Third Person’s POV “O-Oh... Do you need some –“ Mas lumawak ang pagkakabukas ng pinto at tumambad ang mukha ni Vaughn na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa kay Madi. Pinasadahan niya lang ito ng tingin at muling itinuon ang atensyon sa lalaking tila naestatwa ng makita siya. “You’re late.” Bungad niya at tumalikod saka naglakad patungo sa kaniyang lamesa. Gumilid naman si Maui Soliman at pinadaan ang dalaga saka niya isinarado ang pinto. Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang dalagang maglakad patungo sa lamesa ni Vaughn habang alam niyang nasa malalim itong pag-iisip ngayon. Puno ng mga tanong ang isipan ni Madi at hindi niya alam kung magagalit siya o ano. Unang una, bakit nandito ang lalaking kamukha ni daddy at ang anak ng hayop ng Lewis na nagpapatay sa kanil

