Chapter 12

1718 Words
'A father is someone you look up to, no matter how tall you grow.’ -Scarlett’s POV- “Grabe! Sumakit ‘yong tiyan ko dahil sa dami ng kinain ko,” pauwi na kami ngayon pero naisipan ko na maglakad na lang dahil hindi naman gano’n kalayuan ‘yong apartment ko sa mall. Sumakit talaga ‘yong tiyan ko dahil sa dami ng nakain ko kanina. May natira pa nga akong burger at fries kaya naman pinabalot ko na lang dahil hindi ko na talaga mauubos. Para na rin ‘yon na lang ang kakainin ko mamaya dahil busog pa naman ako. Mabuti na lang din at pumayag maglakad ‘tong kasama ko dahil kailangan kong magpababa ng kinain. Hindi naman mainit at makulimlim lang, malamig din ang simoy ng hangin kaya naman masarap maglakad-lakad. “Do you have any realizations in the movie?” tanong niya na bumasag sa katahimikan. Bigla tuloy akong napaisip sa tanong niya. Actually, marami ako na-realize kanina. Napakaganda naman kasi no’ng palabas at marami ka talagang matututunan. “Yeah, first is you need to think outside the box,” sagot ko sa kanya. “Yes. The way Hiro needed to think large, think fast, and come up with a single brilliant plan to catch the criminal. He had to be inventive, and his ability to think outside the box allowed him to assemble an attractive superhero squad.” Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. And other is you need to show compassion and believe in yourself. Just like how the little boy in the movie faces several challenges and frustrations, but he never gives up, because he motivated himself for him to join the robotics department. He felt confident in himself and in what he had built. That is why he made it. Kaya naman napabilib ako sa kanya. Kasi kung sinukuan niya ‘yong problema na ‘yon ay posibleng hindi niya natapos ‘yong gawa niya. Ibig sabihin ay hindi rin siya makakasali sa robotics department. That’s why you need to believe in yourself too, Scarlett. “May iba ka pa bang gustong gawin? Medyo maaga pa naman,” I said just to break the ice. Ang tahimik na kasi ulit. Saka sayang naman kasi ‘yong araw kung hindi ko masusulit, nag-day-off pa naman ako para lang matupad ‘yong kahilingan niya. “Teka, hindi mo pa pala nababanggit sa akin ‘yong pangalan mo,” naalala ko lang dahil hindi ko siya matawag. Ang awkward naman kasi kung puro matanda ang itatawag ko sa kanya, eh hindi pa naman siya gano’n katanda talaga. Tingin ko nga ay nasa mid-30s pa lang siya. “Julian. My name is Julian,” sagot niya. “Okay, Mr. Julian na lang ang itatawag ko sa inyo para hindi naman masyadong bastos pakinggan,” nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero medyo naging komportable na rin naman na ako sa kanya, sa kanilang tatlo, kahit na minsan ay natatakot pa rin ako sa kanila, wala naman silang ginagawang masama sa akin kaya walang problema. Bigla ko tulyo naisip na tulungan siyang makita ‘yong anak niya. Kaya lang ay naalala ko na wala rin pala akong oras dahil sa susunod na linggo ay may klase na ulit ako sa umaga at may trabaho sa gabi. Pero kung may oras ay pwede ko namang isabay. Hindi naman masama kung susubukan ko. Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit parang ang komportable at ang gaan ng loob ko sa kanila gayong hindi ko naman sila kilala. Siguro ay dahil nangungulila rin ako sa mga kasama. Kanila auntie Amanda kasi ay naririnig ko ang boses niya kapag nagse-sermon siya kay Aaron o kay Amber kaya naman ramdam mo na may kasama ka. Hindi katulad ngayon na mag-isa lang ako. Walang sasalubong sa akin paguwi, walang magyayayang kumain, walang magagalit kapag ginabi ako ng uwi. Kaya naman ayos na rin na kapag uuwi ako ay naabutan ko sila sa sala na nanonood. Wala naman silang ibang ginagawa sa bahay. Kapag pumapasok ako sa trabaho, hindi ko alam kung saan sila pumupunta dahil minsan ay hindi ko sila nakikita kapag umuuwi ako. Pero tingin ko ay binibisita rin nila ‘yong pamilya nila kapag wala ako. Pwede naman kasi nila akong kausapin kung gusto nilang puntahan o bisitahin ‘yong mga kamag-anak nila. Nabanggit ko na rin ‘yon sa kanila no’ng nakaraan pero ayaw naman nila. Baka ayaw din nilang ipaalam sa pamilya nila na hindi pa sila nakakatawid sa kabilang mundo. Kasi kung ako rin ang nasa kalagayan nila ay malulungkot ako ng sobra, knowing na hindi pa rin nakakaalis ‘yong magulang mo dahil binabantayan ka nila. “Ano ang iniisip mo? Mind to share?” muling basag niya sa katahimikan. “Iniisip ko lang kung anong pakiramdam ng may kapamilya. ‘Yong may nanay, may tatay, may mga kapatid,” sagot ko sa kanya. Isa pa ‘to, bukod sa ang gaan ng loob ko sa kanila ay napakadali lang para sa kanila na tanungin ako kung ano bang iniisip ko at nararamdaman ko. Kapag may ibang tao na nagtatanong sa akin nang gano’n ay lagi ko lang sinasabi na ayos lang ako. Pero sa kanila, ang dali-dali ko lang magsabi. Ewan ko ba. “Gusto mo bang mag-kwento tungkol sa buhay mo?” Bigla tuloy akong nag-dalawang isip kung magk-kwento ba ako sa kanya o hindi. Pero sa huli ay nagsabi pa rin ako. Wala naman kasing mawawala sa akin, hindi naman nila mak-kwento ‘yon sa iba dahil wala namang ibang nakakakita sa kanila bukod sa akin. “Bata pa lang ako, ulila na ako. Kinupkop ako ng tita ko, matapos mamatay ng buong pamilya ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kasi wala akong maalala. Simula pagkabata ako hanggang sa mangyari ‘yong sunog, wala akong maalala, kahit isa.” “’Y-yong mga magulang mo, natatandaan mo pa ba sila?” “Hindi na,” sagot ko habang umiiling. “Hindi ko matandaan ‘yong itsura nila, ‘yong mga alaala kasama sila. Pero alam mo ba, kapangalan mo ‘yong papa ko. Julian din ang pangalan niya.” Ang tanging natatandaan ko lang sa mga magulang ko ay ang pangalan nila. Pati na rin kung anong klaseng tao sila base sa kwento ni uncle. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang inaalala ko ‘yong mga nabanggit sa akin ni uncle. “Sabi ng tito ko, sobrang bait na tao raw ng papa ko. Isa siyang CEO sa kumpanya na naitayo nila ni mama, pero hindi ko nga lang naitanong kung buhay pa ba ‘yon kumpanya na ‘yon,” natatawang patuloy ko. “Masyado pa kasi akong bata ng mga oras na ‘yon kaya naman wala akong masyadong alam sa mga bagay-bagay.” Nanatili naman siyang nakikinig kaya nagpatuloy lang ako sa pag-kwento. “Kahit na mataas ang posisyon niya ay hindi niya inaabuso ang mga empleyado niya kaya naman paborito siya ng lahat. Sabi pa nga ni tito ay masyadong mabait si papa dahil kahit sinong humingi ng pabor sa kanya ay pinagbibigyan niya. Kaya naman marami raw ‘yong dumalo sa burol niya.” “’Yong mama mo naman? Natatandaan mo ba siya?” Muli ay umiling ako bilang sagot. “Hindi rin. Pero sabi ulit ni tito,” at natawa na naman ako dahil lagi kong nababanggit si uncle, baka mamaya ay nagsusugat na ang dila niya. “Maganda raw ‘yong mama ko,” proud na sabi ko. Kahit hindi ko pa nakikita ang itsura niya alam ko na maganda siya, sa kanya kaya ako nagmana. “Parehas sila ni papa, matulungin sa mga tao. Isang attorney daw si mama, at katulad nga kay papa, kapag may nangangailangan ng tulong niya ay hindi siya nagda-dalawang isip na tumulong hangga’t kaya niya. Baka nga raw hindi sila tanggapin sa langit dahil nasobrahan sila sa bait pero hindi ako naniniwala.” Tumigil sandali sa pagsasalita upang tumingin sa langit. “Kasi alam ko na nand’yan sila sa taas. Binabantayan at ginagabayan ako kaya naman nakakaya kong mag-isa. Kahit na mahirap. Ikaw naman, pwede ka bang mag-kwento tungkol sa anak mo?” Pag-iiba ko ng usapan. Nararamdaman ko na kasi na malapit na akong umiyak kaya naman kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko. “Si Avery,” panimula niya na para bang inaalala ang anak niya. Ang lakas naman maka-sosyal ng pangalan, Avery. Pero naalala ko may Avery din pala ako sa pangalan ko kasi Scarlett Avery, edi sosyal din pala ako. Okay, nalalayo ka na sa topic, Scarlett. “Napakabait na bata. Kahit na hindi ko naiparamdam kung gaano ko siya kamahal, masaya ako na lumaki siyang matatag. Nalulungkot akong makita siyang nahihirapn, pero dahil alam ko na malakas siya at kakayanin niya ‘yon ay nagiging panatag ang loob ko.” “Kung sakali man na magkita ulit kayong dalawa, may gusto ka bang sabihin sa kanya?” “Kung gano’n, pwede bang sayo ko sabihin?” “Huh?” nagtatakang tanong ko. “Naaalala ko kasi sayo ang anak ko. Kaya kung ayos lang, pwede bang sayo ko sabihin ‘yong gusto kong sabihin sa kanya?” Imbes na sumagot ay tumango na lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko, kaya pinagbigyan ko na lang siya. “Avery, my love, I’m glad that you grew up as a strong and independent woman. I’m so proud of you.” Maikli lang. Simple lang. ‘Yon lang ang sinabi niya pero tagos na tagos sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalugkot at natuwa at the same time, eh ginawa niya lang naman akong proxy. So ibig sabihin ay hindi para sa akin ‘yong mensahe na ‘yon. Pero ganito pala ‘yong pakiramdam. Nakakagaan ng puso. Ang sarap pakinggan na may taong proud sayo. Sa kung anong narating mo sa buhay mo. “Tara na, bilisan na nating umuwi, baka abutin pa tayo ng ulan,” pag-iiba ko ng usapan nang mapansin ko na medyo dumidilim na. Parang gusto pang sumabay ng langit sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako pero hindi naman ako malungkot. Mukhang ito na ‘yong tears of joy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD