Chapter 18

1863 Words
** Trigger Warning!!! This chapter contains scenes of violence, s*icide, ab*rtion, and r*pe, which may be upsetting to readers who have experienced. If not comfortable with this kind of scenes, please proceed to the next chapter. ----- ‘If you look at what you have in life, you'll always have more. If you look at what you don't have in life, you'll never have enough.’ – Oprah Winfrey -Scarlett’s POV- At dahil linggo ngayong araw ay maaga akong nagising para maghanda. Hindi ko pa nasasabi kina Eleanor na ngayong araw namin gagawin ‘yong mga kahilingan nila kaya naman sobrang excited ako. Excited kasi matutupad ko na rin ang kahilingan niya at ni Jackson, ‘yong bata. At excited ulit dahil kapag natapos ang araw na ‘to, paniguradong hindi ko na sila makikita pa ulit. Ibig sabihin ay babalik na ulit sa normal ang buhay ko! Kaya naman hindi ko maiwasang ngumiti habang naghahanda. Pero lahat ng ‘yon ay biglang naglaho na parang bula. Dahil ‘yong kasiyahan na naramdaman ko kanina ay napalitan ng kaba at takot. Naalala ko tuloy ‘yong nangyaring pag-uusap namin ni Manang kanina. “Manang, kumusta po, napatawag kayo,” masayang bati ko sa kanya dahil nga good mood ako ngayong araw. “S-scarlett, anak,” bigla naman akong kinabahan sa boses niya pero hindi ko na magsalita pa ulit siya. “May oras ka ba? Please, pumunta ka muna rito. Tulungan mo kami, nagkakagulo rito sa bahay.” “Ano pong nangyari?” “Si Amber, nagtangkang magpakamatay,” at tuluyan na ngang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang may naka-karerahan sa loob, sobrang bilis, hindi na rin ako makapag-isip ng maayos, mabuti na lang at muling nagsalita si Manang. “Anak, pumunta ka rito.” “Papunta na po ako r’yan Manang, pakalmahin niyo po si Amber,” sagot ko at saka ibinaba na ang tawag. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa mga kasama kong multo at dali-dali na akong lumabas. Mabuti na lang at nakapaghanda na rin ako kaya naman makakapunta ako kaagad. Pagdating sa sakayan ay papuno na ang jeep kaya naman nagpumilit na akong sumingit para lang makaalis na kaagad. Mabuti na lang at mukhang suma-sang-ayon sa akin ang tadhana dahil kaskasero pa ang driver ng nasakyan ko jeep. At kahit na nauuntog na ako ay bahala na, basta makarating lang kina Auntie Amanda. Nanginginig na ang kamay ko kaya naman pinilit ko na lang hawakan ng mahigpit ang bag ko. Nang makarating sa babaan ay kailangan ko pang maghintay ng jeep dahil dalawang sakay papunta kina Auntie. Sobrang natataranta na ako kaya naman hindi ko na napigilan pa at ilang beses ko nang pinagkukurot ang kamay ko. Kilala ko si Amber, alam ko na kapag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Kaya naman grabe ang kaba ko ngayon. Sana lang ay mapanatili nilang kalmado si Amber. Nag-aalala rin ako kay Auntie dahil may sakit siya sa puso, kaya hindi pwede sa kanya ang ma-stress ng gano’n. Sana lang ay nasa bahay si Aaron para may nagbabantay sa kanila. Kainis! Bakit wala pa ring jeep. Kanina pa ako napapasabunot sa sarili ko dahil ilang minuto na akong naghihintay ay wala pa ring dumadating na jeep. Kaunti lang din naman kasi talaga ako pasahero kapag linggo kaya mas kaunting jeep ang buma-byahe. Maya-maya lang ay may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko. Akala ko ay dadaan lang kaya gumilid ako pero hindi pa rin ito umaalis kaya naman napatingin na ako sa driver. At do’n ko lang napansin na si Mark pala ang driver ng sasakyan. “Napansin ko na nagmamadali ka. Wanna ride?” pag-aalok niya. Handa na sana akong tumanggi ng biglang tumawag si Manang. “Scarlett, anak nasaan ka na? Nahimatay ang tita Amanda mo—“ hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Manang dahil kaagad na akong humarap sa kausap ko. “Yeah, pwede bang makisabay?” kapal mukhang tanong ko sa kanya. Hindi naman na siya tumanggi dahil siya rin ang naunang mag-alok kaya naman sumakay na kaagad ako. Kaagad ko namang binigay sa kanya ang address kaya naman nag-maneho na kaagad siya. Mabuti na lang din at hindi ko pa nabababa ang tawag. “Manang, please pakalmahin niyo muna si Amber, malapit na po ako.” “Sige, mag-iingat ka,” paalam niya. “Panginoon, ano bang nangyayari rito,” narinig ko pang sabi niya bago tuluyang naputol ang tawag. “Here,” kaagad naman akong napatingin sa tissue na inaabot niya. “You bit your lip.” Mabilis ko naman itong kinuha at ipinunas sa labi ko. Nang tignan ko ang tissue ay do’n ko lang napansin na may dugo nga. Mukhang napalakas ang pagkagat ko sa labi ko kaya nagdugo. “Pwede bang pakibilisan?” Hindi naman na siya nagsalita pa pero ramdam ko na binilisan niya pa ang pagmamaneho. Kaya naman ilang minuto lang din ay nakarating kaagad kami sa bahay ni Auntie. “Thank you! Pasensya na sa abala,” wika ko bago bumaba ng sasakyan. “I’ll wait for you,” may pahabol pa siyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil nasara ko na kaagad ang pintuan. Saka na lang siguro ulit ako magpapasalamat sa kanya kapag nagkita ulit kami. “Manang!” sigaw ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay. Naabutan ko naman na magulo ang sala at ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang sigawan mula sa taas. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na nagtungo sa second floor upang tignan kung anong nangyayari. Do’n ay naabutan ko sina Aaron na inaawat si Amber habang pinapakalma naman ni Manang si Auntie. “Auntie, ano pong nangyayari rito?” tanong ko ng makalapit ako sa kanya. “Scarlett,” umiiyak na wika niya habang nakahawak sa puso niya. “Ang anak ko…” at patuloy siyang umiyak. At dahil kasama naman niya si Manang ay iniwan ko muna sila para puntahan si Amber. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko ang g**o-gulong ayos ng mga gamit na para bang pinasok ng magnanakaw. Basag-basag na rin ang ibang gamit. At do’n sa dulo ay nakita ko si Amber na may hawak na blade. Habang si Aaron at Aika naman ay ilang metro ang layo sa kanya. “’Wag kang lalapit. Kuya! ‘Wag kang lalapit, kung hindi itutusok ko ‘to,” pagbabanta niya ng mapansin na papalit sa pwesto niya ang kapatid. “Amber, calm down, please. Let’s talk. Ibaba mo ‘yang hawak mo,” pakiusap niya sa kapatid pero parang walang naririnig si Amber dahil paulit-ulit lang siyang umiiling. Mukhang hindi naman nila napansin ang pagdating ko kaya dahan-dahan akong lumapit do’n sa maliit na bagay na napansin ko. matapos ko itong kuhain ay kaagad kong tinago sa bulsa ko para walang makapansin. Mukhang alam ko na kung bakit nagkaka-ganito si Amber. “Aaron, Aika,” tawag ko sa kanila kaya naman kaagad silang napalingon sa akin. “Ako na ang bahalang makipag-usap sa kanya.” Mukhang hindi naman sila kumbinsido sa sinabi ko kaya naman muli akong nagsalita. “Please, ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Pangako, walang mawawala. Walang mamamatay.” At mukhang nakumbinsi ko naman siya, kaya kahit na ayaw niyang umalis ay lumabas na sila ni Aika kaya naman kaagad kogn sinara ang pinto pagkalabas na pagkalabas nila. Mukha namang naguguluhan si Amber sa ikinikilos ko pero nanatili pa rin siyang alerto. “At sino ka naman sa tingin mo? Huh? Tingin mo ba ay mapipigilan mo ako sa balak kong gawin?” galit na wika niya. Umiling naman ako sa kanya bago nagsalita. “Hindi. Hindi naman kita pipigilan.” “Ano? Nababaliw ka na ba talaga?” “No. Ikaw ang nababaliw na Amber. Sabi mo ay magpapakamatay ka hindi ba? Bakit hindi mo pa gawin?” paghahamon ko sa kanya. Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko. Akala niya siguro ay pipigilan ko siya sa balak niya. Gusto niyang magpakamatay kaya hahayaan ko siya, buhay naman niya ‘yan. “Nababaliw ka na talaga,” hindi makapaniwalang wika niya. “Tingin mo ba gusto kong magpakamatay? Tingin mo ba ginusto ko ang nangyari?” At dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari ay nanatili lang akong kalmado habang nakikinig sa kanya kahit na sa loob-loob ko ay sobrang kinakabahan na ako. pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay lalaslasan niya talaga ang sarili niya. “Kaya nga. Kaya nga sinasabi ko sa’yo na gawin mo kung ano ang gusto mo. Gusto mong magpakamatay hindi ba? Sige na at gawin mo, walang makapipigil sa’yo,” paghahamon ko pa sa kanya. At mukhang effective naman ang ginawa ko dahil buong lakas siyang sumigaw at saka binato ang blade na hawak niya. Mabuti na lang at hindi ako natamaan kaya mabilis ko ‘tong kinuha at binalot sa makapal na tela. Matapos kong maitabi ang tela na may blade ay kaagad akong lumapit kay Amber. Ngayon ay walang tigil na siya sa pag-iyak kaya naman hindi na ako nag-dalawang isip pa at kaagad na yumakap. Mabuti na lang at gumana ang ginawa kong ‘reverse psychology’. No’ng una ay kinakabahan ako dahil baka gawin niya talaga pero mabuti na lang at hindi niya itinuloy. Kung hindi ay araw-araw akong mako-konsensya kung mangyari man na masama sa kanilang dalawa. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya naman patuloy ko lang siyang inaalo. Hindi ko man alam ang buong kwento pero alam ko na mahirap ang pinagdadaanan niya, lalo na at pumasok pa sa isip niya na gawin ang ganitong bagay. “Handa akong makinig. Hindi kita huhusgahan,” malumanay na sabi ko habang patuloy pa rin siyang inaalo. Ilang segundo lang din ay naging mahinahon na ang pag-iyak niya kaya naman dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap at inabot ang kamay niya. Kaagad kong kinuha ang pinakamalapit na tela upang ipambalot dito. May sugat kasi ang mga kamay niya dahil sa pagkakahawak niya sa blade. Mabuti na lang at mukhang hindi malalim kaya naman hindi gano’ng nagdudugo. Matapos balutin ang mga kamay niya ay marahan kong hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Dati ay sanay ako na makitang nakaayos at naka-makeup siya, malayong-malayo sa lagay niya ngayon. “Handa akong makinig. Tayong dalawa lang ang nandito, walang manghuhusga sa’yo,” pag-uulit ko sa kanya. Kahit na magkasama na kami simula pagkabata pa lang ay hindi kami naging close. Ayaw niya kasi sa akin kaya naman kapag nandito siya sa bahay ay ginagawa ko ang makakaya ko para hindi kami magkatagpo. Noon pa lang ay gusto ko ng malaman kung bakit sobrang init ng dugo niya sa akin, gayong wala naman akong ginagawa. Kaya naman ngayon, ito ang unang beses na naging malapit kami sa isa’t isa. At dahil hindi niya magawang magsalita ay inilabas ko ang bagay na kinuha ko kanina. At nang makita niya ito ay tuluyan siyang napahagulgol ng iyak. “S-scarlett,” panimula niya kaya hinintay ko na magpatuloy siya sa pagsasalita. “I… I w-was… I was r-raped.” At tuluyan na ngang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD