa ay sumama kana sa kin at tayo'y tutungo na roon. Ayaw na ayaw ni lola ng nahuhuli sa usapan," anito atsaka ako muli hinila pababa ng hagdan.             Pagkalabas namin ay agad na sumalubong sa min ang kalesa. Agad akong pinaunang pasakayin ni Uno roon kaya tahimik na lang akong sumunod nang makaupo na ako nang maayos ay sumampa na rin siya at agad na naupo. "Halikana at hinihintay na kami ng Donya Clarita," anang n'ya sa kutsero ng aming kalesa.             Nanatili akong nakatitig sa kan'yang mukha. Hindi ko talaga iyon kinuha hanggat hindi siya mismo ang magsalita. "Hanggang kailan mo gustong titigan ako gamit ang mga mata mong nagpupumilit na 'yan? Wala na tayong magagawa, aking binibini. Utos ito ng aking lolo," ani naman n'ya.            Tahasan akong napailing. Hindi talaga ako makapaniwala na parang kahapon lang ay titanong n'ya pa ako kung pwede bang maging kami na tapos ngayon naman ay dadalhin na n'ya ako sa palasyo kung nasaan ang nakatira ang kan'yang lolo at lola. Hindi ba at napakaraming isipin? Sunod-sunod talaga? Kailangan bang ganoon?             "Bakit kailangan pa nating magkalesa kung maari mo na lamang gamitin ang iyong kapangyarihan?" tanong ko na lamang. Kung nagmamadali pala siya, eh, hindi ba at dapat na gamitin namin ang kakayayan n'yang maglaho upang agad kaming makatungo sa aming paroroonan.             "Mahigpit na pinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan sa loob ng palasyo, aking binibini. Maari ka lamang gumamit noon kung higit ng kinakailangan. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan pa nating sumakay ng kalesa," sagot naman n'ya.             Hindi na ako muling umimik pa sa halip ay tinignan ko ang kabuoan ng aking sarili. Tinignan ko kung nababagay ba talaga sa kin ang aking suot na saya at bakya. Kung maayos ba ang pagkakasuklay ko sa king buhok. Dapat kasi kung may ganito pala siyang balak ay sinabi na n'ya sa kin ng mas maaga ng sa ganoon ay masabihan ko sila Minerva. Mas nagmumukha akong tao kung sila ang nag-aayos sa kin.            "Maayos na ba ang aking mukha? / Huwag ka nang mag-alala, maganda ka na," sabay pa naming saad kaya napakagat na lang ako ng aking dila.            "Sigurado ka bang ayos na 'to? Dapat kasi sinabihan mo na ako kanina pang umaga na may plano ka pa lang ipakilala ako sa iyong lolo at lola. Mas mabuti sana kung ganoon ang iyong ginawa upang matulungan ako ng pangkat nila Minerva na mag-ayos. Mas nagmumukha kaya akong tao kapag nalagyan nila ng kolorete sa mukha," pagpapaliwanag ko naman sa kan'ya.            "Pfft! Hindi na iyon kailangan dahil mas maganda ka kung wala kang ayos. Isa pa ay nais ko naman sana talagang sabihin sa 'yo kanina pa ang patungkol dito ngunit natambakan lamang ako ng trabaho sa aking tanggapan kaya hindi na kita nabisita o nasamahang maglakad kanina," pagpapaliwanag n'ya. Tama naman siya kasi hindi siya nakapasok sa aming klase at hindi rin n'ya ako nasamahang maglakad paputang silid aklatan na siyang pangkaraniwan na n'yang ginagawa. Akala ko nga kanina ay may masamang nangyari sa kan'ya kaya hindi siya nagpakita sa kin.            "Kaya pala, akala ko may bago ka ng babaeng kinahuhumalingan," biro ko naman. Agad n'ya akong tinignan at pinitik sa noo.            "Siraulo ka ba? Akala ko ba ay ganoon ka lang kadaling palitan?" sagot naman n'ya.            Ngumuso lang ako na sinundan ng pagkibit balikat. Sabi n'ya, eh.             "Huwag kang ngumuso sa harapan ko ngayon kung ayaw mong bumalik tayo sa bahay ko at gawin kong hapunan ‘yang mga labi mo," seryoso n'yang saad bago pa umiwas ng tingin sa kin.            "Ang sama mo!" asik ko naman sa kan'ya na sinabayan ko pa ng pagbatok.            "Ah! Marunong ka nang manakit ngayon?" sarkastiko n'yang saad.             “Sinong nagsabi? Kailan kita sinasaktan? Takot ko lang sa ‘yo,” atubili kong saad.             Ngunit imbes na ako ay sagutin mas minabuti n’yang kunin ang aking kamay at hagkan ang likod ng aking palad. “Huwag kang  mag-alala ano man ang maging resulta ng hapunan na ito ay mananatiling hungkag ang pagmamahal na mayroon ako para sa ‘yo. Maari ngang sila na lamang ang natitira kong pamilya at talagang importante sa kin ang kanilang bawat suhestiyon ngunit ibahin nila ang kung anong meron tayo, hindi kita minahal para sang-ayunan o pahintulutan nila,” aniyang habang ang mga binibigay na titig sa kin ay yaong nakakausig ng damdamin.             Kapuwa kami natahimik n’ong ganap ng humimpil ang sinasakyan naming kalesa sa harapan ng isang napakatayog na gusali. Hindi naman sila nagkamali na tawagin itong palasyo dahil hindi lamang doble ang laki nito sa bahay ni Uno na siyang malaki na dahil kung tutuusin ay triple pa ang laki nito. Kapansin-pansin din ang desinyo na meron ito at ang mga imaheng nakaukit sa kan’yang pader.             Mas lalo ginagaygay ng aking mga mata ang kabuoan ng paligid kaya mas lalo ring umaalpas ang kabang kanina ko pang gustong ikubli sa aking dibdib. Nagsimula na akong makaramdam ng kakaibang lamig at malakas na ang tahip ng aking dibdib. “Uno, huwag na lang kaya tumuloy? Ayos na lamang kung hindi ako maiibigan ng iyong lolo at lola para sa ‘yo ang importante na lamang ay alam kong nagmamahalan at masaya tayo. Maari naman sigurong gawin ito sa susunod na lamang na mga buwan? Hindi ko rin kasi makuhakuha kung bakit agad agad nila akong gustong makilala? Kahapon lamang tayo naging opisyal ngunit bakit agad nila tayong pinatawag?” mahaba kong ani. Ang totoo n’yan ay gusto ko lang talagang mas tumagal na lamang kami sa labas. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin o mararamdaman ko kapag nasa loob na ako ng magarang palasyo na ito.             “Naririnig mo ba ang iyong sarili? Ngayon man o sa susunod pareho lang naman ang mangyayari. Kikitain at kikitain mo pa rin naman sila,” anito.             Tumango na lamang ako. “Sabi ko nga. Bakit kasi ako nagtatanong pa kung alam ko na rin naman ang sagot? Bakit hindi nga ba nila dapat na madaliin ang pagkikitang ito? Sino nga ba ako para maging kasintahan ng apo nilang itinakda? Nga naman, mortal lang pala ang pinili ng lalaking kapitapitagan. Sino nga naman ang hindi maalarma,” tahasan kong komento bago ko siya nilagpasan at naglakad ako papasok ng palasyo na iyon.             “Saan daw ba tayo kakain? Sa unang palapag ba? Pangalawa? Pangatlo? O baka naman hindi tayo kakain dito? Sa halip ay lilipat tayo ng lugar kung saan mas hindi pa ako nararapat?” nagsasalita ako ngunit n’ong lingunin ko ang bampirang akala ko ay nasa aking tabi ‘yon pala ay wala. Tumalikod akong muli sa b****a ng pintuan at nanatili ngang nakatayo roon si Uno.             “Akala ko ba nagmamadali tayo? Bakit nakatayo ka pa riyan? Halikana!” malakas ang boses ko at aminado ako roon.             “Zacarias, ito ba ang babaeng sinasabi mong maibigan ko? Kung umusta ay parang wala siya sa loob ng isang pormal na lugar? Mukhang pinapatawa mo ako n’ong sabihin mo sa king hindi lamang maganda ang iyong nubya kundi ay may mabuti ring puso. Kung mabuti ang kan’yang puso ay hindi ka n’ya gan’yan kung tratuhin,” sabat ng isang sopistikadang boses. Tumaas ang isa kong kilay nang marinig ko ang mga sinabi n’yang iyon. Galit akong hinarap siya ngunit agad kong gustong kainin na lamang ng lupa dahil nakatayo ngayon sa hagdan at nakatingin sa min ang isa sopistikadang katamtaman ang tanda na babae. Kung hindi ako nagkakamali at alam kong hindi talaga ako nagkakamali kung sino siya, ang lola ni Uno.             “Magandang gabi, hija, alam mo bang kahit kailan ay hindi ko ginanyan ‘yang apo ko? Pinagtataasan ko ‘yan ng boses ngunit hindi ko ginagawa ang ginagawa mo. Baka nakakalimutan mo kung sino ang bampirang inuutos-utusan at sinisigaw-sigawan mo lamang? Hija, alam kong isa ka lamang na mortal ngunit matuto kang lumugar hindi mo ‘to territoryo kaya mag-iingat ka, hindi ka sasantuhin ng mga bampirang nagmamahal sa itinakda,” muli n’yang patutsada. Wala na akong nagawa kundi ang mapayuko at itikom na ang aking mga bibig.             Nagmadali si Unong maglakad patungo sa kin at agad na hinawakan ang aking mga kamay. “Lola, ganoon lamang kami maglambingan. Paumahin kung lumalabas na kabastusan ngunit kami ay nagkakaintindihan sa ganoong mga bagay, hayaan n’yo na lamang kami kung paano namin pakitunguhan ang isa’t isa,” mabilis na depensa sa kin ni Uno.             “Talaga? Kakaiba pala ang napili ninyong pakikitungo sa isa’t isa, apo. Paumahin, hija, kung agad kitang hinusgahan. Mabuti na lamang at ipinaliwanag ng aking apo kung bakit ganoon mo lamang siya tratuhin dahil kung hindi ay iisipin ko na sanang isa ka talagang babaeng walang modo,” anito. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanang kamay ni Uno kaya nakikita ko sa abot ng aking tingin na tinitignan n’ya ako, ngunit nanatili akong nakayuko.             “Oh, siya, sumunod na kayong dalawa sa kin. Kanina pa handa ang ating hapunan, dumiretso na lamang kayo sa hapagkainan, apo. Nandoon na ang iyong Tiyo Estanislao at ang pilyo mong pinsan,” muli n’yang wika.             “Bakit kayo, hindi pa po ba kayo roon pupunta? Saan pa po kayo patungo, lola?” balik naman na tanong ni Uno.             “Pupuntahan ko pa ang iyong Lolo Enrico na muling isinubsub ang sarili sa mga gawain.” Akala ko ay aalis na siya ngunit nakita kong nanatiling nakatayo ang suot n’yang bakya sa baitang ng hagdan at hindi man lang ito gumalaw.             “Hanggang kailan ka mananatiling nakayuko, hija? Itaas mo na ang iyong mukha mas lalo kang talunan kung mananatili kang gan’yan. Kasalanan ko na hindi agad ako nagtanong at mas inuna ko ang pagpuna sa ‘yo kaya huwag kang yumuko sa kin, ako ay iyong ipagpaumanhin dahil naging hindi kaaya-aya ang aking naging ugali,” anito. Napalunok muna ako at agad kong pasimple pinahid ang luhang dumadaloy na sa daluyan ng aking mga mata bago nga inangat ang aking mukha.             “Paumanhin din po kung hindi ako nag-ingat at kumilos ako ng ganoon lalo pa at ako ay nasa palasyo. Huli man po ngunit nais ko kayong batiin ng magandang gabi, Ginang Gervacio,” nakangiti kong saad pero kumunot ang kan’yang noo.             “Ginang Gervacio?” tanong n’ya sa kin bago tumawa ng ubod ng lakas.             “Bagong salta ka nga talaga kung tutuusin, hija. Donya Clarita hindi Ginang Gervacio,” muli n’yang panunuya sa kin.             “Paumanhin na po hindi ko alam, Donya Clarita—”             “Lola, maari po bang pakitunguhan ninyo ang babaeng mahal ko kung paano n’yo ako pakitunguhan? Hindi ko po nagugustahan ang mga patutsadang sa kan’ya ay inyong inihahagis. Lola, hindi ba at sinabi ko na sa inyo na malaki ang naging parte ni Ina upang ako ay muling magpatuloy sa buhay pagkatapos na yumao ng aking mga magulang? Hindi naman po nararapat na tratuhin n’yo siya ng gan’yan lamang,” ani ni Uno kaya napatingin ako sa kan’ya.             “Uno, huwag ka nang mangialam,” pagbubulong ko sa kan’ya ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin.             “Apo, hindi rin naman yata nararapat na tratuhin ka n’yang parang kung sino lamang. Hindi hamak na isa lamamg siyang bagong salta at mortal kung ikokompara sa antas na meron ka. Sana ay hindi na iyon mauulit, hija, maasahan ba kita? Kahit ano man ang sabihin ninyo na ganoon naman kayo makitungo sa isa’t isa ay impormal pa rin ang ikinilos mo. Maaring ganoon ka kung kayo lamang dalawa ang magkasama at nag-uusap ngunit kung nasa isa kang pampublikong lugar ay ayusin mo ang iyong sarili. Nagkakalinawan ba tayo, hija?” muli n’yang baling sa kin.             Pinanatili ko ang aking ngiti. “Opo, Donya Clarita. Maasahan ko pong papakinggan at gagawin ko ang inyong bilin. Paumahin po ulit sa aking kalapastangan sa Panginoong Uno,” ani ko naman.             “Ina!” agad na suway sa kin ni Uno pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa kan’yang lola.             “Mabuti naman kung ganoon. Nagagalak akong madali kang makaintindi, hija. Gan’yan ang mga gusto ko. Oh, siya, tumuloy na kayong dalawa at kailangan ko pang puntahan ang aking asawa. Panatilihin mo ang iyong ngiti habang nandito ka, hija, ayaw kong nakikita kang malungkot,” anito bago kami tinalikuran at nagsimula na ngang maglakad.             “ASIKASUHIN NINYO ANG APO KO AT ANG PANAUHING PANDANGAL NATING ISANG MORTAL!” hiyaw n’yang dinig sa buong pasilyo na sinundan pa nang mahihinang hagihik.             Pagkaalis n’ya at aga na nanghina ang aking mga tuhod mabuti na lamang at agad akong nayakap ni Uno kung hindi siguro ay mapapaupo na lamang ako sa malamig na sahig.             “Hindi tayo magtatagal dito, pangko,” anas n’ya bago halikan ako sa aking noo at haplusin ang aking likran. Napapikit na lamang ako at muling dinala ang ngiti sa king mukha ng marinig ko na ang mga yabag na papalapit sa min.             “Panginoong Uno, sumunod po kayo sa min,” anang ng isang babae. Hawak-hawak pa rin ni Uno ang aking mga kamay ng pinangunahan namin ang paglalakad. Sumunod lamang ako sa pasikot-sikot na dinadaanan ni Uno.             Kinakaya ko namang makapaglakad nang tuwid. Salamat talaga sa Panginoon at binigyan n’ya ako ng lakas ng loob.             Tumigil kami sa tapat ng isang malaking pintuan. “Panginoong Uno, papasok na po ba kayo?” agad na tanong n’ong babae kanina.             “Mauna na kayo sa loob. May pag-uusapan lamang kami ng aking nubya saglit,” anito.             Kahit gaano kasarap sa tenga pakinggan ang mga katagang ‘ng aking nubya’ ay hindi noon kayang ibsan ang kabang nararamdaman ko ngayon.             Nauna nga sa ming pumasok ang mga sumundo sa min nang makapasok silang lahat ay doon pa lamang ako hinarap ni Uno. Agad n’yang hinawakan ang aking mga kamay atsaka humalik sa aking noo.             “Hindi tayo magtatagal sa loob, kaya mo pa ba?” anito.             “Wala naman akong magagawa kapag sinabi kong hindi ko na kaya. Nandito na tayo, mas magmumukha akong katawa-tawa at mababa sa iyong lolo kapag umatras po ako ngayon,” sagot ko naman.             Hindi agad siya nakapagsalita. “Paumanhin kung kailangan mong pagdaanan ang ganitong mga bagay. Hindi na lang dapat kita minadali at mas mabuting tinanong na lang muna kita bago ako gumawa ng desisyon. Nilamon yata ako ng aking paniniwala na magugustuhan kanila kaya hindi na ako nakapag-isip pa ng mas maayos,” mahaba nitong saad.             “Naiintindihan kita, hindi mo naman ako pababayaan ‘di ba?” tanong ko sa kan’ya. Muli n’ya akong hinalikan sa king noo at tumango.             “Hindi kita pababayaan, hindi ako aalis sa tabi mo sa buong oras na nandito tayo. Mas mapormal si lolo kaysa kay lola kaya hindi iyon magsasalita ng laban sa ‘yo. Pagpasensiyahan mo ang aking lola, ganoon lang talaga siya,” anito. Wala naman akong magagawa hindi ba? Alangan namang palitan ko ang lola n’ya dahil ayaw n’ya sa kin.             “Naiintindihan ko,” tugon ko na lamang.             “Nasa loob na si Dos kasama ang kan’yang amang si Tiyo Estanislao. Nakakabatang kapatid ng aking ama si tiyo. Papasok na tayo,” saad nito. Mahina n’yang binuksan ang pinto at agad ngang bumungad sa min ang isang lalaki at si Dos.             “Kinapatid! Pinsan! Nandito na pala kayo! Upo na kayo nandito na ang guwapo!” bulalas agad ni Dos at siya pa mismo ang humila ng upuan para sa kin habang hawak-hawak pa rin ni Uno ang aking mga kamay.             Ngumiti ako sa lalaki. “Magandang gabi po, maraming salamat po sa pag-imbita sa kin dito,” aniya ko naman sa kan’ya.             Malugod naman siyang ngumiti sa kin at tumayo pa para sa kin ay makipagkamay. “Nagagalak din kita makilala, hija, maupo na kayo. Huwag kang mahiya magiging pamamahay mo na rin ang lugar na ito pagdating ng panahon,” anito.             “Ayon! Sabi ko naman sa ‘yo, kinakapatid! Nararapat lamang na tawagin kitang kinakapatid lalong magiging magkabiyak naman kayo nitong pinsan ko! Suwerte mo naman at ang katulad kong guwapo ang makakasama mo sa iisang bubong,” bulalasan na naman ni Dos. Hindi talaga siya nauubusan ng enerhiya at kahanginan. Nagtatawanan pa sana kami kahit saglit ng biglang bumukas ang malaking pintuan at pumasok na roon si Donya Clarita at ang isang lalaki. Agad naman akong napatayo.             “Magandang gabi po, Do-don,” nagdalawang isip pa ako kong itutuloy ko pa ba dahin hindi ko naman alam ang pangalan n’ya.             “Lolo Enrico! Naku! Maganda na naman siguro ang gabi ninyo dahil nakita n’yo na naman ang apo n’yong kasing guwapo ko,” sabat ni Dos. Mabuti na lang talaga at agad akong sinalo ni Dos.             “Joaquin, pwede ba? Hindi mo bang may panauhing pandangal tayo? Nasaan ang pormalidad sa ‘yo?” agad na suway ni Donya Clarita.             “Lola! Hindi naman na kailangan ng pormalidad sa min ni kinakapatid na Ina. Lagi na po kaming nagkakasama at nagkakausap n’yan kaya sanay na kami sa isa’t isa,” tugon na naman ni Dos.             “Kinakapatid? Paano? At kailan?” nagsimula na namang magtataray si Donya Clarita.             Habang hinihitay ang sagot ni Dos ay nagsimula na rin silang maglakad na dalawa paupo sa mahabang mesa. “Lola! Syempre ikakasal naman na silang dalawa ni Uno kaya dapat lang na kinakapatid ang itawag ko sa kan’ya,” sagot naman ni Dos.             Nakaupo na silang dalawa. Sinunod agad sila ng mga katulong nila at agad na nilagyan ng tela sa kanilang mga kanlungan.             “Sinong nagsabi sa ‘yong ikakasal ang pinsan mo?” matabang na ani ni Donya Clarita.             “Lola, pwede bang kumain tayo ng mas matiwasay?” agad na suway ni Uno lalo na nang nagsimula nang maghain ng iba’t ibang putahe sa aming harapan.             “Tama ang apo mo, Clarita, mas mabuting huwag nating pag-usapan ang mga gan’yang bagay sa harap ng hapagkainan,” sagot na ng kan’yang lolo. Hindi ko alam kung bakit pero mas kinakabahan pa nga ako sa awra ng kan’yang lolo kaysa sa lola n’ya. Sanay na ako sa mga pang-aalipusta na ‘yan. Masakit pero kinakaya.             Natahimik kaming lahat at agad na nilagyan ni Uno ang plato ko ng iba’t ibang pagkain. “Malamang ay nagugutom ka na kaya kumain ka ng marami,” aniyang nakangiti pa. Mas inuna pa talaga n’ya ako bago ang sarili n’ya pero habang ginagawa iyon ni Uno sa kin ay matalim ang mga tingin na pinupukol sa kin ng kan’yang lola na kahit ang kan’yang lolo ay nakatingin din sa ming dalawa na animo’y binabantayan din ang aming mga kilos.             “Salamat,” mahina kong saad na siyang nginitian naman n’ya. Nagsimula na akong kumain at isusubo ko na lamang sana ang pagkain na nasa kutsara ko na nang biglang magsalita ang kan’yang lolo.             “Hija, Pilipina Amador ang iyong pangalan, tama ba ako?” aniya. Naibaba ko na lang tuloy ang kutsarang hawak-hawak ko at hindi na naituloy ang pagsubo.             “Opo, Don Enrico,” tuwid kong tugon.             “Hmm, sige, ipagpatuloy mo na ang iyong pagkain. Mukhang tama ang aking apo, gutom ka na nga,” aniya. Tumango naman ako sa kan’ya at ngumiti habang ang mga kasama namin sa mesa ay nagsisimula nang sumubo ng kani-kanilang mga pagkain.             “Salamat po,” saad ko naman. Mabilis ko na kinuha at sinubo sa king bibig ang kanin at ang ulam na nasa aking kutsara ngunit hindi ko pa nga iyon nalalasahan ay nagsalita naman si Donya Clarita.             “Balita ko pinalaki kang mag-isa ng iyong Inay Pilar Amador, maari bang malaman kung ano ang ikinamatay ng iyong ama?” anito at uminom na ng tubig. Hindi ko na tuloy nanguya pa ang pagkaing nasa bibig ko na dahil diniretsong nilunok ko na lamang iyon upang agad na makasagot sa katanungan ni Donya Clarita.             “Tama ka po, bata pa lamang ako n’ong binawi po sa min ng Panginoon ang aking ama sa min. Nagkasakit po kasi siya noon at hindi na namin naagapan dahil mas pinili n’yang huwag nang magpagamot pa dahil din sa kakulangan sa salapi,” pagpapaliwanag ko. Agad ko na lamang na inabot ang basong may tubig ng maramdaman ko na hindi agad dumaloy ng maayos sa aking tiyan ang pagkaing pilit kong nilunok.             “Anong klasing sakit ‘yan? Hindi ba ‘yan nakakahawa? Baka naman pati kayo ng iyong inay ay naapektuhan?” bulalas n’ya.             “Maayos naman po kami hanggang ngayon, Donya Clarita. Matagal na rin pong panahon simula n’ong nagkasakit ang aking ama at wala naman po kaming maling naramdaman ni inay sa aming mga katawan. Sakit po iyon sa puso kaya hindi naman po nakakahawa,” saad ko naman. Ininom ko na lang ang tubig na nasa harapan ko kasi nagdadalawang isip na ako kung susubo pa ba ako ng pagkain o hindi na kasi baka magtanong na naman sila sa kin. Parang nanadya lang talaga lalo na si Donya Clarita.             “Kumain ka, hija, ayaw na ayaw kong may bisita kaming hindi na kakakain ng mabuti sa aming tahanan. Kumain ka, kumuha ka ng marami. Napakaramin n’ya, tikman mo lahat baka sakaling wala n’yan sa inyo sa Intramuros,” muli n’yang pasaring.             “Busog na po akong nakikita kayong busog at kumakain,” sagot ko naman.             Ilang minuto ang lumipas na kumakain sila pero ako nakatingin na lang sa kinuhang pakain sa kin ni Uno. Tinitignan ako ni Uno at pinapakain na siya na nga mismo ang naglalagay ng pagkain sa kaning kutsara pero ako na itong umaayaw.             “Bakit hindi kumakain ang kasama mo, apo? Kumain ka, hija, baka sabihin mo ay hindi ka pinakain nang maayos sa palasyo,” wika naman ng lolo nila Uno.             “Baka naman nalula siya sa mga pagkaing nakikita n’ya. Alam mo naman, mahal. Wala nito sa mga pangkaraniwang mga lugar, baka nga ito pa ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganitong mga putahe,” sabat na naman ni Donya Clarita. Napakuyom na si Uno sa kan’yang kamay kaya agad ko iyong hinawakan at senenyasan siyang huwag na.             “Bakit kasi hindi na lamang si Hiyas ang inimbetahan sa hapunan na ito. Sigurado akong mas masasarap pa sana sa mga pagkain na ito ang pinagsasaluhan natin ngayon. Hindi lang iyon dahil mas magarbo pa at mas maaliw pa akong makipag-usap sa kan’ya. Bakit hindi na natin pag-usapan ang tungkol sa pag-iisang dibdib nila ni Uno, mahal?” bumaling ito sa kan’yang asawa ngunit nanatili lamang seryoso ang lolo ni Uno habang hinahati ang karneng nasa kan’yang plato.                 “Lola! Bakit naman po ibang babae ang pinag-uusapan ninyo? Si kinakapatid na Ina po ang nandito at isa pa ay hindi ba malinaw naman na sinabi ni pinsan na ayaw n’ya si Hiyas? Napakabait lang naman ng babaeng iyon kapag kayo ang kaharap, eh, pero kapag kami lang sumama na ang budhi,” sabat naman ni Dos sa kabila.             “Anong mali roon? Mas mabuti nga na alam ni Pilipina na ikakasal na ang lalaking kasama n’ya at baka matauhan sa agwat ng buhay na meron sila. Wala sa kasaysayan ng pamilya natin ang bumaba at nakipag-isang dibdib sa isang mortal na wala man lang kayaman ang pamilya, wala rin puwesto sa gobyerno, wala ring magandang negosyo o malaking lupain. Higt sa lahat wala akong naalala sa historya ng mga Gervacio na nagpakasal ang isa sa mga ninuno ninyo sa isang mahina at may mababang antas na mortal. Itinakda ang iyong pinsan kaya nararapat lang din naman na mapunta siya sa isang babae na kayang pantayan man lamang ang kalahati ng ating kayamanan pero alam kong hindi iyon si Pilipina,” tahasan n’yang saad na akala mo ay wala ako rito sa hapagkainan. Wala pa bang mas iyuyurak pa sa pagkatao ko d’yan?             “Donya Clarita, hindi na yata tama ang naririnig ko sa inyong mga bibig,” panimula ni Uno matapos n’yang bitawan ang kubyertos na hawak-hawak n’ya kanina.             Tumayo na ako bago pa sumiklab ang galit ng katabi ko. “Maari po ba muna akong magbanyo? Paumanhin po ngunit kailangan ko po munang gumamit ng banyo.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil kumaripas na ako ng takbo mabuti na lang talaga at tinuturo naman ng mga kasama nila sa bahay ang daan papunta ng banyo. Binusalan ko na ang bibig ko gamit ng aking palad dahil hindi ko na mapigilang hindi mapahagulhul.   Third Person’s POV                         Nakasunod ang mga mata ni Uno sa babaeng kan’yang iniibig na ngayon ay tumatakbo habang tinatahak ang daan patungo sa banyo. Malakas n’yang ibinagsak ang kan’yang kamao sa mesa na agad na nagpalisik sa mga mata ng kan’yang lola Clarita.             “ZACARIAS PSALM! SUMUSOBRA KA NA! Hindi na nirespeto ang hapagkainan lalong lalo na ang lolo mo!” suway sa kan’ya ng kan’yang lola.             “Inang Clarita, sumusobra rin naman kasi kayo sa kasintahan ng aking pamangkin. Hindi naman dapat na ganoon ninyo siya pakitunguhan, kunting konsiderasiyon din naman,” sabat na ng kan’yang anak na si Estanislao.             “Nararapat lamang na maging totoo tayo ng sa ganoon hindi na siya umasa pa,” mataray pa ring saad ng kan’yang ina.             “Inang, hindi mo ba naisip na maari itong makadungis sa reputasiyon ng ating pamilya? Marami ngayong mga mortal ang nagsisimula na namang kumontra sa tin at kapag nakalabas pa itong ginawa ninyo kay Binibining Ina sa tingin mo ba ay tatahimik lamang sila? Inang, kung hindi n’yo gusto ang bata kahit naman sana naging pormal na lang ang pakikitungon ninyo sa kan’ya,” dugtong naman ni Estanislao.             “Lola, tama si Tiyo Estanislao, hindi ba at nakiusap na ako sa inyo kanina patungkol dito? Maling-mali na pumayag ako sa sinabi ni lolo kagabi na dalhin dito si Ina. Hindi ko inaakala na ganito lang pala ang gagawin ninyo sa kan’ya. Lola, mahal ko pa siya at handa akong talikuran ang lahat kung ‘yon ang nararapat,” may diin na saad ni Uno bago siya tumayo at ihampas sa mesa ang telang nasa kan’yang kandungan.             “Nakita mo na ang inaasal mo ngayon, Zacarias! Tama ba ‘yan? At talagang tinakot mo pa kami? Sinong tinatakot mo? Alam mong may malaki kang responsibilidad sa lahi natin! Kaya ba hindi mo naituloy na sabihin na papatumbahin natin ang gobyerna ng Filipinas dahil sa babaeng ‘yan?”             “Hindi ako magkakaganito kung sana naman ay maayos ninyong hinarap si Ina! Palibhasa hindi n’yo naman alam ang pinagdadaanan ko hindi ba? Ano nga naman ba ang pakialam ninyong dalawang abalang magpalakas at magpayaman.”             Napatayo na rin si Donya Clarirta matapos n’yang marinig ang mga sinabi ng kan’yang apo. Magsasalita na naman sana siya na nang ibinagsak ng malakas ni Don Enrico ang hawak-hawak n’yang kutsara at tinidor. “Zacarias, sumunod ka sa kin. Mag-uusap tayo,” bahaw ngunit maawtoridad na saad ni Don Enrico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD