Madi’s POV Nang makababa ako ng hagdan ay nandoon na nga sa receiving area sila Tito Florante kasama ang isang babae. Hindi ko gaanong mamukhaan ito dahil naka-side view at medyo nasisinagan ng araw sa view ko kaya’t hindi ko masyadong makita. Lalagpasan ko na sana sila para kumuha muna ng tubig sandali lalo at ramdam ko ang pagpintig muli ng ulo dahil sa sakit ng mapatigil ako nang tawagin ni Tito. “Finally she’s here. Let’s start.” Wala akong nagawa kung hindi maupo nang itinuro niya ang bakanteng upuan sa harap ng babae. Pilit ko pang sinipat ang paligid kung may available na katulong para sana magpakuha ng pagkain nang matuon ang atensyon ko sa babaeng nasa harapan. Nanlaki ang aking mata at napaawang ang bibig sa gulat nang makita kung sino ito. Ang kaniyang maputing kuti

