‘Your time is limited, so don't waste it living someone else's life. Don't be trapped by dogma – which is living with the results of other people's thinking.’ – Steve Jobs
-Scarlett’s POV-
“Parang narinig ko na ‘yong pangalan, pero hindi ko lang matandaan. At saka ano naman ngayon kung break na sila ng girlfriend niya?”
“Kaklase natin siya ano ka ba. Gets ko kung bakit hindi mo kabisado pangalan ng mga classmates natin, pero si Mark, hindi mo kilala? I can’t believe it,” mas maarteng wika niya at umarte pa na pinapaypayan ang sarili.
Ah, kaya pala familiar. Kaklase naman pala namin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit big deal na nag-break sila ng girlfriend niya. Hindi naman siguro sila artista para pag-usapan.
“Kailangan mo na talaga ng social life. Bakit ba naman kasi kapag nagtsi-chismisan kami sa classroom ay hindi ka sumasali, ayan tulyo late ka lagi sa balita. Nakakaloka ka.”
“Hindi naman kasi ako interesado,” maikling sagot ko sa kanya.
“Alam ko, pero ayon na nga. Break na raw sila ng girlfriend niya. Ang sabi sa chismis, si Carly daw ang nakipag-break,” kwento niya pa.
“So, anong mayro’n sa kanila?” nagtatakang tanong ko ulit sa kanya.
“Bless your soul, bakla ka. Si Mark Cristobal, siya lang naman ang hottest captain ng basketball team,” kinikilig na sagot niya.
“Ah, okay.”
“Okay?”
“Huh?” ewan ko ba rito kay Abigail, naguguluhan na akong kausap siya.
“Ewan ko sa’yo, Scarlett. Hindi ko alam kung pumipikit ka ba kapag nakakakita ka ng gwapo o allergic ka lang talaga sa mga tao,” reklamo niya pa.
Imbes na sumagot ay tinawanan ko na lang siya. No’ng una ay ilang beses niya akong sinabihan na makipag-chat or makipag-text sa mga lalaki. Ilang beses niya pa ngang sinubukan na i-set up sa mga kakilala niyang lalaki pero sila rin ang umayaw sa akin.
Alam ko naman kasi na boring akong kasama. Madaldal ako kapag close ko ‘yong kasama at kausap ko pero kapag hindi ay tinatamad akong magsalita.
Matapos pag-tsismisan si Mark Cristobal ay kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin. Mabuti na lang at naiba ‘yong topic kaya napag-usapan namin ‘yong mga bagay na parehas kaming interesado.
At dahil malapit na rin ang sunod na klase ay nagpasya kami na sa classroom na lang ituloy ang pagku-kwentuhan, para naman iwas late. Huling klase naman na namin ‘to ngayong araw kaya maaga rin kaming makakauwi, kung sakaling hindi mag-extend ‘yong prof namin.
Habang naglalakad ay sunod-sunod na hampas ang ginawa ni Abigail sa akin kaya, mabuti na lang at hindi malakas ang mga hampas niya kaya hindi mamumula ang braso ko.
“Bakit, ano bang problema?”
“Bakla, ayon si Mark oh,” mahinang bulong niya sabay turo sa lalaking nakaupo sa may bungad ng mini-garden.
Naka-side view siya kaya naman hindi ko kita ang buong mukha niya sa pwesto namin. Pero masasabi ko na pamilyar nga siya. Kung tama ang pagkakatanda ko ay sa may likurang bahagi siya nakaupo, kaya siguro hindi ko siya matandaan ay dahil hindi ko siya madalas makita.
Nasa bandang gitna kasi ang pwesto namin ni Abigail. At hindi rin naman ako madalas tumingin sa likuran, not unless, kung may ipapasa, kaya naman hindi ko siya kaagad natandaan.
“Mukhang totoo nga ang tsismis,” bulong niya pa.
“Anong tsismis,” naintriga tuloy ako kaya hindi ko maiwasan na magtanong.
“Sabi kasi ng mga kaklase natin na literal na bakla, makikipagkita raw siya sa girlfriend niya kaya naman hindi siya papasok sa klase.”
“Grabeng effort naman, kung gano’n,” bulong ko na mukhang hindi naman narinig ng kasama ko dahil abala siya sa pagtingin sa lalaki. “Halika na nga, baka ma-late pa tayo.”
-----
Naging matiwasay naman ang araw ko dahil hindi nag-extend ‘yong prof namin at maaga rin kaming natapos, kaya naman maaga rin akong nakauwi.
Dumaan pa nga ako sa coffee shop na pinapasukan ko para itanong kung pwede akong mag-half day pero kumpleto sila ngayong araw. Wala rin masyaodng customer kaya naman umuwi na lang ako. Ang boring lang dahil nakakulong lang ako sa kwarto.
Wala naman na kasi akong gagawin dahil natapos ko na lahat kagabi. Well, okay na rin na maaga akong nakauwi dahil makakapagpahinga kaagad ako. Minsan lang naman ako makauwi ng maaga at makapagpahinga.
Makapag-youtube na nga lang muna, hindi pa naman kasi ako inaantok. Nasanay na rin kasi ang katawan ko na super late na kung matulog. Kaya naman kahit gusto kong magtulog kaagad ay hindi ko rin magagawa.
Habang nanonood ay may nakita akong video ng isang vlogger, nang tignan ko ang content nila ay na-disappoint lang ako, sana pala ay hindi ko na lang pinanood. Paano ba naman kasi, nag-unbox sila ng dalawang brand new phone galing sa magkaibang brand. Tapos gusto nilang i-test kung ano ‘yong masokay sa dalawa.
Akala ko no’ng una ay ‘yong specs at quality mismo ang ipagco-compare nila, pero pagdating sa bandang dulo ay umakyat sila sa second floor at binato nila ‘yong phone mula ro’n. Kaya in the end, parehas na sira ‘yong cellphones.
Hindi man pera ko ‘yong nasayang, nanghihinayang pa rin ako. Ako kasi ay inabot pa ng ilang buwan bago makabili ng cellphone, hindi man latest at least may nagagamit ako for communication, especially. Naalala ko kasi na nangutang pa ako kila Manang at Aika para lang may maipandagdag sa pambili nito.
No’ng high school kasi ay ayos lang sa akin na walang cellphone dahil nasanay naman na ako. At kapag may assignment naman na kailanga i-search ay pinapahiram ako ni Aaron ng computer kaya walang problema. Pero kapag college ka na pala ay kailangan mayro’n na talaga.
Kapag may mga announcement kasi ay sa group chat namin nagse-send ‘yong president. At ‘yong ibang prof naman ay sa online nagpapapasa ng gawain. Kaya mabuti na lang na may extrang pera sila Aika no’ng panahon na nangutang ako.
‘Yong pinaka-maayos at murang cellphone kasi na nakita ko ay nasa six thousand kaagad. Wala rin naman kasi akong pera no’ng panahon na ‘yon dahil kalilipat ko lang at kasisimula ko pa lang sa trabaho. Kaya naman hindi ko maiwasan na mainis do’n sa vlogger.
Nakakalungkot lang dahil may mga tao palang ganito. Kahit na sabihin mong afford nila ang gano’n, hindi ka naman sigurado kung pinaghirapan ba nila ‘yong perang pinambili nila. Which is I doubt, kasi kung sarili mong pera ‘yon, hindi mo sasayangin ‘yon ng gano’n-gano’n lang.
Natigil lang ako sa pagra-rant sa utak ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang tignan ko ay text na naman galing do’n sa lalaki.
I waited for you. But you didn’t come.
Bigla tuloy akong napatingin sa oras ng saka ko lang mapansin na alas-dose na pala ng madaling araw. Na-guilty tuloy ako bigla. Hindi ko naman alam na maghihintay talaga siya, at saka isa pa, wala naman akong sinabi na pupunta ako.
Ay teka, parang mali. Hindi pala ako ang hinihintay niya kung hindi ‘yong girlfriend niya. Ang mali ko lang ay hindi ako nakapag-reply dahil nawala na sa isip ko. So dapat hindi ako ma-guilty. Isa pa, una pa lang sinabi ko na sa kanya na na-wrong send siya, ayaw niya lang talaga maniwala.
Bahala nga siya. Ang dami ko nang iniisip dumadagdag pa siya. Itutulog ko na nga lang ‘to dahil anong oras na rin pala, masyado akong nalibang sa panonood, maaga pa naman ang klase ko bukas.
-----
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay napatili ako kaagad. Paano ba naman ay may nakatayong multo sa labas ng kwarto ko. Nawala sa isip ko na may mga kasama nga pala akong multo rito.
“Anong kailangan mo? Bakit ba nanggugulat ka?” tanong ko kay Eleanor, ‘yong babaeng multo.
“Gusto ko sanang ipagluto ka ng almusal,” malumanay na wika niya.
“Hindi mo naman ako kailangan ipagluto, isa pa multo ka, paano mo gagawin ‘yon.”
“Gagamitin ko ang katawan mo,” simpleng sagot niya na akala mo ay madali lang ang hinihiling niya.
“Hindi na ayos lang, marunong naman akong magluto. Isa pa, hindi naman ako mahilig mag-almusal,” sagot ko at saka dumiretso na kaagad sa banyo.
Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na madalas na nila akong gawan ng pabor. Hindi ko naman hinihingi pero bigla-bigla silang nagre-request na gawin ang isang bagay. Pero in the end ay ako pa rin ang gagawa, hihiramin lang talaga nila sandali ang katawan ko.
At ayoko nang mangyari ‘yon. Pagbibigyan ko na nga sila na tuparin ang kahilingan nila kaya hindi na nila dapat pang gamitin ang katawan ko. Mabuti nga at hindi ko na sila sinusubukan pang paalisin.
Matapos mag-asikaso ay naghanda na ako papasok sa klase. Isa lang naman ang klase namin ngayon kaya naman maaga rin kaming makakauwi, pero may trabaho rin ako kaya do’n na ako didiretso.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako papasok sa trabaho, may lakad din naman kasi si Abigail kaya nauna na siyang umalis. Sa may coffee shop ang duty ko ngayon kaya naman ilang kanto lang ang layo mula sa university.
Pagdating do’n ay kakaunti lang ang tao, maaga pa naman kasi kaya wala pang masyadong customer. Normally, mga hapon dumadagsa ang mga estudyante at mga nagta-trabaho.
“Hi James!” bati ko sa kasamahan ko ng makita ko siya.
Dalawa lang kaming naka-shift ngayon. Siya ang bartender habang ako naman ang sa cashier at sa paglilinis ng mga table. Self-service naman kasi ‘tong shop kaya hindi na kailangan pang i-serve sa customer ‘yong order nila.
“Good morning. Ang aga mo ngayon ah,” bati niya pabalik.
“Maaga kasing natapos ang klase ko. Sandali at magpapalit lang ako para matulungan na kita,” wika ko at dumiretso na kaagad sa locker.
Mabuti na lang at hindi kami nagu-uniform sa university kaya lagi kaming naka-civilian. Kaya naman hindi ko na kailangan magdala ng maraming damit na pamalit. ‘Yong t-shirt na lang ang pinapalitan ko dahil may uniform kami.
Matapos magpalit ay lumabas na kaagad ako. Sakto naman kasi ay may mga bagong dating na customer kaya ako na ang pumalit sa kanya sa pagkuha ng mga orders habang siya ay nagsimula nang gawin ang mga order nila.
“One café latte,” wika ng sunod na customer kaya kaagad akong pinindot ang order niya sa screen.
“Two hundred twenty, Sir,” sagot ko naman at saka tumingin sa kanya.
Gano’n na lang ang pagkabigla ko ng makilala ko ang nasa harapan ko, mabuti na lang at nakalma ko kaagad ang sarili ko. Matapos ibigay ang sukli ay mas binilisan ko na ang pagkilos, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
“Name, Sir.”
“Mark,” sagot niya at saka dumiretso na sa uupuan niya.