CHAPTER 7

1504 Words
Third Person’s POV “Are you really sure you graduated from a fine culinary arts school in Paris?” Malakas na sigaw ng isang lalaki sa chef na kaharap niya. Nanatili itong nakayuko at iniiwas ang tingin sa taong pinagsisilbihan niya.   “Your soup is all bland and the sauce?” Iritado itong kumuha ng kutsara at pinaglaruan ang pagkain sa harapan niya.   “Too fcking watery. You’re not just wasting my resources but also my time,” dugtong pa nito sa seryosong boses. Nanginginig na nagtaas ng tingin ang kaawa-awang chef at napalunok ng laway habang pilit ipinagtatanggol ang sarili.   “I-I’m sorry, Sir Vaughn. It won’t happen again,” pakiusap pa nito ngunit suminghal lang ang kaniyang kaharap at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.   “Incompetent and not worthy chefs who can’t even prepare a basic decent meal do not deserve a spot in here.” Napa-pause pa ito at tiningnan ng diretso sa mata ang kaawa-awang chef na nagsisimula ng lumuha dahil sa sobrang pagkapahiya.   “And yes it won’t happen again because you’re fired. I don’t want to see your face into my kitchen once I get back here,” banta pa nito bago tumalikod at naglakad papalayo sa kusina. Naiwan ang kaawa-awang chef na nakalupasay at walang ampat sa pagluha habang pilit pinapatahan ng ilang kasambahay at kusinera na nakapanood ng nangyayari.   “Pasensya ka na, Misty. Medyo magaspang talaga ang ugali niyan at mataas ang standards lalo sa pagkain. Kaya nga walang nagtatagal na personal chef sa kaniya...” Ani ng isang kusinera habang minamasahe ang likuran nito. Nagpapaypay naman ang isa pa kahit pa naka-aircon sa buong bahay habang ang isang kusinera ay nasa gilid at nakangisi.   “Kung nakapag-aral lang ako sa culinary school, tiyak na ako ang kukuhain ni Sir Vaughn bilang personal chef niya.” Palatak nito na nagpairap sa kasamahan niyang naririnig ang sinabi niya.   “Tumigil ka na, Kaylin. Natanggal na nga sa serbisyo yung tao tapos magsasalita ka ng ganiyan. Wala ka talaga sa hulog minsan ano?” Iritadong sambit ng kasambahay na tumutulong itayo si Misty. Agad nitong kinuha ang gamit niya sa lamesa at hinubad ang suot na apron bago dali-daling lumabas.   “Kakapasok niya lang kanina tapos sablay agad. At bakit ba, Arlene? Totoo namn ang sinabi ko ah. Wala naman kayong naririnig na reklamo sa tuwing natitikman ni sir ang luto ko. E kung nakapag-aral lang ako tiyak na ako na ang personal chef niya at malay niyo,” humagikgik pa ito nang may maisip na kalokohan.   “Hindi lang future personal chef kung hindi asawa na palagi siyang ipagluluto at uuwi siya palagi dito upang matikman lang ang masasarap kong putaheng para lang sa kaniya,” malandi nitong saad habang nakatitig sa kawalan at nangangarap ng gising.   Napailing na lang ang mga nakarinig at itinuloy ang ginagawa. Palagi na lang nagpaparinig si Kaylin tungkol doon sa tuwing may natatanggal at napapahiyang chef si Vaughn. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang matindi nitong pagnanasa sa kanilang amo maging ang taas ng hangin nito sa katawan. Kung hindi lang sila sigurado na masarap naman ang luto nito ay tiyak na pagtatampulan lang siya ng tukso dahil sa taas ng lipad nito.   Bukod pa doon, sanay na sila sa ugali ng kanilang amo na bihira lang umuwi dito ngunit ayon sa chismis ng kanilang driver, magtatagal daw ang kanilang amo sa Pilipinas para sa gagawin nilang bagong proyekto. Ilang linggo pa lang siya dito ngunit hindi na mabilang sa daliri kung ilang chef mula sa iba’t-ibang prestihiyosong school ang pumasok dito sa bahay ngunit umuwi kaagad na luhaan dahil lang hindi pasok sa panlasa ni Sir Vaughn ang bawat gawa nila.   “Sino kaya ngayon ang susuwertihing matanggap bilang bagong personal chef niya ano?” Bulong ni Arlene sa mga kasamahan ngunit dahil may pagkadakilang chismosa at malaking tenga si Kaylin, agad itong sumabat na nagpairap sa mata ng mga nakakarinig sa kaniya.   “Naku, anong swerte? Malas agad ‘yon. Makita niyo, wala pang isang araw wala na ‘yon dito.” Iiling-iling pang sagot nito at muling binuhat ang sariling bangko.   “Kung ako lang talaga ang pipiliin ni Sir ay talaga namang ---“   “Kung ikaw ang pipiliin kaso hindi ikaw kaya manahimik ka na lang diyan!” Sabat ni Nadine na matagal ng naiirita sa babaeng iyon. Napa-cheer naman ang mga manonood dahil naaamoy na nila ang away na unti-unting naluluto sa harapan nila.   “Anong sabi mo? Sus! Insekyora ka lang kaya hindi mo matanggap na totoo ang sinasabi ko! Wala kang –“   “What the hell do I smell something burning in here?!” Malakas na sigaw ni Vaughn na nagpatahimik sa lahat. Unti-unting nanlaki ang kanilang mata at natuon ang tingin sa pastang iniluluto sana ni Mysti kanina.   Sabay-sabay silang napalunok at mabilis na tumakbo patungo sa kalan upang patayin ang apoy ngunit huli na ang lahat.   Huli ng kanilang amo sa akto ang kanilang ginagawa. Pilit pang itinatago ni Kaylin ang sunod na kaldero habang nagkandahulog pa sa basurahan ang sunog na pastang galing doon.   “S-Ser...” Nanginginig na bati nila lalo at kitang-kita ang pagkunot ng noo at pagbalatay ng galit sa mukha ng binata.   Kahit ano ay tatanggapin niya puwera na lang kung ito ay related sa kusina o pagkain. Masyado siyang maselan sa bawat inihahanda sa kaniya, maging ang amoy ng mga ito kaya’t ang sunog na pasta na nakadikit pa sa nangingitim na kaldero ang iba ay labis na nagpagalit sa kaniya.   “Clean this mess up and don’t you dare do the same mistake before I fire you all,” banta niya sabay walk-out sa kusina.   Nagkatinginan naman ang mga nasa loob at nagtuturuan pa kung sino ang may kasalanan ngunit bandang huli ay umawat na lang at bumalik sa kani-kanilang ginagawa. -- “Have you found someone already? I’m starving.” Seryosong sambit ni Vaughn sa kaniyang sekretary s***h best friend habang nakatutok ang atensyon sa laptop. Pinaghahanap niya ngayon ang kaibigan ng bagong personal chef para sa kaniya. Kahit pa hindi ito natutuwa dahil lahat ng ma-hire nito ay hindi pasado sa panlasa niya, hindi niya rin masisisi ang kaibigan kung magkaiba ang taste nilang dalawa.   Aminado si Vaughn kung gaano siya kaselan sa pagkain dahil na rin sa hindi magandang health status ng kaniyang tiyan. Madali lang itong masuka at mangasim lalo kung hindi ito pumasa sa kaniyang panlasa. Gustuhin niya mang magluto para sa sarili ay hindi niya magawa sapagka’t bukod sa busy ito masyado sa trabaho ay hindi rin siya nasanay magluto para sa sarili kahit pa ang family business nila ay nakaugnay sa mga sangkap na ginagamit pagluluto.   “Come on, man. Pang-ilan mo na ‘yan this week and hello! Weekend ngayon. Sa lunes pa ang resume ng trabaho sa HR department.” Naiiling na paliwanag ng kaharap niya kahit pa iniisa-isa pa rin nito ang bawat resume sa lamesa.   “I fcking deserve something pagkatapos kong mahanap ng chef na pasok para sa iyo. Like dude,” napatigil pa ito para huminga ng malalim at nagpatuloy.   “We hired those who graduated from top notcher culinary schools hindi lang locally but also abroad. Hindi ko na alam kung sino ang iha-hire kung sakali man. Akala mo ba madali lang hanapan ng personal chef ang masungit na katulad mo?” Dugtong pa nito at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.   “Cruz, Francisco, Helen, Labrador – Ano ito, aso?” Natatawang banggit pa niya habang patuloy na iniisa-isa ang pangalan sa resume.   “Maple hmmm... Ito na lang,” ibinukod niya ang napiling resume at inilapag sa lamesa ang iba. Agad niyang ibinigay kay Vaughn ang papel na ikinataas lang ng kilay niya.   “What is your basis for choosing him or her?” Tanong nito habang nananatiling tutok ang atensyon sa laptop. Masyado siyang busy pag-aaral ng report na ipe-present sa board bukas at hindi rin nakakatulong ang kumakalam niyang sikmura.   “Parang pagkain ang surname e, Maple.” Tumawa pa ito nang makita ang reaksyon ng kaibigan. “Mukhang masarap e,” dugtong pa niya na lalong nagpakunot sa noo ni Vaughn. Agad niyang kinuha ang papel dito at palihim na napairap habang binabasa ang laman ng kaniyang resume.   “Madeline Maple, 20 years old. Graduated at International Culinary Arts Academy...” Binasa pa nito ng tahimik ang ibang detalye bago ilapag sa lamesa at ituon mula ang atensyon sa ginagawa.   “Go on and call her. Inform her that she have a special appointment.”Napatango naman ang kaharap niya at mabilis na nag-type ng message sa phone number na nailagay nito sa resume. Habang busy siya sa pagtipa ng mensahe ay hindi niya napansin ang nakakalokong ngiti na sumilay sa labi ng kaibigan niya.   ‘Let’s see what you got, Madeline...’ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD