‘The way to get started is to quit talking and begin doing.’ – Walt Disney
-Scarlett’s POV-
Sa wakas! Natapos din ako. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero sinipag akong tapusin lahat ng activities ko ngayon. At dahil nasobrahan ako sa kasipagan, lahat ng activities kahit na next week pa ang deadline ay tinapos ko na. Kaya naman wala na akong gagawin at magpapahinga na lang.
Bago mahiga ay kinuha ko muna ang cellphone ko para mag-set ng alarm. Hapon pa naman kasi ang simula ng klase namin bukas kaya naman nagsabi ako kay Manager Bella na papasok ako sa humaga, half day lang naman kaya pumayag na rin siya.
Saktong pagkatapos kong mag-set ng alarm ay nakatanggap ulit ako ng text galing sa kaparehas na number. Akala ko pa naman ay hindi na siya magre-reply dahil natakot sa sinabi ni Abigail pero mukhang hindi pala. Mukhang hindi effective sa kanya ‘yong gano’n.
Please, just answer my call. After this, I won’t bother you anymore. Basa ko sa text. Hindi ko alam kung magre-reply ba ako o hahayaan ko na lang. Kapag hindi ako nag-reply, paniguradong hindi siya titigil at magme-message pa rin. Kapag nag-reply naman ako, baka tumawag siya.
Alam ko pa naman kapag maalam kang mag-track, pwede mong ma-track ‘yong isang tao kapag nag-usap kayo through call. So, hindi rin pwede, mag-isa lang ako rito sa apartment kaya delikado. Karamihan pa naman sa mga tenant ni Aling Pasing ay mga babae. Ay ewan! Hindi ko alam, bahala na nga.
Hindi ko na lang papansin, bahala na siya.
-----
Katatapos ko lang sa trabaho ngayon kaya naman pauwi na ako para mag-shower at magpalit ng damit. Kapag gumagalaw ako ay ramdam ko ‘yong pangangalay sa mga braso ko. Ang dami rin kasing customer kanina kaya naman walang tigil ako sa pag-punch ng mga items.
Kapag umaga kasi ay marami talaga customer para bumili ng almusal. Karamihan din kasi talaga ng nakatira malapit sa convenient store ay mga nagta-trabaho o hindi kaya estudyante na mag-isa lang sa bahay, kaya naman wala na silang oras magluto.
Ang dami ko tuloy nakukuhang idea. Sakto rin kasi sa course ko na Business Management. Ang dami kong naiisip na business na pwedeng itayo sa ganitong lugar, o hindi naman kaya mga products na pwedeng ibenta.
Kapag naka-graduate talaga ako, sisipagan kong mag-trabaho para makaipon ako at makapagpatayo ng sarili kong negosyo. Mukhang kay papa ako nagmana sa aspetong ‘to. Oo nga pala, nawala sa isip ko, nakalimutan kong itanong kay tito kung ano ‘yong negosyo ni papa rati. Sa susunod na nga lang.
Pagkauwi ko ay naabutan ko pa ‘yong tatlong multo na nanonood sa sala. At dahil sanay na akong abutan silang ganyan ay dire-diretso na lang akong pumasok sa kwarto ko para mag-ayos.
Hindi naman ako matagal maligo at mamili ng damit kaya naman mabilis lang din akong natapos. Kalahating oras na lang din kasi ang natitira sa akin bago magsimula ang una kong klase. Nararamdaman ko na ang gutom pero wala na rin naman na akong oras para kumain kaya mamaya na lang.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Mr. Julian pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto.
“Kumain na,” pagsisinungaling ko. Hindi ko na siya pinansin pa at kaagad kong kinuha ‘yong mga libro na gagamitin ko para ngayong araw.
“Hindi ka pa kumakain,” wika niya kaya saglit akong napatingin sa kanya. “Kumain ka bago ka pumasok sa klase mo, kailangan mo ‘yon.”
Imbes na sumagot ay hindi ko na lang siya pinansin pa at lumabas na kaagad ako. Hindi ko gusto na lagi nila akong pinagsasabihan sa mga dapat kong gawin, kaya naman minsan ay hindi ko na lang sila pinapansin.
Hindi ko lang din sila mapaalis kaagad dahil hindi ko pa natutupad ‘yong kahilingan ng dalawa kaya naman wala akong choice kung hindi ang pakisamahan pa sila ng mas matagal. Gustuhin ko man na mag-off ay hindi rin pwede dahil naghahabol ako ng mga araw na hindi ko napasok.
Sayang din kung mababawasan angs weldo ko ngayong buwan kaya naman tinitiis ko ang puyat dahil kung hindi ay wala akong ipambabayad sa renta. Naalala ko tuloy ‘yong pinag-usapan namin ni Aling Pasing kanina.
Muntik na raw kasi siyang pasukin ‘yong apartment ko dahil nakailang tawag na siya sa akin pero walang sumasagot. Akala niya kasi may tao dahil nakabukas ang TV, naririnig niya kasi sa labas ‘yong tunog kaya naman kinabahan daw siya nab aka nahimatay na naman ako.
Mabuti na lang at nasabihan siya ni Elize, isa sa mga kapitbahay ko na nasa trabaho ako. Kaya naman sinabi ko na lang kanina na nakalimutan ko lang patayin ‘yong TV dahil nagmamadali rin akong umalis.
Hindi ko alam kung paanong nagagawa nila na buksan ‘yong TV ko gayong alam ko naman na hindi nakakahawak ng kahit anong bagay ang mga multo. Ilang beses ko nang sinubukan patayin ang TV pero nagagawa pa rin nilang buksan.
Sinubukan ko na rin na tanggalin sa saksakan pero kapag umuuwi ako ay naabutan kong nakabukas. Kapag nagtatanong naman ako kung paano nila nagagawa ‘yon ay ayaw nilang sabihin kaya hinahayaan ko na lang. Sana lang ay hindi masyadong tumaas ang babayaran ko sa kuryente.
Habang naghihintay ng jeep na masasakyan ay naka-receive na naman ako ng text, galign pa rin ‘don sa kaparehong number.
Carly, please, let’s meet. I’ll be waiting for you in the same spot. Hindi ako aalis hangga’t hindi ka dumadating.
Ano na naman ba ‘to, bakit ba kasi ang kulit ng taong ‘to. At Carly? So ibig sabihin ay nakipaghiwalay nga sa kanya ‘yong girlfriend niya. Wrong send nga si kuya.
Magre-reply na sana ako para sabihing hindi ako si Carly at na-wrong send siya ng biglang may dumating na jeep. Sumakay na kaagad ako dahil punuan ngayon kahit na hapon. Hindi naman pwede na maglakad ako dahil male-late ako sa klase.
Hindi naman gano’n kalayuan ‘yong university dahil nasa ten minutes lang ang byahe kapag sumakay ka, pero twenty to thirty minutes naman kapag naglakad, depende pa kung gaano ka kabilis maglakad.
At dahil kaskasero pa pala ‘yong nasakyan ko ay mabilis at ligtas naman akong nakarating sa university. Mabuti na lang at kaunti lang ang sasakyan sa kalsada kaya naman iwas aksidente.
“Scarlett!”
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Kaagad kong hinanap kung nasaan siya at nakita ko si Abigail hindi kalayuan sa pwesto ko. Kaagad naman siyang kumaway ng mapansin niya na nakatingin na ako sa kanya.
“Wala raw tayong klase kay Miss,” bungad niya sa akin pagkalapit na pagkalapit ko.
“Huh? Bakit hindi siya nagsabi kaagad,” reklamo ko naman.
“Biglaan lang din daw kasi ‘yong meeting. Papunta na sana sa klase si Miss pero pinatawag din siya,” paliwanag naman niya. “At dahil may libre tayong oras, halika sa mini-garden at kailangan mong mag-kwento sa akin.”
At bago pa man ako makaangal ay nahatak na niya ako kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Wala naman akong iku-kwento sa kanya dahil wala namang bagong nangyari sa akin, bukod sa nakakakita na ako ng multo. Aside from that, wala na.
“Wala naman akong iku-kwento sa’yo,” kaagad na sabi ko ng makarating kami sa mini-garden.
“Wala nga. Wala ka naman kasing masyadong ganap sa buhay,” she said at bara-barang naupo sa may bench, mabuti na lang at hindi siya nakapalda kaya hindi siya masisilipan. “Try mo kaya mag-party-party minsan, para naman magkaro’n ka ng social life.”
“Alam mo naman na wala akong oras sa ganyan,” sagot ko at saka ako naupo sa tabi niya.
“I know. Pero why don’t you loosen up sometimes? Alam ko naman na may ipon ka, and kahit isang araw ka lang naman mag-off pwede naman ‘di ba?”
“Pwede naman. Pero Abigail, marami kasi talaga akong kailangan gawin, at sayang naman kung a-absent ako,” paliwanag ko sa kanya.
Wala naman kasi akong magulang na susuporta sa akin kaya hindi ko magawang magpakasaya. At saka hindi naman gano’n kalaki ang savings na mayro’n ako kaya naman mas mabuti pa rin na nakakapag-ipon pa rin ako.
“Fine! Alam ko naman na mas pipiliin mong mag-trabaho kaysa mag-party. Pero dapat sa birthday ko hindi ka mawawala, okay?”
“Oo naman, magpapaalam kaagad ako sa boss ko para makapag-day-off ako.”
Sigurado ako na magtatampo siya kapag hindi ako nakapunta sa birthday party niya kaya naman nakapagpaalam na rin ako kay Manager Bella. Sa susunod na linggo na rin kasi ang birthday niya kaya naman excited na siya.
No’ng nakaraan ay halos araw-araw kung ipaalala niya sa akin ‘yong party na ‘yon kaya naman nagpaalam na kaagad ako para rin hindi ko makalimutan.
“Ay, alam mo ba, may chika ako sa’yo,” excited na sabi niya kaya naman natuon sa kanya ang buong atensyon ko.
“Ano naman ‘yon?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nalalaman ‘yong mga chika niya pero kapag wala kaming klase ay ganito ang ginagawa namin. Ang mag-chismisan.
“Kanina ko lang nalaman. Alam mo ba na nag-break na si Mark at ‘yong chaka niyang girlfriend?” halos pabulong niya na sabi, mabuti na lang at rinig ko pa rin.
“Sinong Mark? Kaklase ba natin ‘yan?” nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong kilalang Mark. ‘Yong ibang kaklase ko nga ay hindi ko matandaan ang pangalan.
“Bakla ka!” nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao na narito. “Hindi mo kilala si Mark? Si Mark Cristobal?”
Mark Cristobal? Parang narinig ko na ‘yong pangalan pero hindi ko matandaan kung saan. Kung sino-sino naman kasi ang kinu-kwento niya, eh hindi naman lahat ng nandito kakilala ko. Hindi naman kasi ako kagaya niya na social butterfly, ‘yong maraming kakilala.
“Oh! My! Ghad! Bakla ka talaga! Saang planeta ka galing at hindi mo siya kilala?” maarteng dagdag niya pa. Sa ganitong bagay talaga lumalabas ang kaartehan niya sa katawan. Mabuti na lang at kaibigan ko siya, kung hindi ay nilayasan ko na siya ngayon.