Madeline's POV Matapos makapananghalian ay tinangay ako ni Vaughn patungo sa kaniyang opisina. Bahagya kong binagalan ang paglakad upang pag-aralan ang lugar. Masyado itong malaki kaya't tiyak kong hindi ko ito kakayanin gawan ng blueprint sa mabilis na panahon. Unless... "Stop wandering, we have many things to talk about." Napatigil ako paglalakad ng marinig ang sinabi niya. Nang lingunin ko ito ay malaki na ang agwat namin kaya't mas nilakihan ko ang hakbang upang makasunod sa kaniya. Nang makarating sa pintuan ay agad niya itong binuksan at tumambad ang pinaghalong silver at itim na motif nito. Mula sa itim na table hanggang sa decorations na silver, the room itself screams sophistication. "Have a seat," alok niya. Agad akong tumalima at naupo sa isa pang swivel chair sa harap niya

