Madeline’s POV Malakas ang buhos ng ulan mula sa itaas. Nagsisimula na din bumaha sa labas at kita ko ang hirap ng ilang sasakyan na makatawid dito. Meron pang iba na natuluyan ang makina at walang nagawa kung hindi ang sagasain ang ulan at itulak ang kanilang sasakyan sa pag-asang mabubuhay pa ito. Malalim akong napabuntong hininga kasabay ng paghigop ng mainit na kape mula sa tasa. Ako mismo ang nag-brew nito at swabeng-swabe ang lasa. Sakto lang ang tapang at tamis, hindi masyadong mapait o maraming caffeine para makatulog pa ako mamaya. Muli akong napabuntong hininga at inilibot ang tingin sa office. Pinatay ko ang aircon at nagbukas ng siwang sa bintana. Pumasok ang malamig na hangin at munting tubig ulan na dumadaan sa aking katawan. Ipinikit ko ang mata at dinama ang hangin

