Kausap niya ang doctor ngayon ni Ruth, kagaya ng ibinilin ni Jake sa kanya, tumalima na lamang siya. “Hindi ba padalos – dalos ang desisyon ni Mikaela?” Napatanong naman ng doctor noon. “Iyon ang desisyon ni Mikaela.” Iyon na lamang ang isinagot niya. Papaalis na rin siya at kailangan na niyang bumalik sa tahanan nila. Kagagaling lang niya sa part – time niya noong tumawag si Jake sa kanya, kaya naman dumiretso siya sa mansion nito, at doon nakita niya ulit si Mikaela. “Aalis na ako.”Pag – papaalam niya sa doctor. Tumango lang ito sa kanya. Tapos na ang pag – undercover niya, at gusto niyang ang iba pang kasamahan sa organisasyon na pinagkakatiwalaan niya, marami siyang alam na hindi pa niya pinaalam kay Jake, dahil alam niyang kapag nalaman ito, alam niya ang ugali ng katrabaho niy

