Madeline's POV Mabilis na lumipas ang buwan at nakaka-apat na buwan na din ako bilang personal chef ni Vaughn. Madami na din akong natutuhan mula sa kaniya na hindi ko nakalap noon. Mas maganda talaga ang personal na nababantayan at naaaral ang bawat kilos o galaw niya. Alam ko na din ang pangkaraniwang sched niya dahil palagi akong kasama kahit saan siya magpunta. Nakakasawa dahil na-miss ko na din pamunuan ang Arcadia, ang resto-bar ko ngunit may mga kailangan talagang isakripisyo para sa mas malaking bagay. "Putang ina, naisahan na naman tayo?!" Katulad na lang nito... Palihim akong napangisi habang pasimpleng pinapanood si Caiden na over magtipa sa laptop. Successful kasi ang pagkakatanim ng virus doon kaya't ang files tungkol sa kanilang businesses and company ay napasakamay k

