Madeline’s POV “Will he be okay?” Direktang tanong ko kay Caiden nang makalabas siya sa pinto. Seryoso ang ekspresyon niya kasunod ng isang malalim na paghinga. “The doctor said that a minor artery has been hit. Mabuti at iyon lang dahil kung mas malaking ugat o organ ang tinamaan ay tiyak na sa morgue tayo nito. Ibang klase ang balang iyon at...” Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagkuyom ng kamao habang nakatitig sa kawalan. Bumubulong-bulong pa ito at ang tanging malinaw sa mga sinabi niya ay ang salitang Arcadian. “I’m glad you called me. Pabalik na din ako that time. Kung nahuli lang talaga tayo ng kahit sandali, hindi ko na alam...” Nag-pause ito upang huminga ng malalim at saka tumitig ng diretso sa mga mata ko kasabay ng paghawak sa aking kamay. “Thank you fo

