Chapter 13

1710 Words
‘If there is any immortality to be had among us human beings, it is certainly only in the love that we leave behind.’ – Leo Buscaglia -Scarlett’s POV- “Scarlett,” natigil naman ako sa ginagawa ko ng tawagin ako ni Mr. Julian. Imbes na sumagot ay tumingin lang ako sa kanya. Kauuwi ko lang kasi galing trabaho at imbes na magpahinga ay sinisimulan ko na ‘yong mga activity na binigay sa klase kanina. Next week pa naman ang deadline ng mga ‘to, pero dahil masyado silang marami at marami rin akong ginagawa, sinisimulan ko na. Para naman hindi ako masyadong magahol sa oras lalo na at minsan ay nago-overtime ako. Matapos kong tuparin ang kahilingan ni Mr. Julian ay ilang araw din akong na-busy dahil madalas akong mag-overtime. Naghahabol din kasi ako ng araw dahil nga ilang araw din akong nanatili sa hospital at hindi nakapag-trabaho. Matapos din ‘yong nangyaring pag-uusap sa pagitan naming dalawa ay hindi ko alam kung anong mayro’n sa akin pero nahihiya ako kapag nakikita ko siya. Kaya naman ginawa ko lahat ng pwedeng gawin para lang hindi silang makausap lahat. “May kahilingan ka ba?” “Huh?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit ako ang tinatanong niya, eh sila nga dapat ang magbigay ng kahilingan para makatawid sila sa kabilang mundo. “Gusto kong tuparin ang kahilingan mo, bilang kabayaran sa pagtupad mo sa kahilingan ko,” dugtong pa niya sa nauna niyang sinabi kaya nalinawan ako. “Wala naman akong kahilingan. Wala akong ibang gustong gawin,” simpleng sagot ko sa kanya at muli na akong bumalik sa pagsasagot. Pagkatapos kong magsalita ay binalot na kami ng katahimikan, ang awkward tuloy. Hindi naman ako galit o ano. Wala lang talaga akong gustong gawin. Nagagawa ko rin naman ang mga gusto ko kaya ayos na ako. Isa pa, anong kaya niyang gawin, eh multo lang naman sila. “Wala ba talaga?” bigla tuloy napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Hindi na kita iistorbohin, mukhang busy ka. Pag-isipan mo ‘yong sinabi ko. If you want to do something, just tell me,” he said at umalis na sa harapan ko. Nang makaalis siya ay saka lang ako napatingin sa lugar kung saan siya nakatayo kanina. Bigla tuloy akong na-guilty dahil sa inasta ko kanina. Pakiramdam ko ay nabastos ko siya dahil sa paraan ng pagsagot ko. Ewan ko ba, wala kasi ako sa mood ngayon. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Ano nga ba ang gusto kong gawin? May mga kahilingan pa ba ako? Hay, bahala na. Mas kailangan na matapos ko ‘tong ginagawa ko dahil hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakaro’n ng libreng oras. ----- “Scarlett! Good morning!” nakangiting bungad sa akin ni Abigail, hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti rin. “Kumusta, nakapaghanda ka para sa presentation natin?” she said at inakbayan ako. “Uhm, oo naman, nag-review ulit ako kagabi para naman hindi ako mangulelat mamaya,” sagot ko sa kanya. Sa loob ng dalawang taon na nag-aral ako sa university na ‘to, tanging si Abigail lang ang naging ka-close ko talaga. May iilan akong nakakausap at nakaka-kwentuhan pero si Abigail lang ‘yong naging komportable talaga ako na kasama. Dahil din sa kanya kaya nakapasok ako ro’n sa convenient store na pinagta-trabahuhan ko. Siya kasi talaga ang dating cashier do’n, pero nang malaman ng parents niya na nagta-trabaho siya ay pinag-resign siya kaya naman ako ang ipinasok niya bilang kapalit niya. Mabuti na lang din talaga at nangangailangan sila ng tao ng mga panahong ‘yon kaya natanggap din ako kaagad. Mayaman kasi ang pamilya ni Abigail, no’ng una nga ay nagtataka ako kung bakit dito siya pumapasok at nagta-trabaho pa siya. Kaya ayon, akala ko ay pinalayas siya. Pero no’ng maging close kami ay nai-kwento niya sa akin na gusto niya lang maranasan maging independent, kaya naman talagang nagkasundo kami sa maraming bagay. “Ikaw, makapag-review ka ba?” tanong ko pabalik sa kanya. “Tss, ako pa,” proud niyang sabi. “S’yempre hindi,” natatawang dagdag niya pa kaya natawa na rin ako. Loka talaga ‘tong babae na ‘to. Kahit na minsan ay maloko siya ay pinagbubutihan naman niya ang pag-aaral niya kaya naman sobrang natutuwa ako sa kanya. Bigla ko tulyo siyang na-miss. Ang tagal na kasi simula no’ng makapag-kenwtuhan kami dahil naging busy talaga ako sa trabaho. Kaya naman kapag katapos ng klase ay maaga akong umuuwi para dumiretso sa trabaho. Kaya naman minsan ay sa klase na lang talaga kami nagkikita. Mabuti na lang din at hindi siya nagtatampo kasi naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Bukod kasi kay Karla ay siya lang din ang napag-kwentuhan ko ng tungkol sa buhay ko. Napangiti tuloy ako ng maalala ko na sasabihin niya raw sa daddy niya na ampunin na lang ako para hindi ko na kailanganin mag-trabaho. Pero mabuti na lang at napigilan ko siya, nakakahiya kasi. Ayoko kasing isipin ng mga tao na kaya ko siya naging kaibigan ay dahil pera ang habol ko sa kanya. Kaya nga kapag birthday ko at gusto niya akong regaluhan, lagi kong sinasabi sa kanya na ‘wag ‘yong mahal at mura na lang ang ibigay niya sa akin. No’ng una ay nagtatampo siya akala niya ay hindi ko pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin pero na-explain ko naman na sa kanya kung bakit ko ginagawa ‘yon, mabuti na lang at iniintindi niya ako. “Nakakapagpahinga ka ba ng maayos? Kumakain ka ba sa tamang oras?” sunod-sunod na tanong niya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako dahil naka-akbay siya sa akin. “Ano ka ba, ayos lang naman ako. Nagpapahinga naman ako,” I said. “Goods, baka kasi ay mahimatay ka naman. Sige ka mas lalong hindi ka makakapasok sa trabaho kapag nangyari ‘yon. Kaya alagaan moa ng sarili mo,” she said. “Yes ate,” sagot ko sa kanya kaya naman hinampas niya ako ng mahina sa braso. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang ate. Though, isang taon lang naman ang agwat namin sa isa’t isa. Nai-kwento ko kasi sa kanya ‘yong nangyari no’ng nahimatay ako, pero hindi ko sinabi na nakakakita ako ng multo dahil baka isipin niya na nababaliw na talaga ako. Sinabi ko lang sa kanya na ilang araw akong nag-stay sa hospital dahil nga kailangan kong magpahinga. At dahil nga nauna siyang mag-trabaho kaysa sa akin do’n sa convenient store ay mas nauna niyang nakilala si Karla kaya naman nalaman niya din ‘yong nangyari. ‘Yon nga lang ay nagtampo siya ng ilang araw dahil hindi ko siya natawagan no’ng nasa hospital ako, hindi raw tuloy siya nakabisita. Nang makarating kami sa classroom ay may iilan na rin kaming kaklase na nando’n. Wala pa naman ‘yong prof namin dahil may ilang minuto pa bago ang klase kaya naman may oras pa para makipag-kwentuhan sa mga kaibigan. At dahil magkatabi kami ni Abigail ay tuloy-tuloy din ang kwento niya tungkol sa napanood niyang movie. Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya naman nakangiti lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. “Kapag wala kang pasok punta ka sa bahay ah para makapanood tayo ng movie. ‘Yon na rin ang gawin mong pahinga para naman hindi ka laging nakakulong sa apartment mo,” bilin niya pa. Hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na rin ang prof namin kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya. Pagpasok na pagpasok pa lang ni Miss ay ramdam na kaagad ang katahimikan, paano ba naman ay may presentation kami ngayon, kaya naman kabado ang lahat. ‘Yong iba ay nagre-reklamo pa nga kanina dahil first subject na first subject ay may presentation kaagad. Mabuti na lang at naaral ko kagabi ‘yong presentation ng grupo namin kaya naman alam ko na may maisasagot ako kung sakaling magtanong si Miss, hindi ko lang maiwasan na kabahan dahil hindi ako sanay na nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga tao. ----- Mabilis na lumipas ang mga oras. Pagkatapos ng unang subject namin ay may sunod na klase kaagad kaya naman walang pahinga. Saktong pagkalabas pati ni Miss ay sunod nang dumating ang prof namin kaya naman hindi na nabigyan ng oras ‘yong mga kaklase ko na mag-rant kanina. Paniguradong mga rant tungkol sa presentation ang maririnig ko mamaya pagkatapos ng klase. Naputol ang discussion ng biglang may narinig kaming tunog. Sobrang tahimik pa naman ng klase dahil si Miss lang ang nagsasalita kaya naman rinig na rinig ‘yong tunog ng cellphone. “Kaninong cellphone ‘yon?” tanong ni Miss habang nililibot ang tingin sa buong klase. Bigla tuloy akong kinabahan, kilala kasi siya bilang terror na prof. Kahit na ang amo ng mukha niyang tignan ay nakakatakot siya once na ibukas niya ang bibig niya. Ilang segundo katahimikan ang bumalot sa buong klase dahil walang nagsasalita hanggang sa tumunog ulit ‘yong cellphone. Bigla tuloy akong natigilan ng biglang tumingin sa akin ang lahat. Sana mali ang nasa isip ko. Habang nakatingin silang lahat sa akin ay dahan-dahan kong tinignan ang cellphone ko sa bag para i-check kung sa akin nga ‘yon, confident naman ako na hindi dahil laging naka-silent ang cellphone ko. Pero parang gumuho ang mundo ko ng makumpirma ko na sa akin nga nanggaling ang ingay na ‘yon. Dahan-dahan tuloy akong napatingin kay Miss, habang mahigpit na hawak ang bag ko. Handa na sana akong magpaliwanag ng bigla siyang magsalita. “Ms. Carter,” hindi ko alam pero automatic akong napatayo nang tawagin niya ang pangalan ko. “Sa’yo ba ‘yong—“ Bigla namang naputol ang sasabihin niya ng sa ikatlong pagkakataon ay muling tumunog ang cellphone ko. Napapikit na lang ako dahil sa nangyari. Nakakahiya. “Step out of my class. Now!” inis na sigaw niya kaya naman dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. “Sorry po, Miss,” I said bago tuluyang lumabas ng klase. At dahil sa kahihiyan ay dali-dali akong pumunta sa tambayan namin ni Abigail, sa mini-garden. Ilang minuto na lang ay matatapos na rin naman na ang klase kaya rito ko na lang siya hihintayin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD