CHAPTER THREE: KAGUBATAN

2495 Words
Habang nakasakay na sila sa bus, tinitingnan ni Thalia ang paligid na dinadaanan nila. Inaaliw niya ang kanyang sarili sa nangyari kanina nilang Ruth. Binalingan niya ang kanyang katabi. Tahimik pa rin ito na wari’y nag – iisip. Konektado ba ito sa sinabi ni ate ngayon? Napatanong sa kanyang isipan. Isa pa sa inaalala ni Thalia ngayon ay ang kanyang kapatid na si Jenny, balisang – balisa ito noong umalis siya kanina. Hindi niya alam kong anong nangyayari sa kanyang kapatid. Kung ano – ano lang ang pinagsasabi nito bago siya umalis na wari’y lahat ng sasabihin ng kanyang kapatid ay parang nagbabala sa kung ano man ang mangyayari sa kanila. Hindi siya naniniwala na may psychic na abilidad ang isang tao, para sa kanya’y ito’y puro lang imahinasyon ng tao. Gawa – gawa sa malalawak na guni – guni ng isang tao na may abilidad itong makakita o kayang makita ang hinaharap. Hindi siya kaagad naniniwala sa ganoon. Pero, ano iyong nakita ko kanina? Guni – guni lang ba iyon? Guni – guni lang ba na lumulutang si Ruth kanina? Nagtaasan ang kanyang balahibo kapag naalala niya iyon. Kulang ba ang tulog ko kagabi, para ganoon ang makita ko? O kaya’y nagpapadala na naman ako sa kutob at takot ko? Napapatanong sa kanyang isipan. Sa mundong kanyang ginagalawan, walang multo, walang elemento, walang engkanto ang magpapaniwala sa panahon na ito. Tanging isang haka – haka lang ang basehan nito. Sa realidad ng buhay, mas nakakatakot ang mga taong iyong nakakaharap mo araw – araw. Napabuntong – hininga na lamang siya, ayaw niya talagang nakaririnig na hindi nakabase sa realidad ng buhay ng tao. Baka nga imahinasyon ko lang iyon. Kailangan mong umidlip sandali, Thalia. Napasabi niya’t ipinikit ang kanyang mga mata. Naririnig niya ang mahihinang usapan ng kanyang mga kaklase, tunog ng sasakyan at tunog na naghahalakhan at nagtatawanan na masayang nagkwekwentuhan habang pupunta sila sa kanilang destinasyon ngayon. Maya – maya pa ay biglang tumahimik ang paligid, kakaibang tahimik ang kanyang napansin, kaya naman idinilat niya ang kanyang mga mata. Nagulat na lamang siya na nasa masukal na siyang kagubatan. Nagtaka siya. Panaginip lang ito. Nasambit na lamang sa kanyang isipan noon. Naglalakad siya sa masukal na kagubatan noon, bigla na lamang siyang napunta sa mahabang daan na wari’y minsan lang dinadaanan ng sasakyan. Inilibot niya ang kanyang paningin. Para sa kanya pamilyar ang lugar. Maya maya pa’y may narinig siyang isang mahinang pag – iyak. Hinahanap niya ito, natunton niya ang may – ari ng isang boses na umiiyak. Nakita niya ang isang babaeng umiiyak, hindi niya maaninag ang mukha nito kaya naman napakunot ang kanyang noo para maaninagan niya ang pagmumukha ng babaeng umiiyak. Papalapit na sana siya nang may lumapit ng isang lalaki sa babaeng umiiyak. “Tumigil ka na sa pag – iyak mo, mahuhuli ka sa kaingayan mo.” Sabi ng isang lalaking nakasoot ng isang jacket na may hood, hindi pa rin niya aninag ang mukha nito. “Ang ate ko, ang ate ko. Tulungan mo ang ate ko.” Saad ng babaeng umiiyak, wari’y humihingi ito ng tulong sa lalaki. “Isa lang ang kayang iligtas ko. Pero…” napatigil ito sa pagsasalita noong may narinig silang kaloskos na nanggaling sa paligid. Agad niyang hinila nito ang babae at nagtago kaagad sa isang malaking butas noon. “Huwag kang maingay.” Mahina nitong sabi ng lalaking tinakpan ang bibig ng isang babae. Tanging tango lamang ang isinagot ng babaeng umiiyak kanina. Nakita ni Thalia na ang dalawang lalaking nakasoot ng kulay itim na jacket, kagaya sa nakita niyang lalaki na tumulong sa babaeng umiiyak. Nakita niyang may armado ang mga lalaki. Tila may hinahanap ito. “Saan kaya nagsusuot ang babaeng iyon? Kapag nakita ko iyon ipuputok ko itong baril sa utak niya.” Iyon ang narinig niyang sabi at naiinis ang boses nito. “Kumalma ka lang, hindi iyon makakauwi kaagad, dahil malayo ito sa bayan. Kung papalarin na makakalabas siya rito ng buhay.” Sagot naman nito sa kausap na minamasdan ang paligid. “Nasaan na ba ang lalaking iyon?” Takang tanong ng isang iritadong lalaki. “Dito ka lang, iligtas mo ang sarili mo.” Mahina nitong sabi. Nakita ni Thalia na lumabas ang lalaking kasama ng babae kanina, dahan – dahan itong umakyat para hindi siya mahalata nito. Bigla na lamang nag – iba ang kanyang nakikita. Nakita naman niya ang isang babaeng nakaupo at duguan ang katawan nito wari’y pinapahirapan. Nasa silid siya na walang ilaw ang nakakapasok, tanging ilaw lamang ng bulb ang nagbibigay liwanag sa paligid. Malinaw na niyang nakikita ang babae. Nakasoot ito ng isang uniporme, uniporme na kagaya ng soot niya. Nagulantang siya na siya na ang nakaupo sa isang upuan, nakagapos ang kanyang mga kamay, masakit ang kanyang katawan na parang nilalatayan ito ng isang latigo. Namimilipit siya sa sakit na gusto niyang maiyak, pero hindi siya makaiyak at makasigaw dahil nabusalan ang bibig niya ng maraming panyo. Naramdaman niyang may naglalakad, nakita niya ang lalaking matalim siyang tinitigan, marahas na hinila ang buhok niya. “Nasaan ang kakambal mo?” Tanong nito. “Nawawala rin ang kapatid mong sa labas at nakatakas naman ang isa mong kapatid. Magsalita ka!” Sabi nito “Talagang ayaw mong magsalita, ikaw ang mabubuhusan ng galit ko!” Sumalubong kay Thalia ang malakas na sampal na tila hindi niya naramdaman sa tanang buhay niya, tumulo ang mga luha niya. Gusto niyang sumigaw na wala siyang alam sa nangyayari. “Iisahin ko kayo! Hanggang mawala ang balakid sa mga plano ko! Papatayin ko kayong lahat!” Usal nito. Bigla siyang nagising na habol – habol ang kanyang paghinga, naramdaman niya ang sampal kaya hinipo niya ang kanyang pisngi. Tila nagising siya sa bangungot. Napansin niyang may nakatingin sa kanya. Kaya naman binalingan niya ito, nakatingin pala sa kanya si Ruth na walang imik. “Parang hindi maganda ang panaginip mo.” Napasabi naman ni Ruth sa kanya. Hindi siya sumagot at inayos ang pagkakaupo niya. Sinapo niya ang kanyang noo noon. Ano na naman ba iyon? Tanong sa kanyang sarili noon. Tiningnan niya ang paligid, nagkibit – balikat siya sa kanyang nakita, ang daang kanilang tinatahak ngayon ay nasa kanyang panaginip kanina. Ang ayos ng masukal na kagubatan, ang sementadong daan na minsan lang dinadaanan ng sasakyan, at kung saan nadaanan nila ang daan na kung saan nakita ang dalawang bangkay na magkakapatid. Natatandaan niya pa na narinig sa balitang bago ito patayin, ayon sa autopsy pinahirapan na muna ito dahil sa madaming latay nito sa katawan, hindi ito ginahasa, walang interes ang nagpadukot nitong gahasain, ang gusto lang nito ay patayin nang paulit – ulit. Nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan. Napabaling siya bigla nang may makita siyang dalawang babaeng nakatayo na tila tinitingnan ang bus na dumaan. Iyon ang nakikita niya sa kanyang panaginip na naramdaman niya, ang latay ng latigo, ang pagbusal nito ng panyo sa bibig pati na rin ang paghihirap nito ay naramdaman niya. Gusto tuloy niyang umuwi na lamang, pero nandito na sila at walang urungan kung ano man ang mangyari sa kanya sa camping. Napansin din niyang balisa si Ruth, dahil tila nakakunot ang noo nito na tinitingnan ang paligid. Nag – ingay na rin ang kanilang mga kaklase, halata nito ang eksaytment sa mga boses nito at kung paano pa ito nagtatawanan nang ganoon na lamang. Hindi na niya ito pinansin pa, masama ang kutob niya. Tila naramdaman niyang hindi na babalik sa dati ang buhay niya pagkatapos ng camp trip nila. Napansin niyang huminto na ang bus na kanilang sinasakyan ngayon. Dahil sa mga posibleng mangyari ay hindi niya napansin na nakaabot na pala sila sa kanilang paroroonan. Inihinto sila sa isang malawak na kagubatan noon, sa kanilang pagbaba, nakalatag na ang tent nila. Ang ibang seksyon naman ay kasama sila. Bago sila pumasok sa kani – kanilang tent ay nagbigay pa ng instruksyon ang kanilang guro. Ayon sa kanilang guro ay hahatiin sila at ilalagay sa ibang seksyon, para mas makilala pa nila ang kanilang mga kasamahan, kaya naman ang kasamahan niya sa tent ay ibang seksyon. Buti na lang ay hindi sila nagkakahiwalay ni Ruth, para rin mabantayan niya ang galawa ni Ruth, dahil inihabilin ito sa kanyang kapatid na si Jenny. Ewan ba niya, naniniwala kasi siya sa kanyang kapatid. Kilala niya ang kanyang kapatid na babae, hindi ito nagbibiro kapag ganoon mga pangyayari. Sila lang dalawang Ruth sa Pilot seksyon ang kasamahan naman nito ay iba ng seksyon. Puro babae naman kasi ang kasama nila sa tent. Subalit, kapag may activity sila may makakasama silang lalaki. Inihiwalay ang mga lalaki sa babae na tent. Para maiwasan ang mga aksidenteng hindi kaaya – aya. Alam na niya ang aksidenteng ipinapahiwatig ng kanilang guro. May patrol din ang guro na magaganap tuwing gabi. May mga rules din silang dapat sundin at mga rules na kapag nilabag nila may kaparusahang matatanggap ang bawat panig. Nag – aayos na sila ng gamit noon. Nagkakaroon pa sila ng ilangan sa kanilang kasamahan. Nilagyan ng isa ng wall clock sa taas ng tent. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanilang team. Narinig nila na may nagbuntong – hininga. “Ericka Xyre Fuente, section B, kasama ko Della Jasmin Cuerdo.” Pakilala naman ng isang kasamahan nito. “Kim Beverly Taño section C.” “Guia Christine Montero, section C.” “Thalia Janeth Blanco.” Pakilala niya sa kanyang sarili. “Ruth Dalia Dionson.” Rinig naman niyang sabi ni Ruth. “Nice to meet you.” Sabay pa nilang sabi noon. Pagkatapos nagsitahimik na naman sila na nag – aayos sa kanilang gamit. xxxxxxxxxxx Lumabas na muna sila ng tent,pagod ang utak ni Ruth ngayon, dahil sa maraming nangyari kanina hanggang ngayon, na tila`y hindi pa niya nasasagot ang mga katanungan. May narinig din siyang boses na sumalubong noong papasok sila sa kagubatan. Dumating ka na rin, kapatid. Iyon ang naulinagan niyang boses. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, sumasakit ang ulo niya ngayon. Ang dating excitement na naramdaman niya kaninang umaga, napalitan ng pag – aalala at haka – haka kung anong mangyayari ngayon sa tatlong araw. Gusto na niyang umuwi at magpahinga na lamang, pero, nandito siya ngayon, inilibot niya ang kanyang paningin. Magkalapit lang ang tent nila sa mga guro, at malayo – layo ang camp ng mga kalalakihan. Nadaanan nila ang daan kung saan napaslang ang dalawang magkakapatid noon, malayo – layo sa camp nila ang pinangyarihang pagpaslang sa magkakapatid. Naalala niya ang mga hitsura nito, ayon sa balitang kanyang narinig nang naging hot issue sa mga mata ng madla dahil din sa karumal – dumal na pangyayari. Inulan ito ng maraming bala na dulot ng pagkamatay nito. “Ruth!” Tawag sa kanya. Napalingon na lamang siya, nakita niya si Thalia na halatang naiinis sa kanya. “Kanina pa kita tinatawag, ayos ka lang?” tanong naman nito sa kanya. Kahit man, hindi palakibong tao si Thalia, mabait itong kaibigan sa kanya. “Pasensya na, magulo pa utak ko ngayon.” Napasabi na lamang niya at ngumiti na lamang. Tumango na lamang ito. “Ang sabi ng guro na magpahinga na muna raw tayo.” Sabi naman nito. Bumalik sila sa kanilang tent, nandoon din ang makakasama nila ng tatlong araw. May kanya – kanya silang higaan noon na siyang isinasaayos nila. Magkatabi silang Thalia na matulog mamaya. “Magkakaroon daw tayo mamayang gabi ng bon fire.” Iyon ang narinig niyang sabi kay Ericka. “Oh? Gusto ko mag – ghost hunting mamayang gabi. Ang sabi’y marami raw na ligaw ng kaluluwa rito. Saka, ayon sa naririnig ko marami raw na babaeng nawawala sa lugar na ito.” Sabi naman ni Kim na halatang makikita sa mga mata nito ang excitement. Nakita pa niyang napailing si Christine. “Mapapahamak ka niyan sa naiisip mo. Hindi natin alam ang pasikot – sikot sa lugar na ito no. Saka, nakapalibot pa sa atin ang kagubatan rito.” Iyon ang narinig niya kay Ericka na may tinitingnan sa phone nito. Nagtitigan na lamang sila ni Thalia, dahil tama rin naman ang sinabi ni Ericka. Mas mabuting sundin ang mga protocols na ibinigay ng guro sa kanila, dahil para rin naman iyon sa kanilang kapakanan bilang mga estudyante. Hindi na sila sumabat sa usapan ng kasamahan nila sa tent. Nakita pa niyang may kinukulikot din si Thalia sa phone nito. “Hindi ka ba nawawalan ng signal sa phone mo?” Tanong niya noong tumabi ito sa kanya. “Hindi naman, stable naman siya, nakapagtataka nga e.” Sabi pa nito. “Marahil siguro sa mga nakatayong mga tower doon, kaya hindi nawawalan ng signal dito.” Sabi pa ni Ericka. Kaya naman, napatango lang ito. “Matutulog na muna ako, gisingin mo lang ako kapag merong activity, Ta.” “Okay.” Napasabi naman at humiga na lamang siya. Dinalaw siya ng antok noon, kaya naman agad siyang nakatulog. Sweetie, gising. May tumapik sa pisngi niya noon. Hindi siya nagpa – istorbo noon, gusto niyang matulog dahil sa pagod niya. May narinig siyang mahinang tawanan, sa isipan niya baka nagkwentuhan lamang ang kasamahan niya sa tent. Sweetie, gising na. Mahina siyang niyogyog, at tinapik – tapik ang kanyang pisngi noon. Naramdaman niya ang mainit na palad na humahaplos sa pisngi niya. Kaya naman, naalimpungatan siya at kinusot – kusot ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang mga mukhang hindi niya kilala. May babaeng sinalubong siya ng ngiti. “Sweetie.” Tawag sa kanya. Nagulat siyang ang tinig na tumatawag sa kanya noong dumating siya rito ay magka – boses. Ngumiti lang ang babaeng tinatawag siya sa palayaw na sweetie Maamo ang mukha nito, pamilyar ang mukha na tila hindi niya maalala saan niya ito nakita, minasdan niya itong maigi. Yinakap siya nang mahigpit. Nandito ka na rin, Sweetie. Sabi nito. Kinilabutan siya noon, kaya naman napabalikwas siya sa yakap nito. Pagtingin niya ulit, nagulantang siya sa anyo nito. Ito ang nakita niyang babae, duguan at nagpalit ito ng anyo, nakasoot ito ng kapareho niyang uniporme na may latay sa katawan. Kay tagal naming nag – antay sa iyo. Sabi pa nito at ngumiti sa kanya. Chesca sweetie, aalalahanin mo kami. Sabi pa nito na nagsusumamo ang boses. Chesca Sino? Ako ba? Pero hindi Chesca ang pangalan ko. Tanging napatanong sa kanyang isipan. Ikaw ang magsasagip sa amin sa mundong ito. Unti – unting naglalaho ang babae, kaya naman napabalikwas siya ng bangon na tila totoo ang kanyang panaginip. Nasapo niya ang kanyang pisngi, pati na ang kanyang noo. May tinging nakapukol sa kanya noon. “Ayos ka lang ba?” Tanong naman sa kanyang katabi. Tumango na lamang siya noon. Bigla siyang nauuhaw, hindi niya alam ang mga nangyayari ngayon. Mas lalo pang gumulo ang isipan niya. Napahiga siya pabalik at hindi na siya nakatulog muli dahil sa pag -iisip niya na hindi naman niya alam kung saan siya magsisimula para masagutan ang kanyang mga katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD