“HEY, SWEETHEART! Are you okay?” tanong ni PJ saka marahang pinagpag ang likod ko. Nang hindi ako umimik, kumuha na rin siya ng tubig at inilapit sa akin. Tinanggap ko naman ito saka dahan-dahang ininom. Nang ibaba ko ang baso sa papag, tinitigan ko nang matalim si PJ. “Next time kapag magbibiro ka gandahan mo, ha? Nakakainis ka lang!” singhal ko. Hindi siya umimik pero nagkamot siya ng kanyang ulo saka ngumisi sa akin. Pinandilatan ko naman siya. Nagtaas siya ng dalawang kamay. “Sorry na, sweetheart.” Pinaikot ko lang ang mga mata ko saka muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Naunang natapos si PJ kaya minadali ko na rin ang aking kinakain. Napansin ko kasing titig na titig na naman siya sa akin. Naiinip yata ang loko. Patapos na ako sa aking kinakain nang biglang lumapit sa am

