HINILOT ni Ericka ang sentedo niya habang bumabakod sa kanyang higaan, katabi niya rin ang mahimbing na natutulog na si Ruth. Lutang pa rin ang kanyang isipan kung bakit nandito ito sa kagubatan na nag – iisang naglalakad na kagaya niya. Hindi niya lubos maisip, dahil, si Thalia ang inaasahan niyang pupunta rito. Naalala bigla niya sa mga pangitain niya na kung saan may isa pa silang kasamahan na may hinahanap sa masukal na kagubatan. Napailing – iling na lamang siya. Pero, hindi pa rin maiiwasang mag – isip na may posibilidad ang kanyang iniisip ngayon. Habang sinusundan ni Ericka ang mga kalalakihan, habang naghahanap din siya ng lead ay may narinig siyang umiiyak na babaeng nagmamakaawa, at doon, sinundan niya ito, at nagimbal na lamang siyang nasa harap na siya ng warehouse. Nakar

