Madeline’s POV “Sumagot ka please...” Munting pakiusap ko habang dina-dial ang numero ni Finn. Nandito ako sa isang phone booth at may mga nagrereklamo na din dahil sa tagal kong gumamit. “Ano ba, Miss? Hindi lang ikaw ang tatawag oh!” Bulyaw ng nasa likuran ko. Binigyan ko ito ng matalim na tingin at inirapan habang idina-dial sa huling sandali ang numero ni Finn. ‘Lintek!’ Ani ko sa isip ng hindi ito sumagot. “Ano ba? Hindi ka ba –“ “Putang ina hindi ka makapaghintay?” Balik sigaw ko na nagpatahimik dito. Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa at napansin ang bumubukol na bagay sa gilid ng hita niya. “Cellphone ba ‘yan?” Tanong ko. Tila nabalik siya sa huwisyo at nauutal na sumagot. “O-Oo, bakit?” Pilit pa siyang nagtaray ngunit hindi ko iyon pinansin at hinab

