Chapter 10

1616 Words
‘The spiritual journey is the unlearning of fear and the acceptance of love.’ – Marianne Williamson -Scarlett’s POV- Kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na manonood ako ng soccer game o kahit anong laro na wala naman akong alam. Ilang beses na akong napagsabihan ng kapitbahay dahil masyado raw akong maingay. Paano ba naman kasi, sa tuwing sinusubukan ipunta sa goal nga mga player ‘yong bola ay napapasigaw ako. Unconsciously, ginagawa ko na rin pala ‘yong mga bagay na ginagawa nila. Hindi man sila sumasapi sa akin, pero ‘yong reaksyon at galaw nila ay nakukuha ko. Kagaya na lang ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa sports channel at kasalukuyang nanonood ng soccer kahit na never pa akong nakapanood nito at wala akong alam. Kahit na ilang ulit kong sabihin sa sarili ko na huwag pumalakpak at sumigaw ay ginagawa ko pa rin kung ano ang ginagawa nitong matandang lalaki. Kaya naman ilang beses na akong napagsabihan ni Aling Pasing. Bukod pa ro’n ay ilang beses din akong napagalitan ng librarian dahil sa tuwing may nababasa akong hindi ko nagustuhan sa libro ay naiinis ako sa puntong naibabagsak ko ang libro sa mesa na gumagawa ng ingay at nakaka-istorbo sa ibang nag-aaral. Kasalanan ‘to no’ng bata ‘yon! Hindi naman ako mahilig magbasa ng History book at kapag nagbabasa naman ako ay hindi ako gano’n kaingay. Kaya ngayon ay pinalabas ako sa library, mabuti na lang at hindi ako pina-ban. At ang pinaka-nakakahiyang nangyari ay no’ng nagpatawag ng meeting si Aling Pasing sa lahat ng tenant ay puro pakikipag-kwentuhan lang ang ginawa ko. Wala tuloy kaming natapos na agenda dahil lagi akong sumisingit kapag nagsasalita si Aling Pasing. Hindi ko alam na may kadaldalan pala ‘yong babaeng multo. ----- Hindi na tama ‘to. Kailangan ko nang kumilos. Kung patuloy na magiging ganito ang ayos ng buhay ko ay paniguradong sa mental hospital ang bagsak ko. Sumosobra na sila. Hindi lang pag-aaral at trabaho ko ang naaapektuhan, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung paanong nangyari na bigla nilang nagamit ang katawan ko kahit na hindi naman nila ako sinasapian. Habang naglalakad papuntang sala ay ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Kapag nagta-trabaho naman ako ay hindi ako napapagod ng ganito. Ngayon lang na may iba na ring gumagamit ng katawan ko. “Ano bang kailangan niyo sa akin?” inis na tanong ko sa kanila ng maabutan ko ang tatlo na nanonood sa sala. “Hindi naman ako ganito. Hindi ako nagiging abala sa mga taong nakapaligid sa akin. Alam niyo ba kung gaano ka-importante ang bagay na ‘yon?” At dahil hindi nila ako pinapansin ay mas lalo lang akong naiinis sa kanila pati na rin sa sarili ko dahil hinayaan ko na gamitin ako ng mga nilalang na ‘to. “Bakit sa akin niyo ‘to ginagawa? Wala ba kayong ibang tao na magugulo? ‘Yong kamag-anak niyo. Tingin niyo ba ay nakakatuwa ‘tong mga ginagawa niyo? Bakit sa lahat ng tao ako pa!” galit na sigaw ko sa kanila. Lahat naman sila ay natigilan sa panonood at kaagad na tumingin sa akin. Galit na galit ako. Hindi ko na nagugustuhan ‘tong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay lalong nasisira ang buhay ko dahil sa kanila. Kaya naman imbes na magalit pa ay nagpasya na lang ako na umalis. Sana lang talaga ay hindi na sila sumunod  sa akin dahil hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa kanila. ----- Habang naglalakad ay hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sa may simbahan. Pero imbes na dumiretso sa loob ay pumunta ako sa tent na nakatayo sa may gilid. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko ‘yong matandang babae na nakausap ko dati na para bang inaasahan niya ang pagdating ko. “Alam mo ba ‘yong pakiramdam na bigla kang nilalamig ng walang dahilan kahit na mainit at tirik naman ang araw?” kaagad na tanong niya pagpasok na pagpasok ko pa lang. Imbes na magsalita ay umiling na lang ako sa kanya. “That is because the temperature goes down if the spirits is angry. That means some angry spirits are passing by.” “Wala na akong pakialam kung galit sila o ano. Ang gusto ko lang mangyari ay ang mapaalis sila at tuluyan na silang mawala sa buhay ko. Gusto ko na ulit mabuhay ng normal kapag nawala sila. Gusto kong malaman kung ako ang kailangan kong gawin para mapaalis sila.” “Sila rin ang makakasagot sa tanong mo. Hindi mo sila basta-basta mapapaalis dahil lang sa gusto mong mawala sila. Kailangan mo silang kausapin, kumbinsihin,” she said. Kahit na tagalog ang sinabi niya ay para bang hindi ko ito naintindihan kaya naman lalo lang nangunot ang noo ko. “Ano hong ibig niyong sabihin?” “Kung anong kailangan nila, ibigay mo. Kung anong kahilingan nila, ibigay mo. ‘Yon lang ang naiisip ko na tanging paraan para payapa ka nilang lubayan.” “Kung gano’n ay aalis lang sila kapag nagawa nila ‘yong mga kailangan nilang gawin? Tama ba?” at tumango naman ito. ----- Hindi ko alam kung saan ako nagkamali o kung may naging kasalanan ba ako para maparusahan ako ng ganito. Ngayong nakapag-isip-isip na ako, tingin ko ay kailangan ko ngang sundin ‘yong sinabi ng matanda. Kaya nga baka hindi sila makaalis ay dahil may hindi pa sila nagagawa. At dahil ako ang nakita nilang tao na pwedeng makatulong sa kanila ay hindi sila lumalayo sa akin kahit na anong iwas ko. Never pumasok sa isip ko na makikipag-usap ako sa mga multo para lang bumalik sa normal ang buhay ko. Pagkauwi ko galing sa simbahan ay naabutan ko ulit ang tatlo na nanonood sa sala. Kung titignan ay para lang silang normal na tao. Actually, para nga silang isang masayang pamilya kung titignan. At para matapos na ‘tong lahat ay inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayro’n ako para kausapin sila. “Pwede ko ba kayong makausap? Pwede bang pakinggan niyo ang sasabihin ko?” pakiusap ko sa kanila. Mukhang effective naman dahil napunta na sa akin ang atensyon nila. Hindi ko kailanman naisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, ang makikiusap sa mga multo. “Estudyante lang ako. Hindi ako gano’n kalakas dahil lagi akong puyat dahil sa pagta-trabaho. Hindi kakayanin ng katawan ko na gawin ang lahat ng gusto niyong gawin, lalo na at tatlo pa kayo. Hindi madaling mabuhay para sa kagaya ko dahil mag-isa lang ako. Kailangan kong pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho para makaraos,” saglit akong huminto para bumuntong hininga. “Kaya naman, pwede bang umalis na kayo? Pwede bang lubayan niyo na ako?” pakiusap ko sa kanila. Pero mukhang wala lang sa kanila ang mga sinabi ko dahil muli silang bumalik sa panonood. Kahit na naiinis na ako sa inasta nila ay pilit ko pa ring kinalma ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung bakit nandito pa rin sila kaya naman kailangan kong maging mabait. “May dahilan kung bakit nandito pa rin kayo, tama ‘di ba? May mga gusto pa kayong gawin pero hindi niyo na nagawa, hindi ba? I mean, you want to do something before you can go, right? So, kung may gusto kayong gawin o kahilingan, sabihin niyo lang. Willing akong tulungan kayo.” At nang dahil sa sinabi ko ay tuluyan kong nakuha ang atensyon nila. “Lahat? Lahat ng gusto namin ay susundin mo?” tanong pa ng matandang lalaki. Kahit pa labag sa kalooban ko ay tumango na lang ako. Kung ito lang ang tanging paraan para umalis na sila at lubayan ako, gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa normal ang buhay ko. “Ako!” sigaw ng bata habang nakataas pa ang kamay nito. “Gusto kong maranasan ang kumain sa labas, ‘yong mag-picnic,” nakangiting wika nito. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Kung titignan, masyado pa siyang bata, palagay ko ay nasa edad labing dalawa o paatas siya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dahilan kung bakit sila namatay. Pero may mga napanood kasi ako na kapag may hindi pa sila nagagawa ay ibig sabihin ay pinatay sila o hindi kaya ay naaksidente. “Ako gusto kong manood sa sinehan. Gusto kong manood ng kahit anong pambatang palabas,” sagot naman ng matandang lalaki. Parang baliktad tuloy ang gusto nila. ‘Yong bata, gustong mag-picnic, habang ‘yong matanda naman gustong manood ng pambatang palabas. “Ikaw, anong gusto mong gawin?” tanong ko sa babaeng multo ng mapansin ko na tahimik lang siyang nakikinig. “Gusto kong magluto,” simpleng sagot niya. Ngayong napakinggan ko na ang mga gusto nilang gawin ay napansin ko na madadali lang naman pala ang kahilingan nila. Kaya naman para matapos na ang lahat ng ‘to ay sinimulan ko na ang pagpa-plano kung paano ang gagawin ko sa mga kahilingan nila. Kailangan kong ayusin ito at dapat na matapos din kaagad sa lalong madaling panahon. Para mas mabilis din bumalik sa normal ang buhay ko. Bigla tuloy akong napaisip, hindi ko pala alam ‘yong dahilan ng pagkamatay nila. Hindi ko natanong. Hindi ko rin naman kasi sila nakakausap ng matino. Pero ngayong nakausap ko sila tungkol sa kahilingan nila, hindi ko akalain na mababaw lang pala ang mga gusto nilang gawin. ‘Yong mga pwedeng gawin sa araw-araw. Nakakalungkot lang na isipin na kapag nagawa ko ‘yon ay ‘yon na rin ang huling beses na mae-enjoy nila ang gusto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD