KAHARAP ni Jake ngayon si Chesca, ang pinsan niyang buo sa pamilya ng Fuego. Hindi ito nagsalita noon na tinitingnan siya noon. “N—Nandito ba si ate Mikaela?” Tanong naman nito sa kanya. Bumalik na nga ang alaala niya. Sabi naman sa kanyang isipan. Nagiging guro siya sa paaralan kung saan siya mismo nagtuturo para mabantayan niya ang galaw ng pinsan niya. Sumenyas ito kay Charles na tawagin si Mikaela. Tumalima naman si Charles, maya – maya pa’y may narinig siyang mga yabag na takbo – lakad ang ginagawa nito. “Chesca,” iyon lang ang narinig niya galing kay Mikaela. “Ate.” Nakita niyang yumakap ito kay Mikaela. Hinayaan na lang muna niya ang dalawa, dahil ilang buwan din itong hindi nakita si Mikaela. Ramdam ni Jake ang kasiyahan ng isa’t isa noong nagkita ito na masayang nagyayakap

