HINDI ko ini-expect ang gagawin ni PJ pero hindi agad ako nakagalaw. “Open your mouth, sweetheart,” anas ni PJ nang pakawalan niya ang labi ko. Hindi pa rin ako kumilos. Napatitig lang ako sa mukha niya. Kahit kailan ang guwapo niya talaga, galit man siya, natutuwa, at ngayon ay malamlam ang titig niya. Nababasa ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal. Bukod kasi sa ayaw kong makita ang matinding kalungkutan sa mga mata niya, ayoko rin na malunod sa mga titig niya. May kung anong epekto ang mga titig niya sa akin kahit noon pa. Kung hindi galit o kalungkutan ang nababasa ko, hindi maipaliwanag na emosyon ang mababanaag sa mga mata niya. “Sweetheart, can I eat you?” seryosong tanong niya. Napaawang ang labi

