Madeline’s POV “So how was it? Nalagyan mo ba? I’m sure they will be worried sick especially that –“ “I poisoned someone, Finn.” Putol ko sa sinasabi nito. Natahimik sa kabilang linya at dinig ko ang malalim nitong mga paghinga. “I don’t understand. Isn’t that what you do? Let those who hurt you get poisoned by your wrath? So bakit mukha kang first timer d’yan?” Takang tanong nito. Kanina pa ako nagpapabalik-balik sa office habang kausap siya. Tuluyan ng umalis sila Vaughn at Cai bitbit ng ambulansya. Malakas akong napabuntong hininga sa frustration at napatulala sa kawalan. “Hello? Are you still there? Do you need me to –“ Tinitigan ko lang ang phone at saka pikit matang pinatay ang tawag kahit nagsasalita pa siya. Kinuha ko ang botelya sa bag at itinapon ang laman sa office plant

