Her Strange LoverUMUWI SI Graciella sa probinsiya sa lola niya nang dumating ang semestral break. Napangiti siya habang tinatanaw ang paligid ng bahay nila. Ibang-iba talaga iyon kumpara sa Manila. Hindi na siya makapaghintay na maligo sa sapa kasama ng mga kababata niya. Third year college na siya sa kursong Education. Iyon ang pangarap ng lola niya sa kanya, ang maging teacher siya. “Huh?” Napakurap siya nang mahagip ng tingin ang malaking kahoy na nakatayo sa itaas ng sapa. Nakapagtataka lang dahil wala namang nakatayong kahoy doon ayon sa pagkakaalala niya. Wala pang anim na buwan mula noong umuwi siya rito matapos ang end ng school year. Kung may nagtanim man doon ng kahoy na iyon, imposible namang lumaki agad ng gano'n! “Lola? Pa'nong nagkaroon ng punong gano'n sa sapa?” tanong niy

