MAKALIPAS ang dalawang araw, sinamahan ako nina Manong Athur at ang maid na si Melanie sa barangay hall para magsuplong. Pagkatapos nila kaming makuhan ng mga statement sinamahan nila kami sa presinto ng pulis. Muli na naman kaming ininterbyu roon. Saka nila ako dinala sa isang doktor para maeksamin. Ang panghuli kong pinuntahan ay ang DSWD. Tinanong pa nila ako kung kailangan ko raw ng protection order. Hindi naman nanganganib ang buhay ko kaya okay lang na kahit wala muna iyon. Kinabukasan ay galit na Phoenix ang nakaharap ko sa hapag-kainan. “Anong ginawa mo? Bakit hinuli ng mga pulis si Patrick kahapon?” bungad niya sa akin nang umupo ako sa aking puwesto. “Tama lang naman ang ginawa ko, ah. May kasalanan naman sa akin ang kapatid mo. Kaya dapat lang na pagbayaran niya iyon,” ba

