‘You will face many defeats in life, but never let yourself be defeated.’ – Maya Angelou -Scarlett’s POV- Maaga akong nagising ngayon para maghanda. Nabanggit ko kasi kay Jackson kahapon ang plano ko na pagpunta sa Tagaytay para sa trabaho kaya naman nagbago na lang siya ng kahilingan. Mabuti na lang at naiintindihan niya ang kalagayan ko kaya naman ng sinabi niya na gusto niyang pumunta sa mall para mamasyal ay hindi na ako tumanggi pa. At dahil bukas na rin ang alis namin ni Ralph papuntang Tagaytay ay pinayagan niya muna akong mag-day-off. Matapos kong mag-almusal ay nagpaalam na ako kay Manang na aalis na muna ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kaya naman nakaalis kaagad ako. Pagdating sa mall ay hindi gano’n kadagsa ang mga tao dahil weekdays pa lang naman. “Anong g

