“MAY MASAKIT ba sa iyo? Napagod ka ba kanina?” Napasimangot ako sa tanong ni PJ. Ilang beses na niyang ginawa iyon mula pa kaninang dumating kami mula sa pakikipaglibing. Ilang beses ko na rin siyang paulit-ulit na sinagot. Pero ang loko, hindi pa yata natapos sa pangungulit. Matutulog na lang kami, tinatanong pa rin niya ako. “Ang sabi ko naman sa iyo, okay lang ako. Huwag mo na akong alalahanin. Hindi pa naman ako matanda para magkaroon ng rayuma. Oo nga’t napagod ako. Pero normal lang iyon kasi halos dalawang oras din naman tayong naglakad bago nakarating sa sementeryo. Kaya lang hindi mo na kailangang mag-alala. Nakapagpahinga na rin naman ako kanina,” muli kong sagot. Isa pang tanong nito. Sasapakin ko na talaga. Exaggerated na siyang magtanong. Hindi ko tuloy malaman kung ano a

