Madeline's POV I managed to successfully land on one of the window gutters a few floors away from where I jumped. Mabuti na lamang at madilim dito, indikasyon na walang tao na umookupa sa kuwarto -- sa ngayon. Pigil ko ang paghinga habang pinapakiramdaman ang paligid. 'Sana huwag niya akong makita,' mahinang usal ko at ipinikit ang mata. Agad akong napamulat nang maramdaman ang pag-galaw at paghigpit ng tali sa aking bewang. Nanlaki ang aking mata nang maalalang itinali ko doon ang dulo upang hindi ako tuluyang malaglag mula sa mataas na building na ito. Huminga ako ng malalim at kinapa ang baril sa aking hita. Napamura ako sa inis nang maisip na nagkamali ako ng dampot kanina kakamadali. Ang nadala ko ay tranquilizer gun at isa na lamang ang bala nito. Napakagat a

