Third Person’s POV “Can you even believe it?! Ni wala man lang hint of recognition sa mga mata niya!” Palatak ni Madi kasabay ng pagtungga sa baso ng beer. Napapailing na lang ang kasama niyang si Finn habang pinapanood ang dalaga na magpakalango sa alak. Hindi niya maintindihan ang sinasabi at ikinukuwento niya dahil puro ito iyak at atungal. Nang dumating kasi siya kanina ay inabutan niya ang dalaga na inaakay ng nurse patayo. Imbes na ipa-admit ang dalaga ay binuhat niya na ito pauwi na pinayagan naman ng hospital dahil na din sa punuan sila dahil sa malawakang food poisoning na naganap. Nang maka-recover ay nagsabi itong bitbitin siya sa Arcadia na agad sinunod ng binata kaya naman heto sila ngayon... “Tama na, Madi. Ang dami mo ng naiinom oh. Kung sino mang poncio pilat

