Nakauwi na rin silang Thalia sa kanila, isinama niya si Greg dahil gusto nitong sumama sa kanya. Tiningnan niya ang wall – clock sa kanilang tahanan na nakasabit. Mag -aalauna na pala. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi na sumama ang kanyang kapatid na si Jenny sa kanya, dahil walang maiiwan sa bahay noong umalis siya kanina. Antok na antok na rin ang bunso niyang kapatid, kaya pinauna na niya itong matulog, katabi ang isa pa niyang kapatid. Alam niyang may abilidad ang kanyang kapatid, dahil may tinitingnan ito noong nasa lamay sila, hindi rin ito mapakali, at hinayaan na lamang nito na makipag – usap kay Ericka. Pinakiramdaman niyang mabuti ang paligid noong nasa lamay siya, nakita niya kung saan naganap ang karumal – dumal na pagpatay kay Jasmin, sa harap mismo ng pintuan, bago ito m

