Hindi pa rin makatulog si Jenny sa kanyang nakitang premonition sa kanyang kapatid. Hindi niya maipikit ang kanyang mga mata dahil natatakot siyang dalawin na naman ng kanyang abilidad.
Madalang na itong mag – reply sa kanya, simula nang makarating ito sa destinasyon. Bumangon siya noon. Hindi na niya tiningnan kung anong oras na nasa orasan nila. Lumabas siya sa kwarto, doon na muna siya sa sala ngayon uupo at magmumuni – muni.
Paglabas niya sa kwarto may bigla siyang nakitang anino, kinabahan siya at kinuha ang walis – tambo na kanyang nakita sa sala. Tiningnan niya kung sino ang nagmamay – ari ng anino. Natatakot siyang baka napasukan sila ng mga taong masasama ang loob.
Buong ingat niyang tiningan kung sino ito. Papalapit siya nang papalapit, nakita niya ang anino ng isang batang nagtalukbong ng kumot.
“Greg?” Tawag nito.
Gumalaw ito noon, tiningnan pa kung sinong tumawag. Napansin pa niyang nakahinga ito nang maluwag.
“Ate!” Agad itong yumakap sa kanya.
“Bakit hindi ka pa natutulog? Anong ginagawa mo rito?” Sunod – sunod naman niyang tanong sa kanyang bunso. Lumalalim na ang gabi at hindi pa ito natutulog sa kwarto.
Umiling ito, tila may kinakatakutan ito. “Ayokong matulog, ate. Kinakausap ako nila.”
Nila? Sino? Taka niyang tanong sa kanyang isipan. “Sino?” Tanong niya.
“Maniniwala ka ba sa akin, kapag sinabi ko sa iyo, ate?” Tanong naman niya na tila nag – aalala.
Bumuntong – hininga na lamang siya at naawa tuloy siya sa kanyang bunso. Kinarga niya ito patungo sa kusina.
“Magkwento ka lang, makikinig si ate sa iyo.” Malumanay niyang sab isa kanyang kapatid.
“Nakakakita ako ng mga momo.” Pabulong pang sabi nito sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang kapatid, makikita sa mga mata nitong seryoso ito sa pinagsasabi.
Tumango na lamang siya, para magpatuloy na magkwento ito.
“Ate, nakikita ko iyong mga momo na hindi matahimik at hindi makita ang liwanag.”
“Bakit sila nagpaparamdam sa iyo?”
“Gusto nil ana may tumulong sa kanila.”
Tumango na lamang siya.
“Silang Ate Ellese at Felisa rin, humihingi sila ng tulong.” Sabi pa nito.
Ellese at Felisa? Napatanong sa kanyang isipan.
Saan ko ba narinig ang pangalan na iyan? Nag – iisip naman siya.
Bigla siyang napalunok sa kasagutan ng kanyang utak.
“Anong ikinamatay nila?” Tanong naman niya. “Kaya ba nagtatago ka, dahil tinatakot ka nila?” Tanong naman niya.
“Hindi sila, ate. Iyong mga kaluluwang hindi natagpuan ang katawan.”
Nagsitayuan ang balahibo sa kanyang braso, pati na ang batok niya. “Sino?”
“Mga babae, nakakatakot, nakakatakot ang kanilang dinaranas. Nakakatakot ang kanilang pagkamatay. Natatakot akong matulog, dahil pinapakita nila ang mga nangyayari sa kanila.”
Nakita niya ang mga mata ng kanyang kapatid na puno ng pangamba.
“Ate, sabi nilang ate Felisa, mapapahamak raw si ate Thalia.”
Kalian lang nagkakaroon ng ganitong abilidad ang kapatid ko? Napatanong sa kanyang isipan.
“Humihingi ng hustisya silang Ellese at Felisa.” Sabi pa nito.
“Hindi sila titigil, ate.”
Napakuyom ang mga palad niya noon. Nagbubulag – bulagan pa rin siya sa mga katotohanang nakakalap niya.
Alam ng kanyang kapatid na lalaki ang pagkamatay ng magkakapatid. Alam niya, dahil sa taglay niyang abilidad. Alam rin niyang bago mamatay ang pinsan nito ay napasok ito sa isang organisasyon, organisasyon na kung saan malaki ang kitaan, mag – aantay lang sila ng tawag kung sinong kikitlin ang buhay nito.
Tinatakpan at nagbubulag – bulagan siya, dahil ayaw niyang madamay ang kanyang kapatid. Pero, sa kanilang katayuan ngayon, parang binabalikan sila ng karma. Kaya ayaw niyang gamitin ang abilidad niya.
“Ate nagbabala sila na kapag hindi natapos ang kasakiman, marami pa ang mapapahamak.”
“Mas marami pang mabibiktima, ate.”
Alam ko! Alam ko iyon! Ang mga nakikita sa mga panaginip ko, unti – unti ng nangyayari. Anong magagawa ko? Anong magagawa ko? Kung isang ordinaryong tao lang ako sa isang mga taong may katungkulan? Napatanong sa kanyang isipan noon na napakuyom sa kanyang mga palad.
Niyakap na lamang niya ang kapatid niya. Wala siyang kakayahang makausap at makita ang mga kaluluwang hindi matahimik. Natatakot siya sa mangyayari sa kanyang kapatid at ni Ruth.
“Ate, may mensahe siya sa iyo.”
“Sino? Tanong naman niya noon.
“Si ate Felisa, ang sabi niya, magpakatatag ka.”
Napatango na lamang siya. Nasilayan niya ang oras, maghahating – gabi na. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Ellese at Felisa Fuego nagmula sa mayamang angkan, ang pamilya nito’y isang kilala sa lipunan, marami ang mga ari – arian at hacienda nito. Napasabi sa kanyang isipan.
Naalala pa ni Jenny, noong sumabog ang balitang napaslang ang dalawang magkakapatid, ay maraming haka – haka ang nagsilabasan. Ayon sa balita, maaaring ang dahilan ng pagkamatay ng mga anak nito dahil, marami itong mga kalaban maging sa Negosyo at mga hacienda nito. Labis ang kalungkutan na naramdaman na si Benedict Fuego ang pagkamatay ng kanyang dalawang anak na siyang tanging alaala sa pagkamatay ng asawa nito.
May nagsasabi naman na pinaslang ang unang asawa nito at ikalawang asawa nito sa di malamang dahilan.
Magulo ang mundong ginagalawan nila ngayon, kahit nabubuhay ng tahimik, may pangyayaring nagpapagulo sa buhay nila ngayon.
Kung ginamit ko lang sa tama ang abilidad na ito, wala na sana akong pagsisisihan, buhay pa sana ang dalawang kapatid na napaslang. Sisi sa kanyang sarili, mahigpit niyang niyayakap ang kanyang bunsong kapatid noon.
Nararamdaman niya ang pagsisisi sa buo niyang katawan, ganoon din ang nararamdaman niya noong nagsisi siyang hindi pinigilan ang kanyang ama at ina sa pag – alis nito at naaksidente ito.
“Ate, may sasabihin ako.”
Tiningnan niya ang kanyang kapatid noon na nakakanlong sa kanyang mga yakap.
“Hindi aksidente ang pagkamatay nilang nanay at tatay.” Tiningnan siya nang mataman ng kayang kapatid.
Bigla siyang napatitig, kung tama ba ang pagkarinig niya.
“A – Anong ibig mong sabihin, Greg?” Tanong naman niya sa kanyang kausap.
“Totoo ate, hindi aksidente ang nangyari, pinatay po sila.” Sabi naman nito.
Pinatay? Napatanong sa kanyang isipan. Sa anong dahilan? Nagulo ang utak niya, hindi nasgsisinungaling ang kanyang kapatid na lalaki.
Hindi na siya nagtanong pa, alam niyang may itinatago ang kanyang kapatid na lalaki. Kailangan niyang tanungin ito. Kailangan niyang makausap ito, para masagutan ang mga katanungan sa kanyang isipan na bumabaha na.
xxxxxxxxxxxx
Habang naka – duty si Felix sa kanyang tinatrabahuan niya ngayon, may natanggap siyang isang text.
Napakunot ang kanyang noo, inulit niyang binasa ang text message na natanggap niya kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa mensahe.
Gumagalaw na naman ang galamay ng demonya, may nawawalang estudyante rito sa paaralan namin, we can’t track it.
Iyon ang nabasa niyang mensahe galing sa isang guro na kakilala niya. Humalo ang kaba at tensyon habang nagtitipa siya.
Sino na naman ba ang nawawala? Napatanong sa kanyang isipan.
Kukumustahin na muna niya ang kanyang kapatid, dahil nasa malayo ito at ang camping site nito’y malapit sa pinagganapan ng krimen, at kung saan maraming mga dalaga ang bigla – bigla na lang nawawala na parang bola.
Thalia. Huwag naman sana. Dasal sa kanyang isipan noon.
Bigla na lamang tumunog ang phone niya, nag – reply iyon, at biglang nag – ring ang phone niya.
Dali – dali niyang sinagot ang tawag.
“Hello,”
“Your sister is okay, her schoolmate is missing,” huminga na muna ito nang malalim bago magpatuloy.
“Ruth--- no, Chesca is not okay, akala namin, nawala ito bigla.”
“Saan ninyo nakita si Chesca?” Tanong naman niya noon sa kausap sa kabilang linya.
“Nawalan siya ng malay sa masukal na kagubatan, buti na lang at inilagay nito sa bulsa ang tracker nito para madali naming ma – trace ang mga mag – aaral.”
Napatango naman siya. “Baka, tinitiktikan na ng mga tauhan ang isang anak ni Fuego. Kumusta si Mikaela?” Tanong niya rito.
“Chesca will be okay, ligtas siya sa pamilyang Dionson.”
“Alam ko, pero nandiyan kayo sa pinangyayarihan ng krimen, alam mo naming dilikado pa si Chesca.” Sabi naman niya.
“Kaibigan siya ng kapatid ko, baka madawit si Thalia rito.” Pag – aalala niya.
Bumuntong – hininga na lamang ang kausap niya sa phone, tila nga malaki ang problema nito, dahil nawalan sila ng estudyante.
“Alam ba ng pamilya niya ang nangyari?” Tanong naman ni Felix.
“No, hanggang hindi pa umabot ng 24 hours ang pagkawala, walang aksyon ang magaganap, umaasa pa rin kaming matatagpuan ang bata.” Sabi pa nito.
Napatango na lamang siya noon.
“Alam mo na ang gagawin mo kapag nagkagipitan na.”
“Alam ko, ipangako mo rin sa akin na hindi mapapahamak si Thalia diyan, saka, hindi kita tatakasan, dahil may aalamin pa ako sa pagkamatay ng mga magulang ko.”
“Alamo ko. Sige, iyon lang. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto. Kailangan naming mahanap ang nawawala naming estudyante, bago pang may sumunod.”
“Sige, balitaan mo lang ako.”
Hindi na ito sumagot, at binaba ang phone nito. Napapailing na lamang siya, hinilot niya ang sentido niya. Dahil rin sa night shift at nakaramdam na rin siya ng antok, pero ayaw naman niyang matulog dahil nagtatrabaho siya.
Kailangan niyang suungin ang mga delikadong trabaho. Ang pagtatrabaho niya sa convenience store, ay isa lamang pagpapakita na siya ay isang normal na lalaking nagtatrabaho at binubuhay ang kanyang kapatid.
Sa totoo, siya ang informant sa mga pulis, pinapasok niya ang mga illegal, nag – oobserba at doon papalihim niyang sinusumbong ang mga pangyayari. Ang nakakatawang pangyayari, kaya niyang pikiin ang mga certificates, birth certificate at iba pa.
Nadawit na lamang siya sa pangyayaring napasukan ng kanyang pinsang si Fernan, napasali ito sa organisasyon, kagaya niya, may mga kapatid rin itong inaalagaan, at kagaya niyang ulila nang lubos.
Sa organisasyon, naghihintay lang ito ng tawag kung sino ang gustong ipapatay. Sumasama sa Fernan, pero, hindi man lang maatim nito ang pumatay ng isang buhay. Doon, nakilala ang dalawang magkakapatid --- hindi, dalawa, kundi apat.
Dahil may mga kapatid itong babae, tinulungan niyang makatakas ang dalawa at lumapit sa kanya at doon nakilala niya ang isang taong kayang tulungan ang dalawang nakatakas.
Naglaon, nalaman ng utak ng krimen na tumulong si Fernan, at pinatay ito nang walang kalaban – laban, pati ang mga kapatid nito ay pinatay sa sariling tahanan.
Nasaksihan ni Felix ang mapupulang likidong napalibot sa katawan ng mga pinsan niya noong umaksyon ang mga kapulisan, higit sa lahat, magkalapit – bahay lang sila ng kanyang pinsan.
Isa pa, kaya tumutulong siya, gusto niyang masagutan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at makamit ng kanyang pinsan ang hustisya pati ang mga kapatid nitong nadamay.
Malapit nang matapos ang kanyang shift, kailangan na rin niyang umuwi, madaling – araw ng natatapos ang kanyang trabaho noon. Minsan, na – e – extend pa ng ilang oras ang trabaho niya.
Ngayon, maaga siyang makakauwi sa kanilang bahay.
Inaantok na rin siya at kailangan na rin niyang magpahinga.
Dumating na ang ibang kasamahan niya sa trabaho, at siya aalis na. Nag – abang siya ng jeep ng masasakyan noon, madaling – araw na siyang nakakauwi. Marami ng mga taong gising para sa trabaho nito. Ang syudad ay mas lalong nabubuhay kapag kumagat ang kadiliman.
Inaantok na rin siya, naaninagan na niya ang kalyeng papunta sa kanila. Agad siyang pumara para makababa. Nilalakad pa niya ito. Nakita niya ang kaharap ng bahay nila. Ito ang bahay ng kanyang pinsang pumanaw.
Tahimik na ito, simula nang maabandona. Walang naglakas loob na mag – aabang ng bahay, dahil ayon sa kanyang naririnig, pinamumugaran ito ng mga masasamang kaluluwa.
Tila hindi pa natatahimik ang kanyang pinsan at mga kapatid nito, tila nakakarinig daw ang mga malapit – bahay ng iyak at palahaw o kaya’y parang nagkakagulo.
Pinihit niya ang pintuan para makapasok siya. Napakamot siya na hindi nakapatay ang ilaw nito. Napadaan siya sa kusina noon.
Nakita niya si Jenny na doon nakayuko at tila natutulog ito nang mahimbing. Ang kanyang bunso naman ay nakatulog sa sofa na katabi ni Jenny.
Hindi ba ito nakatulog kagabi? Kaya rito nakatulog? Napatanong sa kanyang isipan. Hindi na niya gigisingin si Jenny at si Greg. Tutuloy na siya sa kwarto para rin makapagpahinga.
Humikab siya na papasok sa kwarto.
“Kuya?”
Napalingon siya noon. Gising na pala ang bunso niyang kapatid.
“Good morning, Greg.” Bati niya sa bata.
“Kuya.” Tila maiiyak ito.
“Bakit, Greg?” Nagulat siya sa biglang pag – iyak ng kanyang kapatid noon.
“Nakita ko si kuya Fernan, sabi niya --- mag – iingat ka raw sa mga lakad mo.”
Nagsitayuan ang balahibo niya sa batok.
Hindi siya naka – imik noon. Hindi niya alam ang isasagot niya sa kanyang kapatid.
Palagi ng nagkwento si Greg sa mga nakikita nito sa paligid. Alam niyang may abilidad itong hindi pinapaniwalaan ng iilang mga tao.
“Natako ako kuya, pinakita sa akin na binaril ka.” Umiyak ito nang tuluyan. “Ayokong magaya ka kay nanay at tatay.”Hikbi nito.
Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang kapatid para tumahan na ito sa pag -iyak.
Biglang nawala ang antok niya dahil sa naririnig niya sa kanyang kapatid ngayon.
Totoo ngang may pumatay sa kanila. Napasabi sa kanyang isipan.
Ayaw na muna niyang isipin ang mga bagay – bagay, pinatahan na muna niya ang bata, at pumanhik sa kwarto at nagpahinga at nag – iisip – isip. Hanggang dalawin siya ng antok noon.