Madeline’s POV “Isang sales lady, timbog matapos mahuli sa CCTV na nilagyan ng lason ang mga produktong binebenta sa Mall. Ang mga detalye, ibabalita ni Mark Reyes.” Napalingon ako kay Caiden na tutok ang atensyon sa TV. Ibinalik ko ang tingin sa pinapanood kahit pa punong-puno ng katanungan ang utak ko. Nag-shift ang camera sa isang CCTV footage kung saan nakalagay ang mga prutas. May nagbabantay pa dito at inaayos ang mga ito nang may tumawag sa kaniya. Hagip din sa CCTV ang pagpasok ng isang babae sa eksena. Nakasuot ito ng casual na damit, mask at itim na salamin. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid bago humugot ng spray can sa kaniyang bitbit na bag at ipinisik ang laman nito sa mga prutas sa harapan niya. Umabot din ng halos isang buong minuto ang ginawa niya bago nangingini

