Chapter 1:
"Kristine, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong mag- resign sa trabaho mo sa ngayon?" tanong ni Eva.
Matalik na kaibigan ni Kristine si Eva at kasalukuyang nagbabakasyon sa kanilang bayan dahil naka - leave ito sa trabaho sa Maynila.
Si Kristine naman ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang accountant sa isang malaking paaralan sa Legaspi City.
Malaki naman ang kanyang sahod at nakakaipon naman sya kahit papaano subalit naisipan niyang lisanin ang sariling lugar upang gamutin ang sarili mula sa mapait na karanasan sa pag - ibig.
"Bakit ka tulala?" tanong ni Eva kay Kristine.
"Sabi ko kung talaga bang magreresign ka ba talaga sa trabaho mo?" untag na tanong ni Eva.
" Ah, oo, bukas magpa -file na ako ng resignation letter sa opisina," tugon ni Kristine sa kaibigan habang nakatingin sa malayo.
Kahit malayo sa bawat isa ang magkaibigan ay madalas silang naguusap sa messenger at hindi lingid kay Eva ang nangyari sa kaibigan kaya nagmadali siyang umuwi sa Bikol para damayan ang namimighati niyang kaibigan na halos kapatid na niya kung ituring.
"Gusto mo doon ka na lang muna tumira sa Condo ko? Para magkasama tayo," saad pa ni Eva.
"Naku mabuti pa nga,Eva!" sabat naman ng ina ni Kristine.
"Para naman malibang yang batang 'yan," dagdag pa ni Aling Nancy.
"O, siya nakahanda na nga pala ang meryenda, tara merienda muna," panghihikayat pa ni Aling Nancy sa dalawa.
Siya namang dating ni Mang Francisco galing sa hacienda at marami itong mga bitbit na sariwang prutas, gulay at niyog.
Nagmano ang magkaibigan sa bagong dating at pumunta na sila sa kusina upang mag merienda.
"Kumusta po kayo, Tatay Kiko?" ang masayang wika ni Eva.
"Mabuti naman, anak," wika ni Ang kiko.
"Mabuti at nakauwi ka at napadalaw," dugtong pa nito.
"Naku, alam niyo naman po na kahit anong oras basta kailangan ako ni Kristine, darating ako, harangan man ako ng sibat!"
Masaya silang nagtawanan sa sagot ni Eva.
"Siya nga po pala, isasama ko na po si Kristine sa makalawa pagbalik ko na Maynila. Kapag maayos na niya ang resignation niya at naihanda na niya lahat mga kinakailangan niyang gamit at mga dokumento sa pag - apply ng bagong trabaho sa Maynila," pahayag ni Eva.
Makalipas ang ilang araw ay naging malungkot ang mga magulang ni Kristine dahil ito ang araw ng pag - alis ng kanilang anak.
"Anak, huwag na huwag mong kakalimutan andito lang kami ng tatay mo."
" Maghihintay kami sayo at sana ay maging matagumpay ka sa iyong hangarin," maluha - luhang saad ni Aling Nancy.
Niyakap ni Kristine ang kanyang ina at ama at umalis na kasama ni Eva.
……….
"Kailan ka ba titino sa babae ha?" galit na wika ni Clark Thompson kay Kyle.
"Dad, ito naman tayo, hayaan niyo lang ako, ang mahalaga hindi ko pinapabayaan ang obligasyon ko sa kumpanya natin," mahinahong sagot ni Kyle.
"Anong hayaan? Tumatanda ka na, kung sino - sino lang ang kasama mo!
"Bakit hindi ka pa mag - asawa?" dagdag pa nito.
"Huwag mong hintayin na ako ang maghanap ng mapapangasawa mo!" mariing turan pa ng ama ni Kyle.
"Sabi ko naman, Dad hayaan niyo lang ako!"
"Ayoko pang mag - asawa, mahirap ba intindihin 'yon!" sagot naman ni Kyle na naiirita na din sa patutunguhan ng usapan.
"Makaalis na nga at makapagpahangin," bubulong bulong na wika ni Kyle.
"Bibigyan kita ng isang taon, kapag natapos ang isang taon na wala ka pang mapapangasawa, ako na ang magbibigay sa'yo ng magiging asawa at hindi ka maaaring tumutol!" pahabol na sigaw ni Mr. Thompson.
"Bahala kayo, ewan ko sa inyo, basta ayoko pang mag - asawa," sagot nito sa ama sabay labas sa pinto ng mansion.
Pagkagaling sa bahay dumiretso siya sa kanyang opisina.
"Good morning, Sir," bati ng kanyang personal assistant na si Isabel na siya na ang nagsisilbi bilang secretary niya.
"Good Morning," wala sa loob na tugon niya.
"Pakipasok na lang sa opisina ko ang mga kailangan pirmahan at ikansela mo ang mga appointment ko sa ngayon," utos nito sa secretary.
"Ok po, Sir," tugon naman ni Isabel.
"At huwag kang magpapasok ng bisita sa opisina ko ngayon." dagdag pa nito.
"Noted po," matipid na sagot ng PI.
Hindi na siya nagtanong kung bakit dahil mukhang wala sa mood at iritable ang mukha ng kanyang boss.
Sa loob ng opisina, tinawagan ni Kyle ang kanyang matalik na kaibigan.
Nakailang dayal din siya bago siya sinagot ng kaibigan niya.
"Hello bro, aga naman ng tawag mo, may inaayos ako sa opisina kaya hindi agad kita nasagot," tugon ng nasa kabilang linya.
"Labas tayo mamaya Bro, dating gawi, sa bar," mabilis niyang tugon sa kaibigang si Joseph.
"Ang aga naman yata ng yaya mo Bro," natatawa na wika ni Joseph.
"Mukhang may problema ka ah." Natatawa nitong sagot kay Kyle.
"Bad trip kasi ang aga - aga ng sermon ni Dad," sagot niya rin sa kaibigan.
"Pinipilit na naman akong mag - asawa na kaya ito sira naman ang araw ko!" iritableng lahad niya sa kaibigan.
"Oo nga bakit ba ayaw mo pang mag - asawa, nasa sa'yo na ang lahat?" tanong anong din sa kanya ni Joseph.
"Huwag mong sabihin pati ikaw ay pipilitin akong mag - asawa!"
"Ano sasama ka mamaya o hindi, kung hindi pwede namang ako lang mag - isa," asar na tugon ni Kyle.
"Oo na, sige na sama ako mamaya pero mga alas otso na tayo pumunta."
"May aasikasuhin pa akong mahalagang bagay," sagot ni Joseph kay Kyle.
"Sige na cool ka lang wag mo masyadong dibdibin si Tito Clark, excited lang yon magkaroon ng apo," dugtong pa niya saka pinindot ang end call.
…….
Habang sakay ng bus papuntang Maynila ay hindi maiwasan ni Kristine na maalala ang nakaraan.
Flashback
Nagmamadali si Kristine na pumunta sa apartment ng kanyang kasintahan upang sorpresahin ito sa kaarawan ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana sa halip ay siya ang nasorpresa.
Kakatok na sana siya sa pinto ng mapansing niyang hindi ito nakalock kaya dahan dahan niya itong binuksan at pumasok siya sa loob.
Laking gulat niya ng makarinig siya ng mga ungol at halinghing.
"Ooohhh…..ganyan sige…. idiin mo pa," tinig iyon ng isang babae na nagmumula sa kwarto ni Luke, kasintahan ni Kristine.
"Ahh…..sarap mo, nakakabaliw ka," tinig ito na naman ni Luke ang narinig niya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya.
"Ohhh….. ahhh….. sige pa, 'yan ganyan nga, ooohhhh." muling sambit ng tinig ng babae.
Nag- uunahan na pumatak ang mga luha sa kanyang mata. Wala siyang lakas ng loob na komprontahin ang dalawa sa mga oras na iyon kaya dahan dahan na lamang niyang nilisan ang apartment ng kanyang kasintahan.
Halos nanlalabo na ang kanyang mata sa kaiiyak sa labas ng apartment bago niya naisipang umuwi ng bahay nila.
"Bakit magang - maga ang mata mata mo anak," tanong ng nagtataka niyang ina.
"Wala to 'Ma," tugon naman niya at diretsong pumasok sa kwarto.
"Bakit? Ano ba ang kasalanan ko para lokohin mo ako?" naghihinagpis na bulong niya sa sarili.
"Mahal na mahal naman kita. Bakit mo to nagawa sa akin?" Walang patid ang kanyang pagluha dahil sa nasaksihan.
"Anak, kumain ka na muna, hatinggabi na. Hindi ka pa kumakain," tawag ng kanyang ina habang kumakatok sa pinto.
"Wala akong gana 'Ma," maikli niyang sagot.
Dahan dahang pumasok ang kanyang ina sa kanyang silid.
"Anak, bakit ka nagkakaganyan?
"Meron ka bang problema?" tanong nito sa kanya.
Hindi na napigilan ang napahagulgol.
"Ma, bakit ganun? Bakit niya ako niloko?"
"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya, 'Ma?"
"Ano ba ang nagawa kong mali?" sunod sunod niyang tanong sa ina.
Hinaplos naman siya nang kanyang ina upang kahit paano maibsan ang kirot sa kanyang damdamin.
"Alam mo anak may mga pangyayaring minsan hindi natin inaasahan, masakit man sa kalooban, maaaring may dahilan bakit nangyayari ang mga ito," malumanay naman na pang - aalo ni Aling Nancy.
"Hoy bakit ka nakatulala jan, layo ng tingin wala namang tinatanaw," biro ni Eva sa kaibigang si Kristine.
"Ha, a… ehhh…," Tila nagising siya sa malungkot na alaala.
"Iniisip mo naman ang walang kwenta mong ex- jowa, hay naku hayaan mo na yon. Andaming magagandang lalaki sa Maynila," dagdag biro pa ni Eva.
"Ayoko na, Eva!"
"Ipinangako sa sarili ko na hindi na ako iibig pang muli," malungkot na saad ni Kristine.
"Kuh, 'wag ganyan besh, hindi naman pare - pareho ang mga lalaki, mayroon pa namang matino, Besh," panghihikayat ni Eva sa kaibigan.
"Makakatagpo ka rin na para talaga sa'yo," wika ni Eva.
"Huwag kang mawalan ng pag - asa."
"Sa ganda mo ba namang yan malamang maraming mabibighani sa iyo sa Maynila," dugtong pa ni Eva.
"Ay naku, Eva! Ikaw talaga kung ano - ano pinagsasabi mo jan!" nakangiting tugon niya kahit maluha - luha pa siya.
"Basta ayoko na talaga! Ayoko ng masaktan ulit," dagdag pa niya.
"Hay naku bahala ka, mapapanis ang beauty mo, ikaw din," napangingiting tugon ni ni Eva sa kanyang kaibigan.
"Ha ha ha, grabe ka naman ano yun kanin at mapapanis," nakangiti na ring tugon ni Kristine kay Eva.
"Yan ganyan nga, lalo kang gumaganda pag nakangiti ka, ampanget mo kasi pag lukot mukha mo para kang si Ursula, hihihihi," patuloy na biro ni Eva.
"Hihihi, sobra ka naman Ursula talaga," nakangiting sagot nito sa kaibigan.
"O, siya idlip muna tayo mahaba pa ang byahe natin," saad ni Eva kay Kristine.