Madeline’s POV “Good morning Ma’am Madeline, breakfast is ready,” nakangiting sambit ng isang kasambahay nang makita ako nitong pababa ng hagdan. Nginitian ko ito at sumunod sa kaniya habang iginigiya sa kusina nang mapatigil ako ng makita kung sino ang nandoon. “Hey Madi, kain ka mu—“ Mabilis akong tumalikod at nagsimulang maglakad palabas habang nakataas ang kamay at itinuro ang aking suot na relos. “I’m going to be late for work, Finn,” sambit ko at nagsimulang bilisan pa ang paglakad para masigurong hindi niya ako masusundan. Nang makarating sa garage ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napasandal pa ako sa pader habang nakahawak sa aking sikmura na kumakalam ngayon sa gutom. Kagabi pa ako hindi kumakain dahil sa nangyari pagkatapos ngayon ay mukhang hindi na naman ako

