Madeline’s POV Mababaw ang aking paghinga at pilit tinitipid ang kaunting oxygen na mayroon ako. Punyeta naman kasing tela itong nakabalot sa ulo ko at sinakop hanggang sa baba ng dibdib dahilan para mahirapan ako sa pagkilos. Ramdam ko ang mahigpit na hawak sa kamay kong nasa likuran habang pilit na hinihila patungo sa kung saan. Sinubukan ko itong sipain ngunit isang malakas na suntok sa sikmura lamang ang aking natamo. “Huwag mo siyang saktan!” Nagpintig ang aking tenga nang marinig ang boses na iyon. Sarkastiko akong napatawa at napairap dahil hindi ko man siya nakikita ay alam kong iyon ang manlolokong si Farrah. Gosh! I can’t believe nagpaloko rin ako sa kaniya. Kung si Finn naloko niya ng isang taon mahigit kaya hindi ito nakabalik, ngayon sisiguruhin kong ako ang tatapos sa kan

