MINAMASDAN niya si Ericka, habang naglalakad – lakad sila masukal na kagubatan na kung saan kasama ang kababata na si Gerald. Nagdadalawang – isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo niyang pagkatao na hindi siya si Ruth, kundi si Chesca. Hindi ko alam kung nakabubuti ba iyon, o kaya’y ilihim ko na lamang hanggang matapos ito. Napabuntong – hininga na lamang siyang nakasunod sa dalawa na nasa harapan niya. Sa paglaki niya, wala siyang maituturing na kaibigan, dahil pinagbabawalan sila ng kanilang amang lumabas, at makipag – usap sa kagaya niyang bata noon. Tanging ang kanyang mga kaibigan at karamay niya lamang niya ay mga kapatid niyang babae. Sa katauhan ni Ruth, kahit man, ito’y isang huwad lamang na pagkatao, nagkaroon siya ng kaibigang naituturing niya, nakakausap, nakakatawa na

