NABUHAYAN ako ng pag-asa nang marinig ang boses ni PJ. Kahit paano nabawasan ang kaba at takot na bumabalot sa akin. Ngunit napalitan ito nang matinding pag-aalala nang biglang bumagsak sa tubig ang lalaking pumipisil sa aking hita. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pinagsusuntok ito ni PJ habang nasa tubig silang dalawa. Ni hindi magawang manlaban ng lalaki sa bilis at lakas ng suntok na pinakakawalan ng asawa ko. Nang lumubog ang lalaki sa tubig sumunod na hinila ni PJ ang lalaking tumakip sa bibig ko. Muntik pa akong maisama sa tubig kung hindi lang mahigpit na nakaakbay sa akin ang kasama nito. Inulit lang ni PJ ang ginawa nito sa naunang lalaki. Lumubog din ito sa tubig makalipas lang ng ilang minuto. Nang muling ibaling ni PJ ang tingin sa akin bigla na lang humigpit ang a

