CHAPTER 13

1551 Words
Madeline’s POV “I know you have signed the contract already but I would like to discuss further things with you.” Seryosong sambit ni Caiden at muling kinuha ang kontratang pinirmahan ko kanina lang. Sinimulan niya ng ipaliwanag ang ilan na alam ko rin naman dahil kumukuha rin ako ng tauhan for my business.   “Sinasabi din dito na ang basic salary mo is thirty-five thousand a month, and with five thousand allowance for either your transpo or food if you need it. Though I highly doubt that because we have shuttle services and we can fetch a cab for you or it won’t be necessary as all since you will be with Vaughn 24/7.”   Napatulala ako hindi sa sinabi niyang magiging sahod ko kung hindi sa sinabi niyang 24/7 kong makakasama ang binata.   “24/7? Kailangan ba talagang magdamag kaming magkasama? How about my rest days?” Bago pa lang magsasalita si Caiden nang may sumingit sa aming likuran.   “That won’t be needed Miss Maple. I only need food to eat the regular three meals and other sides in between. You won’t be spending your whole life too much on cooking and you can roam freely on my house.” Palihim akong napangiti sa sinabi niya dahil mas mapapadali ang trabaho ko dito lalo kung may permiso na palang makalibot ako sa lugar niya ng hindi paghihinalaan sa aking tunay na motibo.   “What about when you’re away or in a meeting?” Tanong ko na nagpangisi dito.   “I’ll only ask you to pack food for me when I’m going on a meeting but if you insist on coming because you seemed clingy then why not?” May bahid pang-aasar sa tono nito na agad kong ikinainis. Lumingon ako sa gilid para lang pakawalan ang irap na kanina pa gustong umikot na mga mata at muli siyang hinarap na may ngisi sa labi.   “Of course I won’t sir. I was just thinking the other way though. You don’t even seem to get enough on what I prepared earlier.” Mabilis na nagbago ang kaniyang mapang-asar na ekspresyon at walang salitang tinalikuran kami. Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa isa pang pintuan papunta sa tingin ko’y personal niyang kuwarto dahil nasipat ko ang tila kama dito bago niya pabagsak na isinarado ang pinto.   Malutong na halakhak mula kay Caiden ang pumuno sa opisina. Nakahawak pa ito sa bandang tiyan at naiiyak habang paulit-ulit na hinahampas ang lamesa.   “You got him there, Maple.” Aniya at saka muling tumawa. Sinipat ko ang relo at napansing mag aalas otso na. Kailangan ko ng umalis dahil may kailangan pa akong asikasuhin ngayon. Seryoso ko siyag hinarap at nagbuntong hininga na nagpatigil sa kaniya.   “I’m sorry for interrupting but... Can I go now? I have some important things to attend to.” Napaseryoso siya at tumango saka ngumiti sa akin. Sabay kaming nagtungo sa pintuan palabas at pinagbuksan niya ako ng pinto.   “You’re free to –“   “Where are you going?” Tanong ng baritonong boses mula sa aming likuran na agad nagpaharap sa amin. Tila kami isang kriminal na nahuli niyang tatakas sa paraan ng pagtingin niya sa aming dalawa.   “I have something imp—“   “I don’t care. You already signed the contract so start working for me now.” Madiin na utos nito at inilipat ang tingin kay Caiden na seryoso din nakatingin sa kaniya.   “Stop babying her and letting her go that easily. We won’t pay that big for something she will just go out whenever she wants just because you allowed her. I’m still the boss here, Caiden.” Sambit pa niya at saka itinuro ang isa pang pintuan.   “Go and cook for my dinner tonight.” Utos pa niya saka umupo sa kaniyang upuan at hinarap ang kaniyang laptop, totally ignoring us.   Binigyan lang ako ng tipid na ngiti ni Caiden and mouthed sorry bago niya ako igiya papasok sa kuwartong itinuro ni Vaughn kanina. Nang mabuksan ito ay tumambad ang isang kusina na mas malaki pa kumpara sa pinaglutuan ko kanina. Papasa pa nga itong kitchen sa isang restaurant dahil sa lawak at kumpleto ng mga gamit na makikita sa mga high end restaurant.   “Make yourself comfortable. Nagustuhan niya ang gawa mo kanina and I also do. I’m sure he’ll like anything you cook for him.” Sambit niya pa at saka dahan-dahang isinarado ang pinto, leaving me all alone in this big, cold kitchen.   Muli kong pinagmasdan ang disenyo at puro itim, puti at silver ang kulay ng pader maging sa mga kagamitan na ang ilan ay may halong ginto. Nababasa ko rin ang  brand ng mga ito na pinakamahal na brand not only here in the Philippines but also abroad.   Iniangat ko ang kawali at napangiti nang makita kung gaano ito kakapal. Literal na international quality ito na mas nagpapaengganyo sa aking magluto kahit naiinis ako sa aking bagong amo.   “Hmmm what do we have here?” Tanong ko sa sarili at binuksan ang malaking fridge. Halos malula ako sa nakita at napangiti dahil literal na well-packed ito. Kumpleto sa mga rekados, inumin at kung ano pa man. Binuksan ko rin ang isa pang fridge at tumambad naman ang iba’t-ibang parte ng baboy, manok at baka na maayos na naka-sort.   Sinilip ko rin mula sa glass pane ang ibang frozen goods sa isa pang ref at saka nagsimulang kumuha ng ingredients para sa balak kong lutuin.   Muli kong sinipat ang relo at napansing sampung minuto na lamang bago mag alas otso. May lakad pa kami ni Finn at kailangan namin iyong maayos bago pa kumalat ang balita. Mayroon kasing lintek na nakakita ng ginawa ko noon sa isang miyembro ng Black Omega – ang organisasyon na kinabibilangan ng tatay ni Vaughn na siyang dahilan kung bakit nawala ang aking mga magulang.   Kung hindi namin siya mapapatahimik ay tiyak na magugulo ang aming mundo at masisira ang aking mga plano. Hindi puwedeng mangyari iyon dahil nandito na ako sa puwesto kung saan malapit ko ng maabot ang aking pangarap. Nandito na ako sa kuta ng anak ng pinuno nila and I won’t back out and will everything just to keep my position here.   Kumuha lang ako ng baboy sa ref at saka ito ipinirito. Habang hinihintay iyong maluto ay nagsalang na rin ako ng sinaing sa rice cooker upang makatapos kaagad. Nilagyan ko rin ito ng rose mary na nagpabango sa kanin at saka kaunting asin upang magkalasa ito.   Sinimulan ko na ring maghiwa ng mga gulay katulad ng brocolli at carrots at saka naghanda ng pan para sa lulutuin kong white sauce.   Mabilis ang aking kilos dahil tiyak kong ano mang oras ay dadating na si Finn. Kilala ko ang likaw ng kaniyang bituka at tiyak kong hindi siya maghihintay sa baba sa oras na tumagal pa ako lalo dito.   Nag-melt na rin ako ng butter sa pan at saka ibinuhos ang mga gatas para sa white sauce na gagawin ko. Binudburan ko rin ito ng asin at paminta ayon sa aking panlasa at napangiti ako nang kumalat ang mabangong aroma nito sa kusina.   Nagsimula na rin akong magprito ng bacon at ham sa isang maliit na pan at saka iginisa ito habang binabaliktad ang baboy sa kabilang side. Ang kalahating parte nito ay golden brown na kaya’t tiyak kong malutong na ito.   Nang lumamig ng bahagya ang bacon at ham ay ginupit ko ito into bits at saka isinama sa white sauce saka ito tinakpan at hinayaang kumulo in low heat.   Kinuha ko ang mga pinaggamitan at inilagay sa dish washer. Mabuti na lang at hindi ako mahihirapan maghugas ng pinggan dito at saka naglinis-linis ng counter top habang hinihintay na maluto ang lahat.   Pinatay ko na ang apoy sa white sauce at saka ibinuhos ang melted cheese dito at hinalo sa isang direksyon. Hinayaan ko lang siyang lumamig at saka naghanda ng mga plato at mangkok na paglalagyan nito.   Kumuha ako ng tray at doon nagsimulang mag-ayos ng plates. Naglagay na rin ako ng 1 cup of rice at saka nag-garnish ng friend garlic at parsley sa ibabaw nito. Kinuha ko na rin ang pork chop na niluto ko at hinati ito into four pieces. Inayos ko pa ang pagkakalagay niya sa table at saka kumuha ng cheesy white sauce at inilagay sa ibabaw nito. Nag-garnish din ako ng parsley sa ibabaw at napangiti dahil ang appetizing nitong tingnan. Kumuha na din ako ng tubig sa ref at inilagay sa little pitcher at naghanda ng glass bago pinagsama-sama lahat sa isang tray.   Hindi ko na nasipat ang oras ngunit tiyak kong lampas alas otso na. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib sa hindi ko mawaring dahilan. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at halos mahulog ang dala ko nang makita kung sino ang nasa loob ng opisina at kaharap sila Caiden at Vaughn habang prente siyang nakaupo sa silya.   “Hi Madi! I know you’ll take a while so I welcomed myself inside. I missed you, hon.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD