Madeline’s POV Iniangat ko na ang takip ng pinapakulong sabaw at kumalat sa buong silid ang nakakapaglaway na aroma nito. Timplado na ito ng mga sangkap katulad ng sibuyas, kamatis, bawang, asin, paminta at asukal. Dominant sa amoy nito ang manok na sampung minuto ko ring pinakulo upang masigurado ang lambot nito. Maliit na piraso lang naman kaya’t madali lang rin palambutin, lalo pa at may hinahabol daw umano kami. Nang bahagyang lumamig ang manok ay hiniwa ko ito ng pahalang at isinama sa pinapakulong sabaw. Lalong kumalat ang masarap na amoy dito sa maliit na kusina ng opisina, ilang palapag ang layo mula sa pinaka-opisina ng hayop na CEO. Napapailing na lang ako habang tinitikman ang naturang sabaw hindi dahil hindi ito masarap kung hindi dahil hindi ko akalaing mapupunta ako

