SEMBREAK na nilang Ericka bukas, magsisimula na siyang alamin kung ano ang nadiskobre pa ng kanyang kaibigan at kung bakit ito pinatahimik nang ganoon. Hindi niya sinabi sa kanyang magulang ang gagawin niya, dahil alam niyang hinding – hindi siya papayagan, kaya naman, sinabi na lamang niya sa kanyang magulang na pupunta siya sa kanyang lola sa malayong probinsiya. Alam niyang mali anga magsinungaling at mahuhuli at mahuhuli siya, pero bago siya mahuli, kailangan malaman niya ang katotohanan, pati na ang katotohanan sa buhay ng Fuego. Bukas na ang kanyang alis, ayaw na niyang patagalin pa. Napabuntong – hininga na lamang siyang nakahiga at tinitingnan ang kisame sa kanyang kwarto. Matagal na niyang pinag – iisipan pa ang gagawin niya. Para rin ito sa katahimikan mo, Jasmin. Hindi ako

