The Tale Of The Evil Queen NOONG unang panahon, may maglolang nakatira sa isang gubat, hindi kalayuan sa bayan. Ang matandang babaeng pinaniniwalaang mangkukulam ay may napakagandang apo na nagngangalang Regina, na sa mga panahong iyon ay malapit nang tumuntong sa edad na beinte y uno. Nang mga panahon ding iyon ay sampung taon nang biyudo ang mahal na hari at si Snow White ay siyam na taong gulang pa lamang. Galak na galak ang buong kaharian sa gandang taglay ng mahal na prinsesa pero ang kwentong ito ay hindi talaga para sa kanya. Sa sobrang ganda ni Regina ay dinadayo pa talaga siya ng mga binata na mula sa bayan upang magtangkang suyuin siya ngunit lahat ng mga ito ay tinataboy lahat ng kanyang Lola Grimelda. Si Regina raw ay bata pa kaya bawal pa itong magkanobyo. Ngunit si Regin

