Madeline’s POV
“Madi, are you really sure about this?” Tanong ni Finn pagkapasok pa lang ng kuwarto. Mabuti na lang at tapos na akong magbihis at tanging pag-aayos na lang ng make up ang ginagawa ko nang abutan niya ako dito.
Malakas itong napabuga ng hangin dahil alam niya na ang sagot sa tanong niya. Nakasuot na ako ngayon ng formal attire at naghahanda na para sa interview mamaya.
“Paano kung malaman niya kung sino ka talaga?” Tanong niya na nagpatigil sa akin paglalagay ng kolorete sa mukha. Sinipat ko siya sa salamin at saka unti-unting kumurb ang ngisi sa labi.
“Come on, Finn. Mukha ba akong hindi handa?” Sarkastikong tanong ko dito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nanatili lang siyang tahimik habang nakahiga sa kama ko at malayang nakatitig sa kisame.
“Bukod sa nalaman mong ang pamilya niya ang responsable sa pagkawala nila Tito at Tita, mayroon ka pa bang ibang nalaman kaya desidido kang gawin ang bagay na ito at iwanan sa akin ang Arcadia pansamantala?”
Ikinabit ko ang huling pares ng hikaw na nagpadagdag sa appeal ko bago paikutin ang swivel chair at humarap sa kaniya.
“Sinabi rin ni tito na sila ang may pasimuno ng nangyaring k********g sa atin noon, dahilan para mabaril ka. Natatandaan mo ba iyon?”
Agad na napabalikwas si Finn at nanlalaking mata na tumingin sa akin.
“Malamang! Hindi tayo magkakakilala kung hindi nangyari ang bagay na iyon...” Mahinang sabi niya at natulala at parang baliw na ngumingiti mag-isa.
Napailing na lang ako sa inakto niya at ipinikit ang mata habang inaalala ang mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Ang dahilan kung paano kami nagkakilala noon ni Finn dahil sa pagbisita ng family niya noon nang lamay nila mommy at daddy.
Naaalala ko pa kung paano ito makiusap dahil ihing-ihi na at hindi na kakayanin kaya’t sa garden na lang siya nagpasama na naging dahilan kaya kami mabilis na nadukot ng kung sino mang hayop na sinamantala ang aming kahinaan.
Muling bumalik sa aking alaala ang scenario kung saan halos matapos ang buhay naming dalawa na nagpatatag sa amin ngayon.
“Putang ina may pulis! Puntahan mo na ‘yong bata sa taas at tumakas na tayo!” Kapwa nanlaki ang kanilang mata nang marinig ang sigaw mula sa baba. Nagtulong silang dalawa sa pagputol ng tali sa kan’yang paa. Labis ang kaba at takot na kanilang nararamdaman habang naririnig ang mabilis at mabigat na yabag papalapit sa kanila. Tagaktak ang kanilang pawis at laking tuwa ng tuluyan itong makalas. Nasa ganoon silang eksena nang biglang pumasok sa silid ang isang lalaki at nanlilisik ang matang nakatingin sa kanila.
“Tatakas pa kayo, ha?!” Malakas nitong sigaw na dumagundong sa buong silid. Mabilis itong humakbang patungo sa kanilang direksyon at hinablot ang batang lalaki sa damit at saka iniangat sa ere.
“Ang tapang ng tatay mo para hindi sumunod sa usapan ha? Tingnan natin ang tapang n’ya!” Sigaw n’ya at inundayan ng suntok ang kawawang bata. Napadaing ito sa sakit ngunit hindi man lang umiyak na mas ikinainis ng lalaki kaya’t sinuntok n’ya pa ito ng paisa.
“Tama na!” Umiyak na pag-awat ko habang pinapanood ang ginagawa sa lalaking kasama n’ya.
“H-‘Hwag kang lalapit,” nahihirapang sambit ng bata habang umuubo na may kasamang dugo.
Napaiyak ako sa takot dahil sa nangyayari. Napatawa naman ang lalaki at inihagis ang bata sa direksyon ko hanggang sa pareho kaming nagpaikot-ikot sa semento.
“Tingnan natin ang tapang n’yo,” banta ng lalaki at itinutok ang baril sa kanilang dalawa.
Mabilis ang pangyayari at tanging putok ng baril at pagbukas ng pintuan ang marrinig sa silid habang pumapasok ang mga parak upang hulihin ang kidnapper ngunit huli na ang lahat. Tuluyan nang lumabas ang bala at tumagos sa katawan ng batang lalaki na mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
--
Makalipas ang ilang araw ay tuluyan ng nagmulat ng mata ang batang lalaki. Mabilis akong lumapit sa kaniyang puwesto nang makita ko ito. Hindi ako umalis sa kaniyang tabi dahil siya ang dahilan kaya ako ligtas ngayon.
“G-Gising ka na!” Tuwang sabi n’ya at pinindot ang button sa gilid upang tumawag ng nurse. Makalipas lang ang ilang sandali ay humahangos na pumasok ang nurse kasama si Tito Florante na nakahinga ng maluwag ng makita ang bata.
Nai-check ng nurse ang bata at nag-usap sila ng daddy nito hanggang sa nagpaalam siya at iniwan kami sa kuwarto.
“Kumusta ang pakiramdam mo?”
“A-Ayos lang po, Papa. S-Sino po s’ya?” Tanong n’ya at itinuro ang lalaking bagong pasok sa silid. Nakasuot ito ng suit at may bitbit na case habang nakasuot ang malaking salamin sa kan’yang mata.
“S’ya si Attorney Galvez, ang tutulong sa akin na ihatid sa inyo ang magandang balita,” nakangiting tugon nito at tinanguan ang attorney na lumapit sa kanilang puwesto. Inilabas n’ya ang isang folder mula sa case at inilahad kay Tito Florante.
“Nakasulat sa dokumentong iyan na si Mr. Florante Wright ay binibigyan ng karapatan na maging Guardian ni Madeline Moore ayon na rin sa kakayahan mong pangalagaan at ibigay ang kailangan ng bata. Isinasaad rin dito na ang mga Wright muna ang mamamahala sa mga properties ng Moore at lahat ng iyon ay ite-turn over kay Madeline sa oras na tumuntong ito ng edad dalawampu’t isa.”
“Narinig mo ‘yon, hija? Mula ngayon ay ako na ang magiging tagapangalaga mo. Tiyak kong matutuwa sila Maui at Lierra sa langit dahil alam nilang hindi kita papabayaan maging lahat ng iniwan nila para sa ‘yo...” Nakangiting wika nito habang nakaluhod para pantayan ako. Nasa ganoon kaming posisyon nang muling bumalik ang attorney at sinenyasan s’ya. Nagpaalam si Tito at lumabas kasama ang attorney hanggang sa naiwan kaming dalawa sa loob kaya naman muli akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.
“T-Thank you sa pag-save sa akin...” Pasasalamat ko at nginitian ng malaki ang batang nasa hospital bed.
“Ang sabi ni Papa ay s’ya na ang mag-aalaga sa ‘yo... Ibig sabihin palagi na tayong magkasama at promise ko sa ‘yo na palagi kitang ipagtatanggol katulad last time.” Nakangiti nitong pahayag at inilahad ang palad.
“Ako nga pala si Finn... Finn Ryder Wright. Ikaw, anong pangalan mo?” Pagpapakilala n’ya. Tiningnan ko ito at napangiti habang mabilis na inabot ang kamay niya.
“Ako si Madeline Rylie Moore. Madi na lang at ikinagagalak kitang makilala, Finn.”
“Ang cute natin noon, hindi ba? Literal na isa akong superhero,” natatawang sambit ni Finn pagkatapos naming alalahanin ang nangyari noon. Ang pangyayaring bumago sa buhay namin ngayon.
“Oo na, cute guy. Pink naman ang brief mo tapos naihi ka pa noon,” pang-aasar ko sa kaniya. Napatigil siya sa pagtawa at napa-cross arms habang nakataas ang kilay sa akin. Namumula ang kaniyang tenga indikasyon na nahihiya siya ngayon.
“Bata pa ako noon, okay? At pink are originally for men. Saka, sino ba ang hindi mababasa ang pants e hindi pa ako tapos umihi bigla na lang akong kinuha?” Balik sagot nito at tila bata na nagdadabog.
“Kung makita ko lang talaga ulit ‘yon nako, tatakutin ko iyon hanggang sa maihi din siya sa pantalon. Lintek na kahihiyan ‘yon,” naiiling pang sambit niya habang inaalala ang tagpong iyon.
“Jokes aside, thank you sa pagligtas sa akin noon. I admit medyo nagalit ako noon kasi dapat magkasama na kami nila mommy and daddy...” Napatigil ako sa pagsasalita at tumingala upang hindi magtuloy ang luha sa pagpatak mula sa aking mata.
Nilingon ko siya at nginitian saka nagpatuloy ng sasabihin.
“Pero I’m really greatful ngayon. Ang dami kong na-achieve and kung hindi dahil sa tulong niyo ni Tito, wala ako kung nasaan ako ngayon so... Just let me do this one last time, finish kung ano man ang sinimulan nila, pagkatapos ay itutuloy ko na ang pag-aaral abroad para matuto i-manage ang company.”
“Finally, Madi. That’s long due na. Nakakapagod din i-manage ang Wright at Moore ng magkasabay ano? What more kung magpakasal tayo para mag-merge ang company para i—“
Inis ko itong binato ng tissue roll na nasa lamesa. Natawa lang ito at muling ibinato sa akin saka dumila na nang-aasar.
Napatawa na lang ako sa inasta niya hanggang sa napatigil ako ng biglang umilaw ang cellphone kong nakalagay sa ibabaw ng mesa kaya’t agad ko itong kinuha at napangiti nang mabasa ang nakasulat doon.
“Special appointment confirmed. Please go to the LGC HR department at exactly 6pm.”