“ANO? Totoo ba ang lahat nang sinabi mo, iha? Anong klaseng pamilya ba ang pinanggalingan ng asawa mo? Paano nila naisip na lokohin ka?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Tito Leonard pagkatapos kong ikuwento sa kanila ang lahat ng nalaman ko mula kay Phoenix. Natulala naman sina Tita Grace at Lian sa kuwento ko. Samantalang si Lander ay napakuyom ang mga kamao tapos napamura nang malakas. Si Luigi ang medyo mahinahon ngunit mabigat naman ang binitiwang salita. “Kung ganyan pala ang ginawa ng pamilyang iyon sa iyo, mabuti pang hiwalayan mo na lang ang asawa mo. Tapos idemanda mo ang kapatid niya sa pananakit sa iyo para kahit paano mabigyan naman ng hustisya ang ginawa nila sa iyo. I-report na natin agad ito sa barangay para maaresto iyong nanakit sa iyo.” Napatda ako sa sinabi

