CHAPTER 4

2902 Words
Madeline’s POV “This food tastes so good. You surely inherit your parent’s talent. They are surely proud of what you have become right now,” masaya nitong tugon habang dahan-dahang ibinababa ang kubyertos na ginamit niya. “Of course, Chef Harvey. Kung nandito lang talaga sila mommy Leirra and daddy Maui, tiyak na mas successful ang aming negosyo.” Nginitian lang ako nito ngunit hindi nakatakas ang bahagyang pag-iwas nito ng tingin sa akin. Palihim akong napangisi sa kaniyang iniasta at tumalikod saglit upang kuhain ang dessert na ako mismo ang nag-imbento. “Bago kayo umalis, bakit hindi niyo muna tikman ang ipinagmamalaki ng Arcadia?” Inilapag ko sa kaniyang harapan ang pinaghirapan kong Macarons. Bakas ang pagkamangha sa kaniyang mukha pagkakita pa lamang ng aking gawa. Bilang isang propesyonal na chef, sinipat niya ito ng maigi at kinuhaan ng litrato sa bawat anggulo. Inamoy niya pa ito at bahagya akong napangiti nang makita ang sarap na sarap niyang hitsura. Tahimik niyang kinuha ang isang kulay rosas na macarons at dahan-dahang inilapit sa kaniyang bibig. Kinagatan niya ito ng kaunti at ganoon na lamang ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa aking labi habang pinapanood ang paglunok niya nito. “Masarap, hindi ba, Chef Harvey?” Tumango-tango ito habang isinusubo ng buo ang pagkain. Kita ko ang kasiyahan at paglalaway sa kaniyang mga mata lalo na nang sunod-sunod nitong kinuha ang natitirang macarons sa plato. Mukha siyang baboy na sabik sa pagkain. Tila kaytagal nitong hindi nakakain kaya ganoon na lang ang kaniyang asta, malayong-malayo sa propesyonal na chef na kaharap niya kanina. Palihim akong napangisi lalo na nang malakas itong dumighay. Napahawak pa ito sa tiyan at nakanganga ang bibig habang nakatingala at tulala sa kisame. “Hindi maipagkakailang nagustuhan niyo ang aking specialty, Chef Harvey.” Pagbasag ko sa katahimikan. Pagak akong napatawa lalo na nang hindi na ito gumalaw sa kaniyang puwesto. Nananatiling nakanganga ang kaniyang bibig habang may tumutulong laway mula doon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang puwesto at kita ko ang takot sa kaniyang mukha habang pilit iginagalaw ang katawan niyang tuluyan nang tinraydor siya. Ang aking pagak na tawa ay napalitan ng malakas at mapang-asar na halakhak habang lumalakad paikot sa kaniya. Walang pagdadalawang isip kong sinipa ang isang paa ng upuan dahilan para mahulog ito at tuluyang mawarak ang kinalalagyan niya. Dinig ko ang kaniyang impit na mga ungol na kumakawala sa nananatili niyang bukas na bibig. Kinabig ko ang isang maayos na upuan sa gilid at inupuan ito sa harap niya. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya habang inilalabas ang isang yosi mula sa aking bulsa at ilagay sa pagitan ng aking mga daliri. “Hindi ko akalaing madali kitang mauuto ng ganito, Harvey.” Naiiling kong sambit habang pinagmamasdan ang kaawa-awa niyang kalagayan. Tiyak kong masakit na ang kaniyang panga sa tagal ng pagkakabuka nito ngunit wala siyang magagawa lalo at paralisado rin ang buo niyang katawan. Sinindihan ko ang hawak kong yosi at swabeng hinithit bago ibuga ang usok sa harapan niya. Pinasok nito ang kaniyang bunganga at halata ang disgusto nito sa nangyayari. Kita rin ang pamumula ng kaniyang mata at luhang kumakawala mula dito. “Ang tagal kong naghintay ng tamang pagkakataon para lang makakuha ng appointment sa...” Mabilis kong sinuri ng tingin ang kaniyang katawan at saka sarkastikong tumawa. “Isang katulad mo...” Humithit pa ako ng isang beses bago itapon sa lapag ang yosi at tapakan ang sindi nito. Nakatitig ako ng madiin sa kaniyang matang halata ang takot habang walang habas na inaapakan ang upos ng sigarilyo. Matinis pa akong tumawa na nagpadagdag sa takot na nararamdaman niya. Bahagya kong sinipat ang relo at napangiti ng makitang lumipas na ang limang minuto. Ang oras para mawala pansamantala ang epekto ng gamot na isinama ko sa kaniyang pagkain. Nanlaki ang kaniyang mata nang mapansing naigagalaw niyang muli ang kaniyang katawan. Agad niyang isinarado ang bibig at paatras na gumapang palayo sa akin. Sinubukan nitong sumigaw ngunit walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. “Huwag mo ng subukang magsalita pa... Wala rin namang makakarining sa iyo,” mahinahon kong tugon at dahan-dahang tumayo mula sa silyang kinauupuan ko. Kita ko ang pagdapo ng takot sa kaniyang mukha lalo na nang hiniklat ko ang kaniyang damit at ibinalibag sa matigas na sahig. Dinig sa buong silid ang pag-ungol nito sa sakit lalo pa at tila nabasag ang ilang buto nito sa katawan. Ikinalma ko ang sarili at sinipat ang folder na nasa tabi niya lamang kanina. Binuksan ko ang pahina sa harapan niya at pagak na tumawa matapos mabasa ang nakasaad doon. “Akala mo ba ay hindi ko alam na sinasadya mong hindi paunlakan ang offers ko noon? Na sinasadya mong magdahilan at pagtatakpan ka naman ng tanga mong sekretarya dahil lang sa takot ka sa sarili mong multo,” naiiling na tugon ko rito. Huminga ako ng malalim at nilukumos ang pahinang iyon at saka ipinasak ang papel sa kaniyang bibig. “Bakit, Harvey? Natatakot ka bang harapin ang batang naulila ng maaga dahil sa kasakiman niyo?” Hindi mapigilang tanong ko rito. Muli kong sinipat ang relo at napansing lumipas na muli ang limang minuto. Mapang-asar akong ngumiti lalo at alam kong bumabalik na naman ang epekto ng lason kanina... ngunit mas matindi pa. Tuluyan na siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan habang may nakapasak na papel sa kaniyang bibig. “Harvey Manalastas... Isang frustrated chef na labis ang inggit kila Grand Chef Leirra at Maui dahil sa sobra-sobrang spotlight na ibinibigay nila, kumpara sa katulad mo...” Hindi ko maitago ang disgusto habang pinapanood kung gaano kaawa-awa ang lagay niya. According sa mga na-research ko tungkol sa bulok niyang pagkatao, isa lang siya sa under or ‘aspiring’ kuno na chef ilang taon na ang nakakalipas. Sila mom at dad pa ang nagturo sa kaniya noon paano magluto ng mga putahe na inihahanda para sa bagong tayong restaurant na kinabibilangan niya. Pagkatapos ng lahat ng naitulong ng mga magulang ko sa hayop na ito, ang igaganti niya lang ay pagsanib sa mga kaaway nito para pabagsakin sila at nag-ambag pa upang makapag-hire ng tao para maisagawa ang kanilang malagim na plano. Ang planong sa kasamaang palad ay natupad. Mahigpit kong naikuyom ang kamao habang pinipigilan ang sariling patayin siya ngayon mismo. ‘May tamang oras para diyan, Madi...’ Sambit ko sa sarili at lumapit sa kaniyang puwesto at tinanggal ang papel na nakapasak sa kaniyang bibig. Basang-basa ito ng laway at ang iba ay sumama na nga sa bibig niya. Muli kong tiningnan ang relo at nagbilang ng sampung segundo hudyat ng pagtigil ng second wave ng lason na ako mismo ang gumawa. Tatlo... Dalawa... Isa... Mabilis kong binunot ang baril na dala at ikinasa bago itinutok sa sintido niya. “May limang minuto ka para sabihin lahat ng nalalaman mo tungkol sa Covet Organization bago ka tuluyang maapektuhan ng ikatlo at huling bahagi ng aking potio mortiferum...” Matigas na ang kaniyang katawan at hirap na rin sa paghinga dahil na rin sa naging epekto ng una at ikalawang bahagi ng lason sa kaniyang katawan. Ang ikatlo at huli ay siyang tuluyang papatay sa kaniya kung hindi siya magsasalita. “M-Magsasalita na a-ako...” Nahihirapang saad niya. Walang pigil na rin ang pag-agos ng kaniyang luha at basa na rin ang kaniyang salawal sa sobrang takot na nararamdaman. Hiniklat ko ang nakatumbang upuan sa lapag at prenteng umupo dito habang nakikinig sa sinasabi niya. “A-Ang Coviet Union o CU ay ginawa upang p-patumbahin ang mga n-nasa taas at n—“ Napatigil ito pagsasalita dahil sa pagak kong pagtawa. “Mukha bang hindi ko alam ‘yan?” Naiiling kong tugon at sinenyasan siyang magpatuloy. “P-Pinipili nila ang mga m-matataas na tao na pabagsakin lalo kung t-threat ito sa –“ Napapiksi ito sa sakit na nagsisimulang kumalat sa kaniyang buong katawan. Tatlong minuto... Tatlong minuto na ang sinayang niya pagbibigay ng walang kwentang sagot. “Sabihin mo... Sino ang nasa likod ng Covet?” Napatigil ito pag-iring at natatakot na lumingon-lingon sa paligid. “H-Hindi ko alam. Wala akong alam... Please M-Madeline, pakawalan mo ako. May a-anak akong naghihintay sa ak—“ Napasigaw ito sa sakit lalo na nang hampasin ko ng baril ang kaniyang pisngi. Napabuga siya ng dugo kasama ang ngiping nabasag sa pagpalo ko. “Tarantado ka pala e. Noon bang pinagtulungan niyo iyong mga magulang ko, naisip niyo ba ako? Naisip niyo bang kabuong birthday ko e naglalamay kami sa labi nila?” Hindi mapigilang bulalas ko. Napatayo ako sa upuan at tinalikuran siya habang nangingisay at nag-iirit sa sakit. “Five minutes is up. Mamatay ka na lang, hindi kailangan ng anak mo ng ama na katulad mo.” Bulong ko sa sarili bago lumabas ng pintuan at hayaan ang matigas at patay niyang katawan sa higaan. -- “Nalinis mo na ba lahat?” Tanong ko kay Finn na kakapasok lang sa pintuan. Naglakad ito papunta sa aking puwesto at hinablot ang subo kong yosi bago humithit dito at bumuga kasabay ng pagbuntong hininga. Itinapon niya rin ito sa lapag at agad tinapakan at saka iiling-iling na tumingin sa akin. “Medyo makalat ka ngayon, Madi. Pero huwag kang mag-alala, nalinis ko na lahat.” Paniniguro niya at ginawadan ako ng damping halik sa labi bago kumuha ng baso at nagsalin ng alak sa aking tabi. Iniabot niya pa sa akin ang isang baso bago kumuha ng kaniya at nilagok ito. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga sa ginawa niyang paghalik kanina. Hindi man normal sa paningin ng iba ngunit wala kaming relasyon bukod sa pagiging partners in crime at childhood best friends. Noong una ay pinapagalitan ko pa siya ngunit nasanay na rin kalaunan sapagka’t ilang taon mula nang magkasama kami ay umalis siya patungong ibang bansa at ngayon lamang bumalik. Ang laki ng pagbabago sa kaniya lalo sa kaniyang porma at gawi ngunit ganoon pa rin siya, ang sweet ngunit cool na lalaking nagligtas sa akin noong mga bata pa kami at hinding-hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit ano, oh kahit sino... “Soon mababalita rin ang pagkawala ni Harvey pero don’t worry, katulad ng sinabi ko, malinis ang lahat.” -- “Welcome back to Arcadia, Ma’am Madi and Sir Finn! This way please...” Iginiya niya kami patungo sa VIP deck kung saan limitado lang ang tao dahil na rin masyado pang maaga. Sinipat ko ang orasan at nakitang bago pa lamang magaala-sais. Puro family pa lamang na balak mag-early dinner ang nandito sa baba samantalang sa taas ay mga taong nag-aantay na magsimula ang kasiyahan na magsisimula maya-maya lamang. “I’m proud of how you handle Arcadia, Madi. Exactly like what you’re dreaming of,” puri ni Finn. Nginitian ko lamang siya at tahimik na pinanood ang mga pamilyang masayang kumakain habang sumisimsim ako ng alak. Ang Arcadia ay itinayo ko noong nakaraang taon lamang, noong panahong bago pa umuwi si Finn sa Pilipinas. Ito ay isang resto-bar na ako mismo ang nag-design at nag-ayos mula sa putahe na ihahain hanggang sa alak na iaangkat. Sa umaga ay mostly puro pamilya ang kumakain dito since this is a family restaurant itself samantalang sa gabi naman ay dinudumog lalo ng magkakaibigan or magkarelasyon para magsaya at makatakas sa problema. Exactly the way I envisioned it to be. Sa mga nagdaang taon ay inaral ko ang mga business na naiwan ng parents ko ngunit hindi ako masyadong nasisiyahan kaya’t ipinaubaya ko muna kay Tito Florante ang lahat. Matagal niya nang kaibigan si daddy Maui at masasabi kong magaling siyang magpatakbo ng negosyo. Noong nawala sila ay si Tito Florante na ang kumupkop sa akin at naging legal guardian at tigapangalaga ng mga negosyong naiwan nila. Masyadong masakit ang nakaraan kaya’t napailing na lang ako at inubos ang natitirang alak bago tumawag ng waiter at sumenyas na panibagong bote. “Wala sa plano ko ang maglasing ngayong gabi o ng ganito kagabi pero kung ikaw ang mag-aaya, sure... why not?” Kinindatan pa ako nito at nanguna sa pagbukas ng bagong lapag na bote bago salinan ang baso ko. “Come on, Finn. Gusto ko lang i-enjoy ang nangyari. Unti-unti ko nang nauuubos at napapabagsak ang mga taong nasa likod ng pagkawala nila ngunit...” Napatigil ako sa pagsasalita at malalim na bumuntong-hininga habang nilalagyan ng markas ekis ang listahan na palagi kong dala-dala. “Hindi ko pa rin nakikita o nalalaman ang tungkol sa pinuno nila... Malaya pa rin ang kung sino mang master mind ng lahat ng ito.” Dahan-dahan akong napatingala ng marinig ang mahina niyang tawa na paglaon ay naging malutong na halalhak. Nagsisilingunan na rin ang malalapit sa aming table dahil sa ginagawa niya. Matiim ko itong tiningnan habang hinihintay na humupa ang kaniyang pagtawa. Makalipas lamang ang isang buong minuto ay tumigil ito at direktang tumingin sa aking mga mata. “Ang ganda mo pag naiinis...” Swabeng bitaw niya ng mga salita. Imbes na sagutin ay isang lumalagapak na sampal ang tumama sa kaniyang pisngi. Tuluyan ng natuon sa amin ang atensyon ng lahat at may iba pa ngang nagvi-video sa amin. Palihim akong napangisi ng may maisip na ideya. Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang pagngiti ko dito bago humagulgol ng iyak. “Bakit mo ako niloko? Ibinigay ko naman ang lahat!” Bulyaw ko rito at malakas na pumalahaw. Mas dumami ang nagvi-video sa amin gayon na rin ang bulong-bulungan sa paligid. “Ang ganda-ganda na ni ate niloloko pa?” “Sayang, gwapo at mukhang foreigner iyong guy kaso manloloko.” Naiiling na sagot ng isa habang hindi inaalis ang tingin sa aming dalawa. “Ayos lang ‘yon, lahat naman manloloko. E ‘di doon na tayo sa gwapo.” Rebat pa ng isa na nagpatawa sa akin. Mabuti na lang at napigilan ko at nagpatuloy sa pag-acting. “Come on, hon... Bakit ko lolokohin ang isang katulad mo?” Mahinahon niyang tugon at kinindatan ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang sarili sa mukha ko at bumulong. “Akala mo ba ikaw lang ang marunong sa ganito?” Napakuyom ako ng kamao sa inis lalo na ng tumawa ito at saka inilayo ang mukha sa akin. “Kaya nga kita dinala sa Arcadia dahil mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko...” Tumigil ito pagsasalita lalo na nang napa-‘aww’ ang manonood. Bakas sa mukha nila ang kilig at tuwa habang malawak ang mga ngiting nakatingin sa gawi namin. “Kaya sa mga pamilya diyan or may jowa, kaibigan, ex o ano man... Dalahin niyo na dito sa Arcadia dahil nandito lang ang totoong pagmamahal.” Anunsyo niya bago ako hinapit sa beywang at iginiya patungo sa private room na nagdudugtong direkta sa opisina ko mismo. “What was that all about?” Tanong ko nang makarating sa office. Lumabas ang secretary ko nang makita kami at nag-wave pa sa amin bago tuluyang umalis. Hindi sumagot si Finn at binuksan ang laptop niya. May pinisa pa itong kung ano-ano bago iharap sa akin ang screen. Nanliit ang mata ko lalo na ng makita kung anong tinutukoy niya. “Bakit mo ako niloko? Ibinigay ko naman ang lahat!” Bulyaw ko rito at malakas na pumalahaw. Dinig sa video ang kumento ng ibang nanonood sa amin. “Ang ganda-ganda na ni ate niloloko pa?” “Sayang, gwapo at mukhang foreigner iyong guy kaso manloloko.” “Ayos lang ‘yon, lahat naman manloloko. E ‘di doon na tayo sa gwapo.” Nai-zoom ang camera at nag-focus sa aming dalawa, lalo na kay Finn na malambing na nakatingin sa akin. “Come on, hon... Bakit ko lolokohin ang isang katulad mo?” “Kaya nga kita dinala sa Arcadia dahil mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko...” Natapos ang video kung saan naghihiyawan at nangagantyaw ang mga manonood lalo na nang hiniklat ako papasok sa kwarto. “Ang bilis naman nila...” Naiiling kong tugon at nag-dial ng numero sa cellphone. Ilang saglit pa lamang ay sumagot na ito. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ako. “There is a video of us ni Finn na nasa internet and I want you to take it down, all of it and –“ “No, Madi. Look...” Iginiya ako ni Finn sa kaniyang puwesto at itinuro ang comment section ng video. “Madaming nagre-react and comment and share sa ginawa natin and guess what?” Inilagay niya ang kamay sa keyboard at nagtipa sa search box. Arcadia Lumabas ang f*******: page ng resto-bar ko at ganoon na lang ang tuwa ng makitang umangat ng halos isang libo ang follows sa loob lang ng kinse minutos. “That’s a great stunt we did there and for sure... Madami ng pupunta dito so maghanap na tayo ng extra workers,” kumindat pa ito sa akin bago dahan-dahang bumalik sa seryosong ekpresyon ang mukha. “Tungkol sa sinasabi ko kanina...” Napatigil ako sa pag-browse sa page at hinarap siya upang makinig sa sasabihin niya. Ramdam ko ang lakas ng tambol ng puso at mabilis na pagkulo ng dugo ng marinig ang sinabi niya. “May nakalap nang information si dad tungkol sa pinuno ng Covet. Malapit mo ng makamit ang hustisya, Madi...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD