CHAPTER 5

2502 Words
Madeline’s POV   “Madi hija, it’s nice to see you again!” Sabik na sabi ni Tito Florante at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. Ibinalik ko rin ito at nginitian siya ng malaki habang sinusuri ang kabuuan niya.   “Mukha pa rin ho kayong bata, Tito. Sure ka po bang walang naghahabol na babae sa iyo?” Biro ko dito na nagpahalakhak ng malakas sa kaniya.   “Mga investor kamo! Alam mo naman kung gaano nila kagusto maging kasosyo ang MGC,” iiling-iling pang sambit nito at saka tumingin ng diretso sa akin at matamang ngumiti.   “Ilang buwan na lang, makukuha mo na ang full control sa MGC at subordinates nito. Handa ka na ba?” Seryosong tanong niya. Ngiti lang ang iginawad ko dito at lumingon sa likuran.   “Hindi mo ba babatiin si tito?” Nakanguso itong naglakad at kumaway sa ama.   “Dad, bakit si Madi lang ang binati mo? Ang laki ko sa likod di mo ko nakita,” maktol pa nito ngunit hinila lang siya ni tito Florante at tinapik sa likod.   “Ay ikaw naman matampuhin masyado. Hindi mo nga sinabi sa akin na nakauwi ka na pala,” iiling-iling na sambit niya at sumenyas sa dumadaang maid.   “Pakihanda ang pool side at pasabi kay Manang Lourdes na maghain ng masasarap na pagkain. Magaling na chef itong bisita natin kaya huwag kamo tayong ipapahiya.” Biro pa nito sabay turo sa akin. Natatawa namang tumango ang maid at dali-daling umalis sa lugar na iyon.   “Magpalit muna kayo ng damit sa kwarto. Aantayin ko na lang kayo doon sa pool area,” kumaway pa ito sa amin bago tuluyang naglakad papalayo. -- “You could take my shirt, yung mga pasalubong ay naiwan pa sa bagahe. I guess sa condo pa nai-drop ‘yon.” Hindi ko na siya pinansin at kumuha ng isang black shirt. I used to have extra clothes here kaso dahil pumunta siya abroad, naipa-donate ko na lang sa charity organizations since bihira na din akong mapunta dito.   “My shirt looks good on you,” compliment niya at akmang hahalik muli ng iniharang ko ang palad sa nguso niya.   “Gusto mong may lapatan na naman ng sampal dito?” Napanguso ito lalo at umatras papalayo sa akin.   “I’ll wait for you sa pool side. May mga pag-uusapan tayo nila dad lalo sa papalapit mong birthday.” Seryosong sabi niya at isinarado ang pinto pagkalabas niya. Naiwan akong mag-isa sa malaking kuwarto na kinalakihan naming dalawa.   Napabuntong hininga ako at inihiga ang sarili sa malambot niyang kama. Iniangat ko ang isang kamay na tila may inaabot at ngumiti.   “Malapit niyo ng makamit ang hustisya, mom, dad... Sana nandito pa rin kayo para makita kung ano na ang naabot ko.” Mahinang sambit ko habang lumalandas ang luha sa mga mata.   “I wish you were here with me...” Mahinang usal ko pa bago tuluyang humagulgol ng iyak. -- “So, I had book an organizer for your upcoming birthday. It’s supposed to be a surprise but knowing my son,” itinuro ni tito Florante si Finn na nanginginain ng hotdog roll up na isa sa specialty ni Manang Lourdes. Napakamot na lang ito sa batok at nag-peace sign bago ituloy ang ginagawa niya.   “Thank you for the initiative tito but... Alam niyo namang I’m not into parties.” Mahinahon kong tugon na sinundan ng singhal ni Finn sa tabi ko.   “Yeah, dad. Hindi ba noong debut niya, nag-prepare tayo ng engrandeng surprise party but guess what kung sino ang na-surprise.” Napairap pa ito habang natawa naman si tito ng maalala ang ganap na iyon.   Napairap na lang ako kay Finn dahil pinaalala niya na naman ang nangyari noon.   “Ipinakaon natin siya sa guards and kunwari k********g accident. Ang ending, iyong mga tauhan niyo ang nabugbog at naitali pagkatapos ay inihagis sa gitna mismo ng hotel.” Napapailing pang kuwento nito at tiningnan ako.   “Tigilan mo ko Finn. E kung hindi naman dahil sa sinabi mong may alam sila tungkol sa Covet ay hindi ko sila pipilayan.” Matiim ko itong tiningnan na ginantihan niya rin ng mas matalim na tingin. Napatikhim na lang si tito sa gilid namin at pinaghiwalay kami.   “Oh tama na ‘yan, ganito magkalinawan tayo.” Uminom ito ng tubig at umayos ng upo bago magpatuloy ng sasabihin.   “Malapit na ang ikadalawampu’t-isang kaarawan mo, Madeline. Ilang buwan na lang at makukuha mo na ng buo ang kontrol ng MGC maging subordinate nito. Gusto mo bang ipadala muna kita abroad para mag-aral ng advance courses doon? Hindi sa dina-down ko ang kakayahan mo, baliktad pa nga dahil alam mo kung gaano kami ka-proud sa achievements mo at a young age. You are indeed a legend like your late parents.”   Ngiti lang ang isinagot ko dito dahil alam ko na kung saan aabot ang usapan.   Matagal na nila akong gustong ipadala sa states para kumuha ng higher degree. Even though graduate na ako ng culinary arts dito sa Pilipinas, kailangan ko pa rin ng BSBA or Bachelor of Science in Business Administration at walang ibang mabilis at quality na option kung hindi sa abroad.   Bagay na ayaw ko pang gawin sa ngayon.   “I know that look, Madi. Pero... Ano nga ba ang iniisip mo? Matagal na rin gustong ibigay ni dad ang dapat sa iyo kahit pa wala ka sa legal age according sa will but since wala ka pang balak i-handle ang MGC noon, sinabihan ko si dad na huwag muna i-push through upang magawa mo ang mga gusto mo.” Halata ang kaseryosohan sa boses nito habang nakatingin ng matiim sa akin. Sumimsim siya ng juice upang ikalma ang sarili habang hinihintay ang aking sagot.   Napabuga ako ng malakas na hangin dahil sa pressure na nararamdaman. Alam kong totoo ang sinasabi nila at nasa akin nga ang problema ngunit... Hindi pa puwede.   “Hindi ko pa puwedeng pamunuan ang MGC, tito.” Pirming sagot ko. Nakatanglaw lang ito sa akin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.   “Hindi ko pa ito papamunuan hangga’t hindi ko nakakamit ang hustisya para sa kanila. Hindi kakayanin ng konsensya kong makuha ang lahat ng pinaghirapan nila gayong iyong taong may sala ay nandito pa rin at malayang nagpapagala-gala.”   Nabalot ng katahimikan ang lahat at nasira lang ito ng lumapit si Manang Lourdes at inilapag ang kaniyang luto.   “Nakausap ko si Gemma, hija. Nasa probinsya daw siya kaya ayon, nagbilin na ipagluto ka nitong paborito mo.” Binuksan niya ang takip at humalo sa hangin ang masarap na amoy ng white cheese chicken lasagna na palagi kong request sa tuwing uuwi ako sa bahay.   “Salamat po, Manang Lourdes. Kung gusto niyo din po ng bakasyon, sabihin niyo lang, ako na bahala sa dalawang ito.” Kinindatan ko pa siya na naging dahilan ng pagtawa niya.   “Ikaw talagang bata ka, naku! Hayaan mo, kapag naisip kong magliwaliw sasabihan kita.” Natatawang tugon niya at kumayaw bago naglakad palayo sa amin.   “Huwag mong galawin ‘yan,” banta ko kay Finn nang makita ang spoon sa kamay niya. Nakaangat na ito sa ere at handang sunggaban ang nasa plato kaya’t agad ko itong inilayo sa kaniya.   “Alam mo Madi, napakadamot mo.” Umirap pa ito at padabog na ibinaba ang kutsara na agad niyang pinagsisihan ng tumikhim si tito Florante kasabay ng matalim na titig sa kaniya.   “Sorry dad,” hinging paumanhin niya at nag-peace sign pa. Naiiling ko na lang na inilapag pabalik sa lamesa ang pagkain. Kita ko ang pagkinang ng kaniyang mata at walang pasubaling binawasan ang dapat na para sa akin.   “Mabalik tayo sa usapan Madi...” Natigil sa pagsubo si Finn ng ma-sense ang kaseryosohan ni tito. Pareho kaming napatuwid ng upo habang matamang nakikinig sa sasabihin niya.   “Ano pa ba ang pumipigil sa iyo para tanggapin ang alok ko? This is a full scholarship hija, hindi mula sa mana mo or pera namin kung hindi offer mismo sa iyo ng Stanford University. Hindi tamang pinapalampas ang ganito lalo at makakadagdag ito sa credibility mo soon.”   Isinandal ko ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata habang paulit-ulit na humihinga ng malalim.   Alam ko ang tungkol sa offer, matagal na. Alam ko rin ang laki ng advantage noon sa oras na ako na ang mag-handle sa kumpanya ngunit...   “Ano ba ang gusto mong gawin namin para lang mapabago namin ang isip mo?”   Napamulat ako ng mata at sinalubong ang seryosong tingin ni tito Florante. Guwapo pa rin ito katulad ng dati ngunit halata na ang ilang hibla ng puting buhok na lagi niyang pinapakulayan. Mayroon na ring mumunting wrinkles sa kaniyang mukha na ebidensya ng kaniyang pagtanda.   “Alam ko ang tungkol sa ginagawa mo at ibang layunin ng Arcadia na binuo mo mismo.” Unti-unting nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Mayroong malaking sikreto ang Arcadia na hindi ko ipinagsasabi kahit kanino.   Kahit kanino puwera na lang kay...   “I’m sorry... Muntik ka na talagang sumablay kay Harvey Manalastas. May maid na nakarinig ng mga kalabog na nagmumula sa kuwarto. Kung hindi ko pa siya nahuling parang nawawala sa sarili dahil sa nakita niya ay hindi ko malalaman ang nangyari. Hindi ko kayang linisin ng mabilis kaya’t ipinaalam ko na kay dad ang tungkol dito.” Bakas ang kasinseruhan sa boses ni Finn habang sinasabi iyon.   Mayroong parte sa akin ang na-disappoint dahil pinagkatiwalaan ko siya ngunit may parte din na nagpapasalamat dahil kung nagsalita kung sino man ang maid na iyon ay tiyak na malaking eskandalo iyon.   “Hindi mo kailangang awayin si Finn. Una pa lang ay alam ko na ang gawain mo, Madi. Sino sa tingin mo ang nagbibigay sa iyo ng mas madaling access para mapasok ang data base ng mga taong involve lalo at puro high profile sila?”   Literal na nalaglag ang aking panga sa narinig. Unti-unting bumalik sa aking alaala ang mga panahong nagsisimula pa lang ako pagkalap ng kanilang data.   “Ano ba ‘yan, paano ko ba malalaman kung sino-sino sila?” Naiinis na bulong ko sa sarili habang sinusubukang i-hack ang data base ng mga may galit sa magulang ko. Bakas ang prustrasyon sa aking mukha dahil ilang oras ko ng sinusubukan ngunit walang nangyayari. Wala akong mapalang kahit ano dito sa ginagawa ko.   “Madi hija, gusto mo bang kumain? Naghanda si Manang Lourdes, bumaba ka na muna diyan.”   Agad kong isinara ang laptop saktong pagkabukas ni tito Florante ng pinto. Napakunot ang noo nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa laptop bago napailing at ngumiti.   “Mamaya na ‘yan, birthday ngayon ni Manang kaya gusto niya makasama tayo sa hapag okay?” Tumango ako bilang tugon at agad na nag-ayos bago lumabas ng kuwarto.   “Hindi pa po ba kayo sasabay pagbaba?” Tanong ko dito ng mapansing nanatili lang siya sa taas. Nginitian niya lang ako at itinuro ang pintuan sa tabi ng kuwarto ko.   “Alam kong naglalaro na naman ‘yong si Finn. Sige hija, mauna ka na. Kakaunin ko lang ‘tong anak ko.” Nagtataka man ay tumango lamang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya at naunang bumaba ng hagdan. -- “Hays I’m busog already.” Kinurot ko pa ang aking tiyan habang umaakyat ng hagdan. Nasa tapat na ako ng kuwarto ng makapansin ng kakaiba.   “Alam ko isinarado ko ito kanina,” ani ko sa sarili. Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil baka nakalimutan ko lang at muling bumalik sa ginagawa.   “Last try na to, Madi. Galingan mo, future hacker ka pa naman at –“   Agad nanlaki ang aking mata nang makita ang mga salitang naka-pop in ngayon sa screen.   “Access Granted.” Halos mapasigaw ako sa tuwa nang mabasa ang dalawang salitang iyon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili dahil sa biglaang pagsigaw ni Finn mula sa kabila.   “Hoy Madi, buksan mo ang pinto. Okay ka lang ba diyan?”   Agad kong hinarangan ang pinto nang gamitan niya na naman ng susi. Nakaharang ang aking katawan at tanging ulo lang ang nakalabas para harapin siya.   “Bakit ka ba nagsisisigaw diyan? May itinatago ka ba o –“   “Shut up, Finn. Huwag kang magulo, hindi nga ako nagrereklamo pag sigaw ka ng sigaw dahil talo,” inirapan ko pa ito at akmang isasara ang pinto ng sumilip siya.   “Lumayo ka nga!” Sigaw ko dito at itinulak bago isarado ang pinto. Siniguro kong naka-double lock ito at iniharang ang portable mini ref para masigurong hindi ito makakapasok muli.   Muli kong hinarap ang laptop at napangisi habang iniisa-isa ang bawat pangalang nakikita ko.   “Finally... Ngayon tingnan natin kung ano ang mga itinatago niyo.”   “I-Ibig sabihin...” Hindi makapaniwalang bulalas ko. Matamang ngiti lang ang iginawad ni tito Florante sa akin at kinuha ang isang folder mula sa kaniyang tagiliran.   “Mababago ba nito ang desisyon mo? Lalo at laman nito kung sino ang nahanap kong pinakaulo sa ginawa sa mga magulang mo?”   Nanginginig ko itong kinuha at binuksan ang pahina. Tumambad sa akin ang mga detalye tungkol sa taong ito at ganoon na lang ang panginginig ng aking kalamnan ng magtugma lahat ng kaniyang detalye sa mga impormasyong nakalap ko.   “Papayag akong ibigay lahat ng information na meron ako kapalit ng pagpayag mo sa gusto ko. Para sa iyo din ito Madi kaya pag-isipan mo.” Seryoso niyang sambit habang nakahawak ang isang kamay sa folder. Mataman itong nakatitig sa akin, hinihintay ang aking bawat sasabihin.   Sa oras na tanggapin ko ang alok ni tito at makuha ang lahat ng negosyo ng pamilya Moore ay tiyak na wala na akong oras na gawain ang mga bagay na gusto ko, maging ang pagpapatakbo ng Arcadia na ako mismo ang bumuo.   Muli kong sinilip ang laman ng folder at sinipat ang pangalang ngayon pa lang ay nagpapakulo na sa aking dugo. Walang pagdadalawang-isip kong tinanggal ang kaniyang kamay at kinuha ng buo ang folder na nagpalaki ng ngiti sa mga labi niya.   “Gusto ko ang mga tingin at ngiti mong ‘yan hija. At alam mo ba kung ano pa ang mas magpapalawak diyan?” Dahan-dahan niyang inilipat ang pahina patungo sa dulo at doon ko nakita ang parteng hindi ko nakita kanina.   “Mr. Lewis is hiring a personal and professional cook. Mukhang umaayon ang tadhana sa iyo, Madeline Moore.” Nakangising sambit ni tito Florante at sumandal sa kaniyang upuan.   Ang daming senaryong tumatakbo sa isipan ko ngayon. Mga paraan kung paano siya papatayin gamit ang sariling kamay ko. Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking mga labi habang nagpapa-book ng appointment para sa interview nila.   “Just wait for my sweet lethal vengeance, Vaughn Rage Lewis.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD