Mabilis ang pakpak ng balita, nabalitaan ni Felix ang pangyayaring may pinaslang na estudyante mismong sa harap ng bahay. Nagiging mainit na paksa na naman ito, dahil wala pang nakalap na impormasyon kung bakit pinaslang ang estudyante. Napapakamot na lamang siya sa kanyang ulo na nakikinig ng balita. Ano bang nangyayari sa lungsod na ito? Napatanong sa kanyang isipan na humihigop ng kanyang kape, dahil nag – aalmusal siya. May mga katanungan pa ring gumugulo sa kanyang isipan, lalong – lalo na ang pagpaslang sa kanyang magulang. Hindi pa niya masabi kung pinaslang o kaya nama’y naturang na kamatayan lamang ang ikinamatay nito. Hindi niya maikonekta ang pangyayari ngayon, dahil bata pa lamang sila ay namatay na ang kanyang magulang. Napapakunot – noo na lamang siya. Nakita niyang nap

