Madeline's POV Mabilis na lumipas ang isang linggo mula noong magpunta ako sa kanila. As usual, pagkapunta sa company magluluto ng breakfast, paulit-ulit hanggang dinner. Mahal ko naman ang ginagawa ko which is pagluluto so it's not that boring at all. Nakakapag-recreate ako ng recipes or experiment. Madami naman silang stocks and I manage the entire kitchen so wala silang magagawa if I wasted some for the sake of improvement. However, medyo nakaka-miss ang dati kong buhay. I miss Arcadia and our missions na hindi ko na napupuntahan o nagagawa dahil I'm literally like working full time in here. May benefits din naman like nakuha ko na ang loob ni Caiden samantalang si Vaughn ay medyo maluwag na din sa akin. Napatawa ako habang naiiling dahil unti-unting umaayon sa plano ko ang lahat

