Tahimik na nakaupo si Ericka, nandito siya sa lamay ng kanyang kaibigan, tiningnan niya ang kabaong na kung saan nandoon ang katawan ni Jasmin, hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon ang sasapitin ng kanyang matalik na kaibigan. Akala niya, hindi na mapapahamak ito, pero, hindi pala, alam niyang konektado ito sa nangyari, pero, hindi pa rin nagsasabi si Jasmin kung ano ang nalalaman niya sa warehouse na kanilang nakita. Jasmin, bakit? Bakit hindi ka nagpapakita sa akin? Napatanong sa kanyang isipan, gusto niyang masilayan ang huling sandali ng kanyang kaibigan. Pero, bigo siya, bigo siya na makita niya ito kahit sa panaginip man lang. Pinoprotektahan mo ba ako, Jasmin? Huwag mo akong protektahan! Ibahagi mo sa akin ang nalalaman mo. Sabi sa kanyang isipan noon. Ka

