NARINIG ko ang bahagyang pag-ungol ni PJ sa pagitan ng halik namin. Akala ko magtatagal pa ang halik niya ngunit nagulat na lang ako nang hindi nagtagal kusa niya akong pakawalan. Hinihingal kaming pareho habang nakatitig sa isa’t isa. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos niya ang aking ibabang bibig gamit ang kanyang hinlalaki. Sa ginawa niyang iyon lalong uminit ang buong katawan ko. Pakiwari ko lalagnatin na ako sa sobrang init. Akmang hahalikan niya akong muli nang biglang pumailanlang ang isang lumang kanta ng Air Supply. Napakunot ang noo ko nang marinig iyon. Samantalang nataranta naman si PJ. May kinapa ito sa likod ng suot niyang pantalon. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang hawak niyang cellphone. “Sagutin ko lang ito, ha?” paalam niya nang tumingin sa akin. Tumango

